Kabanata 1399
”Hindi mo ba ginawa ‘yun?” Nagsalubong ang kanyang mga kilay, nilabas ni James ang larawan ni Delilah at hinagis niya ito papunta kay Archbishop Polaris, at sinabing, “Tingnan mo ‘to.”

Sinalo ni Archbishop Polaris ang larawan at tiningnan niyang maigi ang mukha ni Delilah, at umiling siya. “Hindi ko pa nakita ang babaeng ‘to.”

“Imposible.” Ang sabi ni James. “Sinabi sa’kin ng Archbishop ng St. Anne’s Castle na ikaw ang dumukot sa kanila. Sinabi pa nga niya mismo na si Archbishop Polaris, na pangatlo sa Elysian Ranking, ang dumukot sa kanila.”

“Oo, ako nga si Archbishop Polaris. Ako rin ang pangatlo sa Elysian Ranking. Pero, wala akong alam sa pinagsasasabi mo.”

“Wala kang alam?”

Nagdilim ang mukha ni James, at hinawakan niya ng mahigpit ang Blade of Justice, at sinabi niya na, “Siguro may maaalala ka kapag binugbog kita?”

“Hahaha…”

Humalakhak ng malakas si Archbishop Polaris.

“Isa kang hangal, bata! Wala pang nangahas na magsalita sa’kin ng ganyan sa loob ng isang daang taon.
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP