Kabanata 1441
"Wala kang dapat ipag-alala."

Patuloy na tumingin ng kalmado si Maxine sa kanya. "Lawakan mo ang isipan mo. Dahil nadadala ka ng mga pangyayari, hindi mo nakikita kung ano ba talaga ang sitwasyon. Hindi lang ikaw ang tao sa Capital. May iba ring mga pwersa na nandito. Kahit na si Mr. Lance pa o si Lucjan ang nagtatangkang magsimula ng gulo sa Capital, siguradong may ibang tao na maglalakas loob at susubukang pigilan ang kaguluhan."

Pagkatapos niyang marinig ang mga sinabi ni Maxine, may napagtanto si James.

"Talagang may talento ka na makita ng mas malinaw ang mga bagay kaysa sa'kin. Tama ka. Ano bang pinag-aalala ko?"

Ngumiti si Maxine.

Sinadya niyang dumikit kay James, sumandal siya sa kanyang balikat, at ginabayan niya ang kamay ni James papunta sa kanyang baywang.

Agaf na hinila ni James ang kamay niya palayo kay Maxine. "A-Anong ginagawa mo?"

Nagtanong si Maxine ng may mapang-akit na ngiti sa kanyang mukha, "Sa tingin mo… Maganda ba ako, James?"

Tumango si James, “Oo
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP