Kabanata 1446
Samantala, gising pa si Delainey sa loob ng silid-aklatan na matatagpuan sa wing building ng Mount Thunder Sect.

Sa hindi malamang dahilan, hindi siya mapakali. Nagpaikot-ikot na siya sa kama ngunit hindi siya makatulog, kaya nagpunta siya sa silid-aklatan upang magbasa.

Nakatulala siya sa isang pahina ng libro na ilang oras na niyang hawak.

Click-clack!

Bigla niyang narinig ang tunog ng mga yabag na palapit sa kanya.

Nakaupo si Delainey sa isang bangko sa ikatlong palapag ng silid-aklatan. Noong marinig niya ang mga yabag, inangat niya ang kanyang ulo at lumingon siya sa pinanggagalingan ng tunog.

Agad niyang nilapag ang libro na hawak niya, tumayo siya, at magalang siyang bumati, “Dad.”

“Mhm.”

Tumango si Jackson habang palapit siya kay Delainey. Umupo siya sa tabi niya at tumingin siya sa libro na nasa mesa.

“Binabasa mo pa ba ang librong ‘to?”

“Mhm.”

Dinampot ni Delainey ang libro na nilapag niya sa mesa.

Medyo luma na ang pabalat ng makapal na libro. Ilang mga sinaunang
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP