Noong nakarating si James sa Mount Thunder Sect, pasado alas onse na ng gabi. Sa mga oras na iyon, karamihan sa mga disipulo ng Mount Thunder Sect ay natutulog na maliban sa mga nagbabantay sa bundok. Dinala si James sa bulwagan ng Mount Thunder Sect. "Mr. Caden, maghintay ka muna dito. Tatawagin ko lang ang sect leader.""Sige." Tumango si James at umupo. Pag-upo niya, isang babaeng disipulo ang lumapit na may dalang tsaa at nilapag ito sa mesa sa harap ni James. Samantala, ang disipulo ba nagdala kay James sa bulwagan ay nagmadaling pumunta kay Jackson. Naghintay ng sampung minuto si James sa bulwagan ng Mount Thunder Sect. “Haha, James…”Isang masiglang boses ang umalingawngaw mula sa loob. Kasunod ng boses, isang lalaki na nakasuot ng puting damit ang nalakad papunta sa bulwagan. Ang taong iyon ay ang kasalukuyang pinuno ng Mount Thunder Sect, si Jackson. Tumayo si James at binalik niya ang masayang pagbati ni Jackson, "Mr. Cabral.""Maupo ka."Tinuro ni Jacks
Tumango si Jackson at sinabing, “Kung tama ang aming Grand Sect Leader, ang pinuno ng Celestial Sect na lumaban sa’min noong araw na iyon ay ang lolo mong si Thomas. Malamang ang lolo mo lang ang tanging tao sa buong mundo na may taglay na lakas upang talunin ang aming Grand Sect Leader.Sinubukang ayusin ni James ang mga nasa isip niya.‘Si Lolo?’ Ang naisip ni James.Naisip ni James na napakaimposible nito.Ilang beses na niyang nakita ang pinuno ng Celestial Sect.Kahit na nakasuot ng maskara ang sect leader ng Celestial Sect, nakaamoy siya ng pabango mula sa kanya, at hindi kasing maskulado ng sa isang lalaki ang kanyang mga braso.Sa kabila ng pagbabago niya ng kanyang boses upang maging malalim at garalgal ito, madali pa ring mahalata ang pinagkaiba nito sa boses ng isang lalaki.“Duda ako diyan.”Ang sabi ni James, “Habang nasa Mount Olympus ako, halos sabay na nagpakita ang pinuno ng Celestial Sect at ang lolo ko. Dumating ang lolo ko pag-alis mismo ng pinuno ng Celesti
Samantala, gising pa si Delainey sa loob ng silid-aklatan na matatagpuan sa wing building ng Mount Thunder Sect.Sa hindi malamang dahilan, hindi siya mapakali. Nagpaikot-ikot na siya sa kama ngunit hindi siya makatulog, kaya nagpunta siya sa silid-aklatan upang magbasa.Nakatulala siya sa isang pahina ng libro na ilang oras na niyang hawak.Click-clack!Bigla niyang narinig ang tunog ng mga yabag na palapit sa kanya.Nakaupo si Delainey sa isang bangko sa ikatlong palapag ng silid-aklatan. Noong marinig niya ang mga yabag, inangat niya ang kanyang ulo at lumingon siya sa pinanggagalingan ng tunog.Agad niyang nilapag ang libro na hawak niya, tumayo siya, at magalang siyang bumati, “Dad.”“Mhm.”Tumango si Jackson habang palapit siya kay Delainey. Umupo siya sa tabi niya at tumingin siya sa libro na nasa mesa.“Binabasa mo pa ba ang librong ‘to?”“Mhm.”Dinampot ni Delainey ang libro na nilapag niya sa mesa.Medyo luma na ang pabalat ng makapal na libro. Ilang mga sinaunang
"Naiintindihan ko."Tumango si Delainey, tumayo siya, at sinabing, "Babalik na ako sa kwarto ko para maghanda. Pagkatapos, sasama ako kay James papunta sa Southern Plains.""Mabuti na lang isa kang matalinong bata."Wala nang ibang salitang kailangang sabihin ang dalawa sa isa't isa. Dinampot ni Delainey ang libro sa mesa, tumalikod siya, at umalis siya sa silid-aklatan. …Dalawampung minuto nang naghihintay si James sa bulwagan ng Mount Thunder Sect. Paglipas ng 20 minuto, bumalik si Jackson sa bulwagan kasama ang isang babae. Bata pa ang babae at mukhang nasa dalawampung taong gulang pa lang siya. Buong taong nababalutan ng niyebe ang Mount Thunder Sect, at napakalamig ng temperatura dito. Sa kabila ng matinding lamig, nakasuot lamang ng karaniwang puting damit ang babae, at sumasayaw sa hangin ang kanyang mahabang, kulay itim na buhok. Maputi ang kanyang mukha at mamula-mula ang kanyang mga pisngi. Sumunod siya sa likod ni Jackson habang papasok sila sa bulwagan. H
Hindi umalis ang private plane ni James at hinintay siya nito mula noong dumating siya sa Mount Thunder Sect.Pagkatapos niyang umalis sa Mount Thunder Sect, muling sumakay si James sa eroplano at nagtungo siya sa Southern Plains. Sa eroplano, umupo si Delainey sa tabi niya at nakatuon ang kanyang atensyon sa pagbabasa ng makapal na libro na nasa kanyang mga kamay. Wala pang isang metro ang layo nila James at Delainey sa isa't isa. Sumilip si James sa babaeng nasa tabi niya at naging interesado siya sa tinaguriang buhay na encyclopedia ng ancient martial world. Ilang beses na niyang nakita si Delainey ngunit halos hindi niya siya nakausap. "Anong binabasa mo?" Matagal siyang inobserbahan ni James at hindi niya napigilang magtanong. Noong marinig niya ang tanong na ito, binaba ni Delainey ang libro at nginitian niya si James. Sumilip ang maputi niyang mga ngipin sa likod ng kanyang mga labi, at makikita ang kanyang mga dimple. Sapat na ang maganda niyang ngiti upang tun
Ang rehiyon sa labas ng Martial Heaven Continent ay tinatawag na Wilderness.“May kilala ka bang tao na tinatawag na Polaris?”Tumango si Delainey. “Oo, may kilala ako. May mga nakatala tungkol sa kanya sa sinaunang libro ng Mount Thunder Sect, pero ilang libong taon na ang nakakaraan noong nabuhay ang taong ito. Ang mga bagay lang na mula sa milenyong ito ang tinatala ng sect namin, kaya walang detalyadong impormasyon tungkol sa kanya. Ang tanging alam ko lang ay paulit-ulit na hinamon ng taong ito ang malalakas na mga tauhan ng Prince of Orchid Mountain. Sa huli, natalo siya ng Prince of Orchid Mountain, at naglaho ang kanyang cultivation base. Mula noon ay wala nang nakakaalam kung nasaan siya, at tuluyan siyang naglaho sa martial world.”Pagkatapos niyang marinig na magsalita si Delainey tungkol sa mga pangyayari sa kasaysayan, kumbinsido na si James na tama si Jackson tungkol sa katalinuhan ni Delainey.Marami siyang kaalaman tungkol sa lahat ng bagay tungkol sa martial world.
Ang alam lang ni Delainey ay ang tungkol sa Demonic Breath at Murderous Energy.Para naman sa kung ano talaga ang Demonic Breath at ang Murderous Energy, wala siyang alam.Walang paglalarawan sa mga ito sa mga sinaunang libro ng Mount Thunder Sect.Nagpatuloy si James sa pagpapaulan sa kanya ng iba’t ibang tanong.Ang Mount Thunder Sect ang pinaka ginagalang na sect sa ancient martial world.Sa loob ng ilang libong taon, ang bawat pangyayari sa martial world ay detalyadong naitala, kasama na dito ang mga paglalarawan sa iba’t ibang mga martial art technique.Gumawa rin ng pangalan ang Thirteen Heavenly Swords ng mga Caden, na nasa unang ranggo sa mga sword technique.Ang Thirteen Heavenly Swords ay nilagay sa unang ranggo dahil sinasabi na ang ika-labing apat na espada ay may kakayahan na yanigin ang langit at lupa.Kahit na walang nakapagpalabas ng ika-labing apat na espada, ang alamat na ito ang dahilan kung bakit napakataas ng tingin ng mga tao sa technique na ito.Binahagi
Nakita ni Delainey na binunot ni James ang Blade of Justice, pakiramdam ni Delainey kailangan niya itanong, “Mr. Caden, iyan ba ang iyong Blade of Justice?”“Oo.” Pagtango ni James.Sinulyapan ni Delainey ang pangkaraniwang espada na hawak ni James. Napaisip siya sandali bago sinabi, “Base sa pagkakaintindi ko, ito ang mala alamat na espada na nilikha ng mga swordsmith sa iba’t ibang panig ng mundo noong panahon ni King Quavon.”“Ang nirerepresenta ng espada ay tiyak at matinding kapangyarihan.”“Simula pa noong unang panahon, ang nagmamayari nito ay maaaring pumatay ng hindi muna ipinapaliwanag kung bakit.”“Walang katulad ang espadang ito. Nabasa ko ang tungkol dito sa sinaunang mga libro. Matapos maglaho ang dinastiya, nawala ang espada, at napunta ito sa isang master swordsmith. Natatakot ang swordsmith na baka mapunta ito sa masamang tao at maging kapahamakan ng mundo. Kaya, gumamit siya ng mga espesyal na materyales para iproseso muli ang espada at hindi niya ito tinapos.”“Ganoo