Kabanata 1459
Nangyari ang lahat dahil nasa Mount Thunder Sect ang Spiritual Art manual.

“Anong nangyayari?” sinusubukan intindihin ni James ang sitwasyon.

Sa kasamaang-palad, mukhang hindi siya binibigyan pansin ni Delainey. Sa puntong ito, nakatuon lamang ang atensyon niya kay Tapio.

“Delainey, magkaiba na tayo ng master ngayon. Wala ng atrasan pa. Hindi ka dapat manatili dito. Alis, lisanin mo ang bundok na ito kung alam mo kung anong makabubuti para sa iyo,” malumanay siyang binalaan ni Tapio.

“Anong ibig mo sabihin na magkaiba ng master? Sino ang master mo, Tapio?! Isa kang disipulo ng Mount Thunder Sect, ikaw…” Nagalit si Delainey bilang sagot sa babala ng kapatid niya.

“Wala kang modo na bata ka!” mukhang naapektuhan si Tapio sa mga sinambit ni Delainey at nagalit siya.

Sa isang iglap, nagpakita siya sa harap ni Delainey. Hinawakan niya sa leeg at itinaas mula sa sahig.

Walang laban si Delainey sa bilis niya.

Kahit si James nabigla sa kilos na ito.

Base sa bilis ng kalaban niya, masasabing e
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP