Kabanata 9
Ang babae ay ang nakababatang kapatid ni Tommy at anak na babae ni Howard, si Megan Callahan.

Sa sandali na pumasok siya, napansin niya si Thea at James. Hindi niya mapigilan na titigan sila.

Tapos lumapit siya kay Lex at pinakita sa kanya ang article sa kanyang phone.

Nakita ni Lex ang litrato ni Alex na nakayuko kay Thea, ang kanyang kamay ay nakaunat. Siya ay nabigla.

Iyon si Alex Yates, ang chairman ng Celestial Group.

Sa Cansington, kahit ang The Great Four ay kailangan sumunod sa kanyang patakaran.

Kinuha niya ang kontrata sa lamesa at kinumpirma na ito ay talagang order para sa isang daang milyong dolyar. Siya ay tumawa. “Ha ha, mahusay, Thea. Ikaw ay talagang isang Callahan! Oras na para sa Eternality Group na sumikat!”

“Paano si James, lolo?”

“Ano? Si Joel Xavier ay nandito?” Isang may edad na babae ang pumasok.

Ito ay si Gladys, ang ina ni Thea.

Napansin niya si Joel sa sandali na pumasok siya at dumiretso papunta sa kanya, malaki ang ngiti sa kanyang mukha. “Ikaw siguro si Joel. Marami ang narinig ko tungkol sayo! Ano sa tingin mo kay Thea? Kung gusto mo siya, sayo na siya.”

“Mom.” Si Thea ay sobrang galit na pumadyak siya. Nakatingin kay Lex, siya ay halos mapaiyak. “Lolo, ginawa namin ang gusto mo. Nakuha namin ang order at kailangan mong sundin ang pangako mo.”

“Hmph.”

Mukhang nanlalait si Joel. “Ano ngayon kung meron kang kontrata? Tulad ng sabi ko, isang tawag lang ang kailangan para mapawalang bisa ang kontrata na ito.”

“Ang lakas ng loob mo…” Galit na tinuro ni Thea si Joel at tumingin kay Lex, nagmamakaawa sa kanya. “Lolo.”

Binaba ni Lex ang kontrata.

Hindi niya alam kung bakit si Alex Yates ay kailangan itong personal na asikasuhin.

Muli, hindi maitatanggi na ang Celestial Group ay malapit na partner ng mga Xavier. Kung mabastos nila si Joel, maaari na mawala ang kontrata. Higit pa dito, si Thea ito, hindi si James, na siyang nakakuha ng kontrata.

Humipak sa kanyang tobacco pipe, sinabi niya, “Thea, nakuha mo ang kontrata. Ito ay walang kinalaman kay James. Ganun pa din ang deisyon ko. Idivorce si James at pakasalan si Joel.”

“Tama iyan.” Si Joel ay mukhang mayabang na para bang alam niya na siya ay nanalo. Kapag si Thea ay sa kanya na, hahanap siya ng paraan para ligpitin si James.

Hindi siya naniniwala na si Lex Callahan ay babastusin siya para sa walang kwentang si James.

Kung mabastos nila siya, ang mga Callahan ay mahihirapan.

Masaya, sinabi ni Joel, “Matalinong desisyon, Mister Callahan. Ang ama ko ay magiging pinuno ng pamilya. Kung mapasaya mo ako, makukuha mo lahat ng order na gusto mo.”

“Honey…” Naiiyak na tumingin si Thea kay James.

Nakatingin si James sa kanya, tinatanong, “Ano ang gusto mo, Thea?”

Desidido, sinabi ni Thea, “Kasal na tayo ngayon. Asawa mo ako. Maliban kung patay ako, hindi tayo magdidivorce.”

Tumango si James at sinabi, “Tawagan mo si Alex Yates at ipaliwanag ang sitwasyon sa kanya. Tignan natin kung si Joel ay talagang totoo ng sinabi niya na kaya niyang ipawalang bisa ang kontrata. Kung si Joel ay merong ganitong kapangyarihan, kung gayon sa tingin ko mas magiging masaya ka kasama siya. Ano pa man ang kalagayan, mas mabuti ito kaysa sa manatili kasama ang mahirap na tulad ko.”

Ang mga Callahan ay tumingin kay James na may kaunting paghanga.

Ngumiti si Lex. “James, matalino ka. Huwag kang magalala. Tutuparin ko ang sinasabi ko. Matapos ang divorce, babayaran kita ng limang daang libong dolyar.”

Hindi alam ni Thea kung ano ang iniisip ni James. Nagaalala siya na si James ay nararamdaman na wala ng ibang pagpipilian pa.

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni James. “Honey, huwag kang magalala. Sisiguraduhin ko na mananatili ka. Kung susubukan nila na itapon ka palayo, magpapakamatay ako.”

“Tawagan si Alex Yates.”

“Sige.”

Nilabas ni Thea ang kanyang phone at ang business card ni Alex.

Ng siya ay tatawag na, hinablot ni Gladys ang phone sa kanyang mga kamay. “Tama na ang kalokohan na ito! Ang basurang ito ay sumang ayon sa divorce! Bakit ang tigas pa din ng ulo mo? Anong mabuti ang mangyayari sa pananatiling kasama siya? Si Joel ay mas mabuti!”

Kinumpas ni Joel ang kanyang kamay, walang pakialam sa mundo. “Hayaan mo siya na tumawag para sumuko siya. Thea, tanungin mo kung ang Celestial ay gusto na makipagtrabaho sa mga Xavier o sa mga Callahan.”

Sumunod si Gladys at binigay pabalik ang phone kay Thea.

Si Joel ay mukhang siya na ang panalo.

Ang mga Callahan ay tanging second-rate na pamilya sa Cansington. Imposible ang Celestial na susuko sa partnership sa mga Xavier.

Ang tawag ay kumonekta.

“Mister Yates? Ako ito, si Thea Callahan. Nagpirmahan tayo ng kontrata kanina. Oo, ako ito. Sabi ni Joel Xavier na kaya niya ipawalang bisa ang kontrata na pinirmahan ko.”

Sa opisina ni Alex Yates.

Nagalit si Alex. Sumigaw siya, “Joel? Sinong Joel? Joel Xavier? Walang sino man ang may awtoridad para ipawalang bisa ang kontrata na pinirmahan ko.”

“Ang Megatron Group ng mga Xavier. Tinanong din ni Joel kung mas gusto mong makatrabaho ang mga Xavier o mga Callahan?” Nagsalita si Thea sa mahinang boses. Kung sabagay, ang mga Xavier ay parte ng The Great Four, at ang mga Callahan ay second-rate na pamilya.

“Okay, kalma, Thea. Hayaan mo na tignan ko at tatawagan kita kaagad pagkatapos.”

“Sige.”

Binaba ni Thea ang tawag.

Mukhang mayabang si Joel. “Kamusta ito?”

Sabi ni Thea, “Sabi ni Mister Yates na tatawagan niya ako muli.”

Matapos na binaba ni Alex ang tawag, kaagad siyang gumawa ng imbestigasyon.

Wala siya masyadong pakialam tungkol sa mga partnership ng kumpanya. Ang vice president ang madalas nagaasikaso nito.

Tinawag niya ang vice president, nalaman na ang Celestial ay pumirma ng kasunduan sa Megatron Group ng mga Xavier na hinayaan sila na mauna sa distribusyon ng mga order.

“Walton, tanggal ka na! Ligpitin mo ang gamit mo at lumayas!”

Inutusan ni Alex ang business department para kanselahin ang mga order ng Megatron. Simula ngayon, si Megatron ay hindi kailanman makukuha ang kanilang mga order.

Ng siya ay magawa ng kailangan paghahanda, tinawagan niya muli si Thea.

“Hi, Thea. Nakuha ko na ang lahat. Nakansela na namin ang lahat sa Megatron. Simula ngayon, ang Eternality Group ang merong unang prayoridad sa aming order. Masaya ka ba dito?”

Ang phone ni Thea ay naka loudspeaker.

Narinig ng lahat ang sinabi ni Alex.

Sila ay nagulat.

Tanging si Joel lang ang tumatawa. “Thea, sino ang tinawagan mo? Ang lakas ng loob niya, hindi ba? Ano ang tungkol sa pagkansela sa lahat sa Megatron at pakikipagtrabaho sa Eternality? Tanging hangal lang ang gagawa ng desisyon na ito. May binayaran ka ba para magpanggap bilang chairman ng Celestial?”

Malakas na nagsalita si Joel at ang loudspeaker ay nagpalakas ng boses niya. Malinaw na narinig ni Alex ang lahat.

Nawala ang kanyang pasensya. “Joel Xavier, tama? Simula ngayon ang mga Xavier ay tapos na!”

Matapos iyon, binaba niya ang boses niya at sinabi, “Thea, huwag ka magalala sa mga order. Walang sino ang magagawang magkansela sa kanila. Ang mga Xavier ay binigyan ka ng problema? Sandali lang. Aasikasuhin ko ito kaagad. Ang mga Xavier ay mababankrupt sa loob ng kalahating oras!”

Binaba ni Alex ang tawag.

Tapos, nagsabi siya ng ilang mga utos. “Wala akong pakialam ano ang gagawin mo. Gusto ko ang mga Xavier na mabankrupt sa loob ng kalahating oras!”

Si Alex Yates ang chairman ng Celestial Group.

Kahit na siya ay nagmula sa Capital, siya pa din ay makapangyarihang tao sa Cansington.

Kung gusto niya ang mga Xavier na mabankrupt, ito ay mangyayari.

Si James ay natuwa sa mga pangyayari. Nakatingin sa nalilitong ekspresyon ni Thea, ngumiti siya. “Thea, sa tingin ko si Mister Yates ay natutuwa sayo. Inaanak ka ba niya?”

Si Joel ay mukhang nababagot. Paano ang mga Xavier na mabankrupt sa loob ng kalahating oras?

Anong malaking kalokohan!

Sa sandaling iyon, nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang ama. “Ikaw g*go ka! Ano ang ginawa mo? Ang Celestial ay kinansela ang partnership sa Megatron!”

Si Joel ay walang masabi.

Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo