Kabanata 1400
Nagpunta dito si James upang hanapin ang isang tao. Sinundan niya ang mga bakas hanggang sa Mount Olympus at natagpuan niya si Archbishop Polaris ng Polaris Sect. Subalit, walang alam ang Archbishop tungkol kay Delilah. Base sa ekspresyon niya, mukhang nagsasabi siya ng totoo.

Subalit, dahil nangako ang Archbishop na hahanapin niya si Delilah kapag natalo siya ni James, binunot ni James ang Blade of Justice. Ito ang unang beses na haharap siya sa isang kalaban pagkatapos niyang maabot ang eighth rank.

Habang nakatingin siya kay Archbishop Polaris na may malokong ngiti sa kanyang mukha, sinabi ni James na, "Manahimik ka na at maglaban na tayo."

"Papartidahan kita, bata. Kapag nakalapit ka sa'kin, ituturing ko itong pagkatalo ko."

Kampante si Polaris. Para sa kanya, si James ay isa lamang mapangahas na bata na kailangang turuan ng leksyon. Bilang nakatatanda, hindi niya dapat gamitin ang buong lakas niya upang hindi niya masaktan si James. Kung sabagay, maraming tao ang nanonood
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP