Kabanata 6
Maaga kinabukasan, nakatanggap ng tawag si James mula kay Thea.

“Hey honey, nagawa kong makausap ang aking kaklase. Handa siya na tumulong at gumawa ng appointment sa chairdman, si Alex Yates. Nasaan ka? Pumunta tayo sa opisina ng Celestial Group ngayon at siguraduhin ang order. Tatanggapin ka ni lolo pagkatapos nito!” Ang masayang boses ni Thea ay umalingawngaw sa phone.

“Hintayin mo ako sa bahay. Susunduin kita sandali.”

Matapos ibaba ang tawag, gumulong paalis ng kama si James at naghanda sa bilis na kaya niya.

“Saan tayo pupunta, James?”

Si Henry ay naghihintay na sa kotse.

“Kela Thea.”

“Sakay na.”

Sumunod si James. Nasa manibela si Henry, sila ay dumating sa lugar ni Thea ng mabilis. Naghintay siya sa labas.

Lumitaw si Thea.

Ng kikitain niya ang chairman ng Celestial Group, si Thea ay naghirap para ayusin ang kanyang sarili. Nakasuot ng maganda, masikip na dress at ang kanyang itim na buhok ay nakasampay sa kanyang balikat, siya ay talagang tanawin na magandang tignan.

“Honey.”

Nakita ang itim na multi-purpose na sasakyan na lumapit mula sa kalayuan, tumakbo si Thea papunta sa sasakyan na may masayang ekspresyon, sinasabi, “Ang kaklase ko ay hindi nagpigil. Ginawa niya ang appointment para sa amin, kaya ang kailangan nating gawin ay ang magpakita sa opisina ng Celestial Group.”

Medyo napangiti si James.

Ito ay walang kinalaman sa kanyang kaklase. Kung hindi niya kinausap si Alex Yates, wala sana ang kahit anong appointment na tinutukoy niya.

Subalit, nakita si Thea na sobrang saya, nagdesisyon siya na hindi ito sirain. Sa halip, pinuri niya siya. “Sabi ko na. Kaya mo ito, darling. Ikaw na ang bahala ngayon. Kung hindi natin makuha ang order, wala na ako.”

Maliwanag na ngumiti si Thea. “Huwag kang magalala. Hindi ko hahayaan na mangyari iyan.”

Hindi niya pa alam ang mga detalye tungkol sa background ni James, pero siya ay nanggaling na sa kanyang villa dati.

Sa House of Royals ay ang pinaka magarang villa sa Cansington at ito ay merong malaking halaga na kaugnay nito. Kahit sino ay hindi magagawang mabili ito.

Pakiramdam niya na imposible ang swerte na asawa niya ito. Ngayon, gusto niya na ipakita ang kanyang kakayahan sa kanya.

Gusto niya na ipakita sa kanya na siya ay hindi ang lumang Thea. Kahit na siya ay naging katatawanan ng maraming mga taon, tinuloy niya ang kanyang pagaaral sa bahay at siya ay mahusay na scholar.

“Tara na, darling.”

Sumakay si Thea sa sasakyan.

Sinabi ni James, “Henry, papunta sa opisina ng Celestial Group.”

Niyakap ni Thea si James at inisip ang nangyari kagabi. Sinabi niya, “Honey, alam mo ba na si Old Warren Xavier ay pinatay kagabi?”

Ang mga Xavier ay ang pinuno ng The Great Four.

Bilang pinuno ng mga Xavier, si Warren ay kilala. Kilala ng lahat kung sino siya.

Sa pagdiriwang ng mga Xavier kagabi.

Merong pagdiriwang kung saan pinagbunyi nila ang partnership ng Megatron Group at Celestial Group. Ngayon na ang Megatron ay merong unang prayoridad sa order ng Celestial, ang kanilang negosyo at impluwensya ay lalong lalawak.

Ika walumpung kaarawan din ni Warren Xavier.

Subalit, isang misteryosong tao ang pumunta sa party na may dalang kabaong. Pinugutan niya si Warren at dinala ang kanyang ulo. Mabilis kumalat ang balita at ito ang pinakamainit na balita sa Cansington sa sandaling ito.

Ngayon, ang importanteng mga department ay iniimbestigahan ang insidente.

Gayunpaman, wala masyadong nangyari.

Nagpanggap na nagulat si James sa tanong ni Thea. “Ako ay dumiretso sa kama matapos na makauwi kagabi. Hindi ko alam ang tungkol dito. Ang mga Xavier ay parte ng The Great Four sa Cansington, hindi ba?”

“Tama iyon,” Sabi ni Thea. “Ang mga Xavier ay mga pinuno ng The Great Four at ang kanilang mga negosyo ay umaabot sa iba’t ibang mga industriya. Ang Megatron magisa, ay pagmamay ari nila, ay mas makapangyarihan kaysa sa lahat ng negosyo ng mga Callahan, at ang mga Xavier ay marami ding mga negosyo.”

Si Thea ay mukhang medyo naiingit. “Lahat ng babae sa Cansington ay desperado na maikasal sa mga Xavier para maranasan nila ang madaling buhay.”

Medyo ngumiti si James. “Hindi ba’t meron kang pagkakataon kahapon? Idivore mo ako at magkakaroon ka ng pagkakataon mo.”

“Ugh.”

Si Thea ay hindi napahanga. “Ang pagiging parte ng mayamang pamilya ay hindi maginhawa. Sa nakalipas na sampung taon, marami akong nakitang panlalait sa akin. Para sa kanila, ako ay wala lang kung hindi katatawanan. Alam ko kung sino ang nagtatrato sa akin ng taos puso. Wala akong pakialam na maikasal sa mayaman. Atsaka, ang asawa ko ay mayaman.”

Dahil dito, ngumiti siya, isang maligayang ekspresyon ang nasa kanyang mukha.

Pinisil ni James ang kamay ni Thea.

Siya ay medyo lohikal na babae.

Walang sinabi si Henry, nakatuon sa kalsada. Kaagad, sila ay nakarating sa opisina ng Celestial Group.

Isang international na grupo, ang Celestial Group ay negosoy ng pamilya Yates, na nagmula sa Capital.

Ang kanilang headquarters ay mahusay, na walong palapag na gusali.

Si James at Thea ay lumabas sa sasakyan.

Tinignan ni Thea ang kahanga hangang gusali, kaba ang naramdaman niya.

Higit sa sampung taon na nakalipas, nanatili siya sa bahay hanggat makakaya niya.

Subalit, meron siyang malakas na kagustuhan na bumisita at tignan ang mundo sa labas. Ang rason bakit siya nagaral ng matindi sa bahay ay para pakawalan ang kanyang sarili mula sa kathang isip na kulungan at umakyat ng mas mataas.

Nilabas niya ang kanyang phone at tinawagan ang kanyang kaklase.

Higit sa dalawampung minuto makalipas, isang babae na may makapal na makeup at pangtrabahong skirt ang lumapit sa kanila. Ng makita niya si Thea na nakatayo sa entrance, hindi niya maitago ang kanyang gulat.

Narinig niya na nabalik na ang itsura ni Thea. Pinadala pa ni Thea ang kanyang litrato, pero hindi siya naniwala dito. Siya ay napilitan na tanggapin ang katotohanan ngayon na nakita niya si Thea mismo.

Siya ay mukhang nainggit sa kung gaano kaganda si Thea ngayon.

Lumapit sa kanila, nagdalawang isip siyang nagtanong, “Thea?”

Masaya, hinablot ni Thea ang kamay ng isa pang babae. Sinabi niya, “Jane, ako ito! Ikaw ay talagang naging pinuno ng department sa Celestial Group!”

Si Jane Whitman ay sobrang napuri. Ngumiti siya at sinabi, “Gusto ko lang na subukang mabuhay. Thea, kung gusto mong makita ang chairman, kailangan mo pa din ang pahintulot ng general manager. Tara na.”

Tumayo si Thea nakatulala sa kinatatayuan niya.

Ng sila ay nagsasalita sa phone kahapon, pinangako ni Jane na gumawa siya ng appointment sa chairman, si Alex Yates.

“Thea, dapat malaman mo na hindi madali para makakuha ng order mula sa Celestial. Kung gusto mo ang order, kailangan mo na…” Lumapit siya kay Thea at may binulong sa kanyang tenga.

Matatag na tinanggihan ni Thea ang ideya ni Jane. “Talagang hindi.”

Nawala ang pasensya ni Jane. “Thea, kung ikaw ay hindi handa na magsakripisyo, paano mo magagawa na makakuha ng kahit ano pabalik? Pinadala ko ang iyong litrato sa manager. Sumang ayon siya na hayaan ka na makuha ang order kung matutulog ka kasama niya. Hindi mo kailangan na makita ang chairman!”

“Jane, akala ko na tayo ay magkaibigan. Ganito mo ba tratuhin ang isang kaibigan?”

Si Jane ay hindi napahanga. “Gusto mong makuha ang order ng walang sakripisyo? Hayaan mo na sabihin ko sayo ngayon. Imposible ito. Malinaw kong sinabi, kaya pagisipan mo ang tungkol dito kung gusto mo na magpatuloy.”

Tumalikod siya at umalis matapos iyon, ang kanyang mga heel ay tumutunog ng malakas sa sahig.

Si Thea ay nasa bingit ng pagiyak. Tumalikod siya para tignan si James na nanatiling tahimik sa oras na ito. “Wala akong silbi, hindi ba?”

Kinomfort siya ni James. “Syempre hindi. Bakit hindi mo subukan na kitain si Alex Yates mismo? Sa tingin ko kikitain ka niya. Sige, maghihintay ako sa sasakyan.”

Mahinang tinulak ni James si Thea sa direksyon ng gusali.

Sa sandaling iyon, bumalik si Jane kasama ang may edad na lalaki.

Ang lalaki ay naka suit at tie, mukhang matagumpay na negosyante.

Nakapulupot ang braso ni Jane ng malapit sa kanya, lumapit muli kay Thea. Nakangiti, sinabi niya, “Thea, ito ang manager ng Celestial Group. Siya ay namamahala sa lahat ng koneksyon sa negosyo. Siya ang may huling sabi sa kung sino ang makakakuha ng mga order.”

Ang tanging rason bakit si Jane ay nasa posisyon na ito ngayon ay dahil sa natulog siya kasama ng manager, si Linus Johnson. Kabit siya nito.

Pinadala ni Jane kay Linus ang litrato ni Thea kagabi.

Kaagad na naintriga si Linus. Pinangako niya na si Jane ay ipopromote siya sa posisyon ng deputy department manager kung nagawa niyang tulungan siya na makasama sa kama si Thea.

Ngayon na nakita ni Linus si Thea mismo, siya ay mas nalibugan.

Si Thea ay mas maganda sa personal.

Pinangako niya na makakasama niya siya sa kama sa anumang paraan.

Naglakad siya papunta sa kanya ang kanyang dibdib ay nakalabas. “Thea, tama? Sinabi ni Jane ang lahat sa akin. Mainit na araw ngayon. Bakit hindi natin pagusapan ito sa isang kwarto sa hotel? Huwag kang magalala. Sumama ka sa akin at hindi mo kailangan alalahanin ang tungkol sa order. Bibigyan pa kita ng deal na limampung milyong dolyar ang halaga!”

Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo