Kasabay nito, sa Olympia, sa may Durandal… Nagku-cultivate si James sa kwarto. Pagkatapos niyang higupin ang core ng Spirit Turtle, nadagdagan ang lakas niya mula sa pagiging early-stage seventh rank, naging eighth rank na siya. Pagkatapos niyang maabot ang eighth rank, nagmadali siyang pumunta sa Capital bago siya dumating sa Durandal. Kahit na nasa eighth rank na siya, hindi pa maayos ang kanyang True Energy at kailangan niya pa ng oras upang kontrolin ito. Sa nakalipas na ilang araw, sinusubukan niyang kontrolin ang kanyang True Energy upang mapalakas ng husto ang kanyang sarili. Tok! Tok! Tok! May kumatok sa pinto at naabala ang pagku-cultivate ni James. Tumigil siya at tumayo. Pagkatapos, sa isang kisapmata, sumulpot siya sa tapat ng pinto at binuksan niya ito.Noong makita niya na bukas ang pinto, sinabi ni Henry na, “James, wala na tayong araw. Bukas na ang International Martial Arts Conference. Hindi tayo aabot kapag hindi pa tayo umalis ngayon.”“Mhm.” Lumabas
Pagkatapos higupin ang core ng Spirit Turtle, malamang ay nagsimula nang umakyat ang mga eighth-rank grandmaster sa Skyward Stairway. Dahil hindi pa naka kalaban si James ng mga grandmaster na nasa ganitong lebel, hindi siya sigurado kung gaano sila kalakas. Ang alam lang niya ay nakakatakot sila.Kahit kay Callan Maverick, nakakaramdam ng pangingilabot si James sa tuwing maaalala niya ang lakas na pinakita ni Callan bilang isang grandmaster na nasa ikalawang baitang na ng Skyward Stairway. Sa kasagsagan ng Mount Thunder Conference, tinambangan ni Lucjan Owen si Callan, isang eighth-rank grandmaster. Pagkatapos siyang atakihin ni Lucjan, inatake siya ng walo pang malalakas na mga martial artist. Subalit, sa kabila ng malubha niyang mga sugat, nagawa pa rin niyang labanan si Lucjan. Kasali din siya sa mga lumaban sa Spirit Turtle at nakakuha sa core nito. Napagod lamang siya pagkatapos ng sunud-sunod na mga laban. Talagang walang kapantay ang ganitong lakas. Pagkatapos niyang higup
"Isang ancient martial artist mula sa Sol?" Nabaling ang atensyon ng lahat sa kanya noong dumating si James. Isang monghe na may mahabang buhok at naka suot ng pulang damit ang lumapit kay James at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "Ano 'yun?" Nagtatakang tumingin si James sa kakaibang lalaki sa harap niya. "Sinasabi na mahusay ang mga ancient martial artist mula sa Sol at walang kapantay ang kanilang martial arts. Bago magsimula ang conference, gusto ko sanang magpainit." Kinuyom ng lalaki ang kanyang mga kamao. Naiintindihan na ngayon ni James na hinahamon siya ng lalaki sa isang laban. Pinalibutan ng mga tao ang dalawa. Ang lahat ay nasasabik na mapanood ang magaganap na laban. Ang matandang lalaki na nasa harap ni James ay isang martial artist na kabilang sa Elysian Ranking. Kahit na nasa pinakababa siya ng listahan, ang mailagay ang pangalan niya sa Elysian Ranking ay isang simbolo ng taglay niyang lakas. "Binata na mula sa Sol, gusto kong malaman mo na
"Ang Sect Leader ng Celestial Sect?" Napahinto sandali si James bago siya lumingon at tinitigan niya si Thea na naglalakad paalis. Nagsalubong ang kanyang mga kilay, at sinabi niya na, "Siya ang Sect Leader ng Celestial Sect?" Hindi niya gaanong inisip ang tungkol dito. Pagkatapos, umikot siya at tumingin siya kay Lucjan, na mukhang masaya. Hindi na puti ang kanyang buhok, at mukhang mas bumata ang itsura niya. Habang may seryosong ekspresyon sa kanyang mukha, tahimik niyang binulong na, "Mukhang nalinang at nahigop na ng tuluyan ni Lucjan ang core ng Spirit Turtle. Bago 'yun, isa na siyang eighth-rank na grandmaster. Sinong nakakaalam kung anong baitang na ng Skyward Stairway ang naakyat niya?" Pagkatapos niyang manahimik sandali, nahimasmasan si James at tumingin siya kay Lucjan, at sinabi niya na, "Ang dinig ko pinahabol mo ako sa mga tauhan mo pagkatapos akong mawalan ng malay dahil sa pag-atake sa'kin ni Yaakov Johnston." "Ganun ba…? Nangyari ba 'yun?" Tumingin si Luc
Pagsikat ng araw, dumating ang isang grupo ng mga tao. Nasa unahan nila ang isang matandang lalaki na nakasuot ng gintong balabal. Hawak niya ang isang nagliliwanag na espada na may dalawang metro ang haba at may mga nakaukit na misteryosong simbolo. Nasa likod ng matandang lalaki ang walong mga knight na nakasuot ng gintong balabal. Habang palapit ang matandang lalaki, marami ang tumayo at napatingin sa kanya. Siya si Koehler Keyes, ang pinuno ng mga Knight at ang nagmamay-ari sa Excalibur, ang sinusunod ng lahat ng mga knight. Siya ang may hawak ng second rank sa Elysian Ranking. Dumating si Koehler sa tuktok ng bundok. Pagkatapos, sa isang kisapmata, sumulpot siya sa bakanteng lote sa gitna nito. Tumingin siya sa paligid, hinanap niya ang taong tumalo sa kanya isang daang taon na ang nakakaraan. Subalit, hindi niya nakita si Callan Maverick. Kaunti lamang ang mga Solean ancient martial artist na nakita niya. Nadismaya siya. Mukhang hindi siya makakabawi kay Callan bag
Ito ang tuktok ng Mount Olympus, isang lugar na may taas na higit sa sampung libong metro. Mayroong bakante at patag na lupa sa tuktok nito, na pinaliligiran ng malalakas na mga martial artist mula sa iba't ibang lupalop ng mundo. Ang ilan ay nagpunta para sa Excalibur, habang ang iba naman ay pumunta para sa Elysian Ranking. Subalit, may ilan na pumunta dito para panoorin ang palabas.Sa isang bato na nasa dalawampung metro ang taas, isang matandang lalaki ang nakaupo. Nakasuot siya ng puting balabal at may hawak siyang isang tungkod, halintulad sa isang salamangkero ang kanyang itsura.Noong sandaling iyon, napako ang tingin ng lahat sa matandang lalaki na ito. Kulay puti ang buhok ng matandang lalaki, at mukha siyang masigla at puno ng buhay.“Ikaw ba si Archbishop Polaris?” “Hindi mo ba nakikita ang nakasulat sa damit ko?”“Siya ang lalaking may hawak ng third rank sa Elysian Ranking. Sinasabi na nasa isang closed-door meditation siya sa Polaris Sect at isang siglo siyan
”Hindi mo ba ginawa ‘yun?” Nagsalubong ang kanyang mga kilay, nilabas ni James ang larawan ni Delilah at hinagis niya ito papunta kay Archbishop Polaris, at sinabing, “Tingnan mo ‘to.”Sinalo ni Archbishop Polaris ang larawan at tiningnan niyang maigi ang mukha ni Delilah, at umiling siya. “Hindi ko pa nakita ang babaeng ‘to.”“Imposible.” Ang sabi ni James. “Sinabi sa’kin ng Archbishop ng St. Anne’s Castle na ikaw ang dumukot sa kanila. Sinabi pa nga niya mismo na si Archbishop Polaris, na pangatlo sa Elysian Ranking, ang dumukot sa kanila.”“Oo, ako nga si Archbishop Polaris. Ako rin ang pangatlo sa Elysian Ranking. Pero, wala akong alam sa pinagsasasabi mo.”“Wala kang alam?”Nagdilim ang mukha ni James, at hinawakan niya ng mahigpit ang Blade of Justice, at sinabi niya na, “Siguro may maaalala ka kapag binugbog kita?”“Hahaha…” Humalakhak ng malakas si Archbishop Polaris.“Isa kang hangal, bata! Wala pang nangahas na magsalita sa’kin ng ganyan sa loob ng isang daang taon.
Nagpunta dito si James upang hanapin ang isang tao. Sinundan niya ang mga bakas hanggang sa Mount Olympus at natagpuan niya si Archbishop Polaris ng Polaris Sect. Subalit, walang alam ang Archbishop tungkol kay Delilah. Base sa ekspresyon niya, mukhang nagsasabi siya ng totoo. Subalit, dahil nangako ang Archbishop na hahanapin niya si Delilah kapag natalo siya ni James, binunot ni James ang Blade of Justice. Ito ang unang beses na haharap siya sa isang kalaban pagkatapos niyang maabot ang eighth rank. Habang nakatingin siya kay Archbishop Polaris na may malokong ngiti sa kanyang mukha, sinabi ni James na, "Manahimik ka na at maglaban na tayo." "Papartidahan kita, bata. Kapag nakalapit ka sa'kin, ituturing ko itong pagkatalo ko." Kampante si Polaris. Para sa kanya, si James ay isa lamang mapangahas na bata na kailangang turuan ng leksyon. Bilang nakatatanda, hindi niya dapat gamitin ang buong lakas niya upang hindi niya masaktan si James. Kung sabagay, maraming tao ang nanonood