Baguhan pa lang si James sa konsepto ng swordsmanship.Kahit na kaya niyang palabasin ang labingtatlong Sword Energy, hindi niya ito kayang kontrolin sa kagustuhan niya.Nagpatuloy si Delainey, “Alam ko na hindi ka pa matagal na martial artist at natutunan kailan lang ang mga technique tungkol sa espada. Ang maipapayo ko sa iyo ay ‘practice makes perfect’. Wala akong alam tungkol sa Thirteen Heavenly Swords bukod sa ito ang pinakamagandang sword technique sa buong mundo at ang ika-labingapat na espada ay napakalakas.”“Nakatala sa libro ng Mount Thunder Sect na ang Thirteen at Sword sa technique ay mga pangngalan lang. Ang tunay na essence ng technique ng espada ay nasa salitang, Heavenly.“Ang salitang ‘Heavenly’ ay ipinaparating na tikay at walang kapantay. Isa itong technique na kayang baliktarin ang kahit na anong sitwasyon.Ibinahagi ni Delainey ang impormasyon na nabasa niya tungkol sa Thirteen Heavenly Swords kay James.Matapos ito marinig, napaisip si James.Pagkatapos ng ilan
Sa oras na nagpakita si James sa Mt. Thunder Pass, agad siyang nakita ni Thea.Palihim niyang pinapanood si James.Nakahinga ng maluwag ang puso ni Thea matapos makita na sinisigurado ni James may sapat na distansiya sa pagitan nila ni Delainey.May isang tao sa likod ni Thea.Ang taong ito ay kasing tangkad niya at nakasuot din ng itim na robe, habang nakasuot ng maskara.“Anong resulta?”Matapos obserbahan ni Thea si James, tinanong niya ang tao sa likod niya.“Master, wala pa kaming nakikita na kahina-hinala. Sa ngayon, wala pang tagalabas na lumalapit sa Mt. Thunder Pass.”“Sige, ipagpatuloy ninyo ang pagbabantay.”Matapos magsalita ni Thea, tumalikod siya at umalis.Naupo si James sa tabi ng bangin ng Mount Thunder Pass ng tatlong araw.Hindi siya kumain ng kahit na ano, at hindi rin siya gumalaw sa nakalipas na tatlong araw. Nakaupo lang siya ng tuwid sa tuktok ng bundok.Samantala, si Delainey ay nanatiling nakatayo din ng tatlong araw.Bigla, iminulat ni James ang mga mata niya
Hindi niya inaasahan na ang batang katulad ni Delainey ay may malalim na kaalaman at pagkakantindi pagdating sa martial arts.“Ang pagkatuto ay hindi pinakamahalagang aspeto. Kahit na matinding effort ang kailangan para matutunan ang mga martial art technique ng mga ninuno natin, kailangan mo gumawa ng sarili mong mga signature technique para maging pinakamagaling sa henerasyon na ito ng mga martial artists. Kailangan mo gumawa ng technique na pinaka nagrerepresenta sa iyo.”Namangha si James sa abilidad ni Delainey sa pagaanalisa.Napakatalino niya at may malawak na pagkakaunawa sa martial arts.Matapos ang panandaliang pagkahanga, mapait siyang sumagot, “Madali sabihin pero mahirap gawin.”Ngumiti si Delainey at sinabi, “Siyempre, hindi ito magiging madali. Simula pa noong unang panahon, ang mga gumagawa ng sarili nilang martial techniques ay nakilala bilang mga tanyag na mga mandirigma ng henerasyon nila. Ang mga hindi makagawa ng sariling ay nag-eensayo ng husto para aralin at gawi
Ang Jade Sect ay isang walang kinikilingan na organisasyon sa ancient martial world.Simula pa noong unang panahon, hindi binigyan pansin ng sect na ito ang mga makamundong bagay. Gayunpaman, nakakalat ang mga disipulo ng sect sa mundo.Ang isang mukhang pangkaraniwan na magsasaka, ay maaaring isang disipulo ng Jade Sect.Isang walang kapantay na martial artist ay maaaring miyembro din.Sa sol, may isang mahabang kabundukan.Mayroon 81 na mga bundok na abot ang kalangitan.Sa isang tuktok ng bundok sa gitna ng kabundukan, isang lalake ang nakaupo ng lotus position sa isang bato malapit sa bangin.Mukhang nasa 20 ang edad niya. Guwapo at nakasuot ng asul na robe na pinagmumukhang elegante ang dating niya. Kahit na bata pa ang itsura niya, puti na ang lahat ng buhok niya.Sa puntong ito, may isang maliit na straw sa bibig niya.Isang puting kalapati ang lumipad at nagpakita sa harap ng lalake. Pumagaspas ang palakpak nito at nanatili sa ere.Iniabot ng lalake ang kamay niya at bumaba it
Sapagkat may kinalaman ito kay James, kung makikielam siya ngayon, siguradong papagalitan siya kapag nalaman ito.Sa ngayon, wala siyang magagawa kung hindi maghintay sa dilim at kumilos kapag nasa panganib si James.Hindi na niya kailangan makielam kung kaya ito talunin ni James.Kahit na ganoon, alam niya sa puso niya na wala siyang dapat ipagalala.Isang eighth-ranked grandmaster si James na ginagamit ang Heavenly Breath. Dagdag pa dito, mayroon siyang Invincible Body Siddhi, at iilan lang na mga tao ang may kaya tumapat sa kanya.Malayo pa ang agwat ng lakas ni Thea kumpara kay James at kailangan niyang umasa sa kapangyarihan ng dugo ng Spirit Turtle para mailabas pa ang dagdag na kapangyarihan para sa sarili niya.Kung matatalo si James, imposible na matalo ni Thea ang taong ito kahit na gamitin niya ang kapangyarihan ng Spirit Turtle.Ang opsyon na lang nila ay lumaban ng magkasama para matalo ang kalaban.Samantala, nakaupo ng lotus position si James sa tuktok ng Mt. Thunder Pas
Si Tapio Cabral, anak ng pinuno ng Mount Thunder Sect.Nakatatandang kapatid ni Delainey.Tinitigan niya ang may sakit at walang pakielam na lalake sa sedan chair.Ang lalake na ito ay ang nakatatandang kapatid niya—si Tapio.Tunay siyang henyo pagdating sa martial arts.Mabilis niya mamaster ang kahit na anong martial art matapos ito matutunan sa kaunting turo lang ng iba.Sa murang edad, kilala na ang pangalan niya sa ancient martial world.Naalala pa niya noong musmos pa lamang siya sa edad na sampu, bumalik si Tapio sa sect matapos ito lisanin ng isang taon. Matapos bumalik, tumungo siya sa library ng Mount Thunder Sect para hanapin ang isang bagay.Sa kasamaang palad, hindi siya nagtagumpay.Kinalaunan, hinanap niya ang kanyang ama, si Jackson, na pinuno ng Mount Thunder Sect.Sa huli, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa at nagbunutan pa ng espada.Nilisan ni Tapio ang Mount Thunder Sect ng galit.Sampung taon ang nakalipas matapos ang araw na iyon.Hindi niya nalaman kung anong nan
Nangyari ang lahat dahil nasa Mount Thunder Sect ang Spiritual Art manual.“Anong nangyayari?” sinusubukan intindihin ni James ang sitwasyon.Sa kasamaang-palad, mukhang hindi siya binibigyan pansin ni Delainey. Sa puntong ito, nakatuon lamang ang atensyon niya kay Tapio.“Delainey, magkaiba na tayo ng master ngayon. Wala ng atrasan pa. Hindi ka dapat manatili dito. Alis, lisanin mo ang bundok na ito kung alam mo kung anong makabubuti para sa iyo,” malumanay siyang binalaan ni Tapio.“Anong ibig mo sabihin na magkaiba ng master? Sino ang master mo, Tapio?! Isa kang disipulo ng Mount Thunder Sect, ikaw…” Nagalit si Delainey bilang sagot sa babala ng kapatid niya.“Wala kang modo na bata ka!” mukhang naapektuhan si Tapio sa mga sinambit ni Delainey at nagalit siya.Sa isang iglap, nagpakita siya sa harap ni Delainey. Hinawakan niya sa leeg at itinaas mula sa sahig.Walang laban si Delainey sa bilis niya.Kahit si James nabigla sa kilos na ito.Base sa bilis ng kalaban niya, masasabing e
Malinaw na mataas ang tingin ni Tapio sa sarili niya at sa abilidad niya.Bilang sagot sa tanong ni James, gusto niya na matalo muna siya ni James.“Sige.”Alam ni James na walang saysay ang magtanong pa sa kasalukuyan.Hinigpitan niya ang hawak niya sa espada.Kakalabas lang ng tunay na anyo ng Blade of Justice.Noong nakaraan, ang Blade of Justice ay isang matalim na esapda at walang kapansinpansin na katangian.Ngayon, ito ay nasa tunay na anyo na.Habang hawak ang Blade of Justice, nararamdaman ni James na may kapangyarihan na nagmumula dito.Siguradong mapapalakas ng taglay na lakas ng espada ang mga Sword Energy niya.Hinawakan niya ng patayo ang espada at isang hindi nakikitang enerhiya ang naramdaman sa paligid.“Nasaan ang armas mo?” kalmadong tanong ni James.“Hindi ko kailangan ng armas para talunin ka.”“Haha…” tumawa si James.Pinatay niya ang isang eighth-rank grandmaster noong nasa seventh-rank siya.Matanda na si Mr. Yaakov at may mga pinsala na natamo mula sa naging la