Kabanata 1396
"Ang Sect Leader ng Celestial Sect?"

Napahinto sandali si James bago siya lumingon at tinitigan niya si Thea na naglalakad paalis. Nagsalubong ang kanyang mga kilay, at sinabi niya na, "Siya ang Sect Leader ng Celestial Sect?"

Hindi niya gaanong inisip ang tungkol dito.

Pagkatapos, umikot siya at tumingin siya kay Lucjan, na mukhang masaya. Hindi na puti ang kanyang buhok, at mukhang mas bumata ang itsura niya.

Habang may seryosong ekspresyon sa kanyang mukha, tahimik niyang binulong na, "Mukhang nalinang at nahigop na ng tuluyan ni Lucjan ang core ng Spirit Turtle. Bago 'yun, isa na siyang eighth-rank na grandmaster. Sinong nakakaalam kung anong baitang na ng Skyward Stairway ang naakyat niya?"

Pagkatapos niyang manahimik sandali, nahimasmasan si James at tumingin siya kay Lucjan, at sinabi niya na, "Ang dinig ko pinahabol mo ako sa mga tauhan mo pagkatapos akong mawalan ng malay dahil sa pag-atake sa'kin ni Yaakov Johnston."

"Ganun ba…? Nangyari ba 'yun?" Tumingin si Luc
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP