Kabanata 1407
“Curiosity kills the cat,” malamig na sagot ni Thea.

“Pasensiya na sa istorbo.”

Tumalikod si James para umalis.

Matapos niya umalis, nakahinga ng maluwag si Thea. Tinapik niya ang dibdib niya at bumulong, “Bakit ka bigla nagpakita? Tinakot mo ako ng husto!”

Naintriga si James sa Sect Leader ng Celestial Sect. Napaisip din siya kung bakit lahat ng mga martial artist ay mahilig magmaskara. Ang Gu Sect, ang God-King Palace, ang Sect Leader ng Celestial Sect, at kahit si Callan Maverick ay nagsuot ng maskara.

Umiling-iling siya at isinantabi ang mga bagay na ito. Matapos bumalik sa puwesto niya, nagpatuloy siya sa panonood sa labanan ng mga martial artist.

Tumagal ang labanan ng dalawang araw.

Maliban sa top ten the Elysian Ranking, nagkaroon ng matinding pagbabago ang iba. Karamihan sa mga beteranong mga martial artist ay natalo, at napalitan ng hindi kilalang mga tao.

Sa ikatlong umaga…

Matapos ang ilang araw ng pakikipaglaban, nanwala na ang mga ulap, at tumigil na ang pag-ulan ng nyebe
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP