Kabanata 2476
Noong una ay pinigilan ni Lillian ang kagustuhan niyang umatake pero hindi na napigilan ng katabi niyang si Otis ang sarili nito.

“Kitang kita naman na walang alam ang isang ito, Pinuno. Bakit ka ba nakikinig sa kaniya?” Sigaw ni Otis bago sumugod gamit ang hawak niyang espada. Nagtinginan naman ang ibang mga miyembro ng grupo bago sundan ang kanilang kasama. Ang mga Black Sand Python ay nasa upper middle class ng mga mahiwagang halimaw kaya kayamanan ang tingin ng mga cultivator sa tinatanglay na inner core ng mga ito na naging popular sa mga black market. Naglakbay nang malayo ang grupong ito para manghuli ng mga Black Sand Pyhton nang makakita sila ng isa sa mga ito, kaya paano nila magagawang palampasin ang pagkakataong ito?

“Mga mangmang,” Mura ni Darryl sa kaniyang sarili bago sumigaw kay Lillian ng, “Utusan mo ang mga tauhan mong maging alerto sa paligid. Mahilig makisalamuha sa kanilang mga kauri ang mga Black Sand Python kaya imposibleng makakita tayo ng python na naglalakba
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP