Kabanata 2484
Pero kasalukuyan nang nasa limit ang kaniyang internal energy habang sinusubukang protektahan ang kaniyang katawan mula sa nakalalasong hamog. Siguradong mamamatay siya sa sandaling tanggihan niya ang inaalok na suhestiyon ni Darryl. Nanginig ang buong katawan ni Lillian nang maisip niya ang tungkol sa pagkamatay at pagkaagnas ng kaniyang katawan sa lugar na ito nang dahil sa tapang ng nakalalasong hamog sa paligid, kahit nagawa niyang magmatigas, wala pa rin siyang nagawa kundi tanggapin ang katotohanan. Nagdadalawang isip itong kumagat sa kaniyang mga labi habang naglalakad papunta kay Darryl para makishare sa suot nitong balat ng hayop.

“Napakabango pala nito,” isip ni Darryl habang inaatake ng matamis na amoy ni Lillian ang kaniyang pangamoy na halos makapagpabangag sa kaniyang isipan. Naglibot ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa katabi niyang si Lillian. Inaamin niya sa kaniyang sarili na malapit nang maging perpekto ang hubog ng katawan nito kaya kaagad na naging kakaiba
Continue lendo no Buenovela
Digitalize o código para baixar o App

Capítulos relacionados

Último capítulo

Digitalize o código para ler no App