Hindi umalis ang private plane ni James at hinintay siya nito mula noong dumating siya sa Mount Thunder Sect.Pagkatapos niyang umalis sa Mount Thunder Sect, muling sumakay si James sa eroplano at nagtungo siya sa Southern Plains. Sa eroplano, umupo si Delainey sa tabi niya at nakatuon ang kanyang atensyon sa pagbabasa ng makapal na libro na nasa kanyang mga kamay. Wala pang isang metro ang layo nila James at Delainey sa isa't isa. Sumilip si James sa babaeng nasa tabi niya at naging interesado siya sa tinaguriang buhay na encyclopedia ng ancient martial world. Ilang beses na niyang nakita si Delainey ngunit halos hindi niya siya nakausap. "Anong binabasa mo?" Matagal siyang inobserbahan ni James at hindi niya napigilang magtanong. Noong marinig niya ang tanong na ito, binaba ni Delainey ang libro at nginitian niya si James. Sumilip ang maputi niyang mga ngipin sa likod ng kanyang mga labi, at makikita ang kanyang mga dimple. Sapat na ang maganda niyang ngiti upang tun
Ang rehiyon sa labas ng Martial Heaven Continent ay tinatawag na Wilderness.“May kilala ka bang tao na tinatawag na Polaris?”Tumango si Delainey. “Oo, may kilala ako. May mga nakatala tungkol sa kanya sa sinaunang libro ng Mount Thunder Sect, pero ilang libong taon na ang nakakaraan noong nabuhay ang taong ito. Ang mga bagay lang na mula sa milenyong ito ang tinatala ng sect namin, kaya walang detalyadong impormasyon tungkol sa kanya. Ang tanging alam ko lang ay paulit-ulit na hinamon ng taong ito ang malalakas na mga tauhan ng Prince of Orchid Mountain. Sa huli, natalo siya ng Prince of Orchid Mountain, at naglaho ang kanyang cultivation base. Mula noon ay wala nang nakakaalam kung nasaan siya, at tuluyan siyang naglaho sa martial world.”Pagkatapos niyang marinig na magsalita si Delainey tungkol sa mga pangyayari sa kasaysayan, kumbinsido na si James na tama si Jackson tungkol sa katalinuhan ni Delainey.Marami siyang kaalaman tungkol sa lahat ng bagay tungkol sa martial world.
Ang alam lang ni Delainey ay ang tungkol sa Demonic Breath at Murderous Energy.Para naman sa kung ano talaga ang Demonic Breath at ang Murderous Energy, wala siyang alam.Walang paglalarawan sa mga ito sa mga sinaunang libro ng Mount Thunder Sect.Nagpatuloy si James sa pagpapaulan sa kanya ng iba’t ibang tanong.Ang Mount Thunder Sect ang pinaka ginagalang na sect sa ancient martial world.Sa loob ng ilang libong taon, ang bawat pangyayari sa martial world ay detalyadong naitala, kasama na dito ang mga paglalarawan sa iba’t ibang mga martial art technique.Gumawa rin ng pangalan ang Thirteen Heavenly Swords ng mga Caden, na nasa unang ranggo sa mga sword technique.Ang Thirteen Heavenly Swords ay nilagay sa unang ranggo dahil sinasabi na ang ika-labing apat na espada ay may kakayahan na yanigin ang langit at lupa.Kahit na walang nakapagpalabas ng ika-labing apat na espada, ang alamat na ito ang dahilan kung bakit napakataas ng tingin ng mga tao sa technique na ito.Binahagi
Nakita ni Delainey na binunot ni James ang Blade of Justice, pakiramdam ni Delainey kailangan niya itanong, “Mr. Caden, iyan ba ang iyong Blade of Justice?”“Oo.” Pagtango ni James.Sinulyapan ni Delainey ang pangkaraniwang espada na hawak ni James. Napaisip siya sandali bago sinabi, “Base sa pagkakaintindi ko, ito ang mala alamat na espada na nilikha ng mga swordsmith sa iba’t ibang panig ng mundo noong panahon ni King Quavon.”“Ang nirerepresenta ng espada ay tiyak at matinding kapangyarihan.”“Simula pa noong unang panahon, ang nagmamayari nito ay maaaring pumatay ng hindi muna ipinapaliwanag kung bakit.”“Walang katulad ang espadang ito. Nabasa ko ang tungkol dito sa sinaunang mga libro. Matapos maglaho ang dinastiya, nawala ang espada, at napunta ito sa isang master swordsmith. Natatakot ang swordsmith na baka mapunta ito sa masamang tao at maging kapahamakan ng mundo. Kaya, gumamit siya ng mga espesyal na materyales para iproseso muli ang espada at hindi niya ito tinapos.”“Ganoo
Nagkaroon ng lamat sa outer layer ng Blade of Justice.Isang nakasisilaw na liwanag ang nagmula sa lamat.Isa itong ginintuang Sword Light.Ang eksena ay tila may isang maliit na raw na lumulutang sa ere sa itaas nila.Kuminang ang mga mata ni James sa eksenang ito.Matagal na niyang dala-dala ang Blade of Justice pero hindi siya naghinala na may tinatago itong sikreto.Sa isang kumpas ng kamay niya, bumalik ang Blade of Justice na lumutang sa ere.Hinawakan niya ang espada at sinuri ito ng mabuti.Napansin ni James ang external cast na nasa Blade of Justice.May ilang mga lamat sa cast nito.Nilakasan niya ang pagkakahawak niya dito at sapilitan na binsaga ang outer covering.Palaki ng palaki ang mga lamat.Sawakas, nadurog na ito at ipinakita ang tunay na itsura ng Blade of Justice.May misteryosong pattern na nakaukit sa talim ng espada.Matapos suriin ng mabuti, ang pattern ay isang lifelike na dragon.Habang nakatingin sa ginintuang espada sa kamay niya, lumakas ang tibok ng puso
Baguhan pa lang si James sa konsepto ng swordsmanship.Kahit na kaya niyang palabasin ang labingtatlong Sword Energy, hindi niya ito kayang kontrolin sa kagustuhan niya.Nagpatuloy si Delainey, “Alam ko na hindi ka pa matagal na martial artist at natutunan kailan lang ang mga technique tungkol sa espada. Ang maipapayo ko sa iyo ay ‘practice makes perfect’. Wala akong alam tungkol sa Thirteen Heavenly Swords bukod sa ito ang pinakamagandang sword technique sa buong mundo at ang ika-labingapat na espada ay napakalakas.”“Nakatala sa libro ng Mount Thunder Sect na ang Thirteen at Sword sa technique ay mga pangngalan lang. Ang tunay na essence ng technique ng espada ay nasa salitang, Heavenly.“Ang salitang ‘Heavenly’ ay ipinaparating na tikay at walang kapantay. Isa itong technique na kayang baliktarin ang kahit na anong sitwasyon.Ibinahagi ni Delainey ang impormasyon na nabasa niya tungkol sa Thirteen Heavenly Swords kay James.Matapos ito marinig, napaisip si James.Pagkatapos ng ilan
Sa oras na nagpakita si James sa Mt. Thunder Pass, agad siyang nakita ni Thea.Palihim niyang pinapanood si James.Nakahinga ng maluwag ang puso ni Thea matapos makita na sinisigurado ni James may sapat na distansiya sa pagitan nila ni Delainey.May isang tao sa likod ni Thea.Ang taong ito ay kasing tangkad niya at nakasuot din ng itim na robe, habang nakasuot ng maskara.“Anong resulta?”Matapos obserbahan ni Thea si James, tinanong niya ang tao sa likod niya.“Master, wala pa kaming nakikita na kahina-hinala. Sa ngayon, wala pang tagalabas na lumalapit sa Mt. Thunder Pass.”“Sige, ipagpatuloy ninyo ang pagbabantay.”Matapos magsalita ni Thea, tumalikod siya at umalis.Naupo si James sa tabi ng bangin ng Mount Thunder Pass ng tatlong araw.Hindi siya kumain ng kahit na ano, at hindi rin siya gumalaw sa nakalipas na tatlong araw. Nakaupo lang siya ng tuwid sa tuktok ng bundok.Samantala, si Delainey ay nanatiling nakatayo din ng tatlong araw.Bigla, iminulat ni James ang mga mata niya
Hindi niya inaasahan na ang batang katulad ni Delainey ay may malalim na kaalaman at pagkakantindi pagdating sa martial arts.“Ang pagkatuto ay hindi pinakamahalagang aspeto. Kahit na matinding effort ang kailangan para matutunan ang mga martial art technique ng mga ninuno natin, kailangan mo gumawa ng sarili mong mga signature technique para maging pinakamagaling sa henerasyon na ito ng mga martial artists. Kailangan mo gumawa ng technique na pinaka nagrerepresenta sa iyo.”Namangha si James sa abilidad ni Delainey sa pagaanalisa.Napakatalino niya at may malawak na pagkakaunawa sa martial arts.Matapos ang panandaliang pagkahanga, mapait siyang sumagot, “Madali sabihin pero mahirap gawin.”Ngumiti si Delainey at sinabi, “Siyempre, hindi ito magiging madali. Simula pa noong unang panahon, ang mga gumagawa ng sarili nilang martial techniques ay nakilala bilang mga tanyag na mga mandirigma ng henerasyon nila. Ang mga hindi makagawa ng sariling ay nag-eensayo ng husto para aralin at gawi