Kabanata 2487
Kinilala ba ng kanilang pinuno ang brat na iyon bilang kaniyang kuya? Nag-echo sa kanilang isipan ang tanong nang marinig nila ang mga sinabi nito. Palaging mataas ang naging pagrespeto kau Lillian bilang pinuno ng Blood Thorn Mercenary Team. Kahit na isa siyang babae ay hindi siya kailanman sumunod o sumuko kahit na gaano pa kahirap ang pagsubok, pero napaka banayad ng pagkausap nito sa basurang iyon. Galit na galit ang mga lalaki, lalo na si Otis. Sa puso nito ay isang dyosa si Lillian at pangarap na babae niya ito. Isang paghihirap ang panoorin itong makipaglandian sa ibang lalaki, pero alam niyang kailangan niyang tiisin ang mga pangyayari kung gusto niyang mabuhay.

Tumango si Darryl at natuwa ito nang nagpakumbaba si Lillian. “Sige na, dahil maayos kang nagtanong ay ililigtas ko sila gaya ng iyong kahilingan.” Mabilis itong lumapit kina Otis at sa iba pa. “Hahayaan ko kayong mabuhay ngayon bilang pagrespeto sa inyong pinuno, pero maging babala sa inyo na wala na kayong magiging p
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP