Kabanata 1437
Ngayon, ang gusto na lang ni James ay tapusin na ang lahat ng ito at bigyan ang Sol ng isang mapayapang Capital.

Kahit na magtagumpay o mabigo ay nakadepende pa rin ito sa kung paano uusad ang kalahating yugto ng taon.

Kapag hindi niya nagawang ayusin ang lahat ng ito bago mag-eleksyon, ito ay dahil sa kakulangan niya. Doon na siya titigil sa pangingialam sa tungkol dito.

Ang pangako ni James ang nagpagaan ng kalooban ni Thea.

“Tutulungan kita, Mahal. Kukunin kita para magakapgretiro ka kasama ko, makahinga ng maluwag, at iiwan ang Capital ng walang anumang pagsisisihan. Kapag dumating ang panahon na iyon, wala ka ng alalahanin, at mananatili ka na sa aking tabi.”

Walang kaalam-alam si James sa nakatagong kahulugan sa kanyang mga salita. Wala siyang alam sa kung ano ang ibig sabihin ni Thea nung sinabi nito na tutulungan siya nito.

Sa kanyang pananaw, gusto lang ni Thea na malayo mula sa ganitong klase ng buhay at hinihiling na magkaroon ng hindi komplikado at payak na pamumu
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP