Kabanata 1345
Binitbit ni James si Thea at naglakad siya papunta sa kwarto nila.

Kumapit si Thea sa leeg ni James.

Tahimik na lumipas ang gabi.

Kinabukasan, nagising si James sa tunog ng kanyang phone.

Umikot siya at bumangon siya sa kama. Noong aabutin na niya ang kanyang phone, inabot ito ni Thea sa kanya.

Tiningnan ni James kung sino ang tumatawag at nakita niya na mula ito sa Hari.

Sinagot niya ang tawag. "Naasikaso niyo na ba ang pagpunta namin sa Durandal?"

"Oo."

Masayang humalakhak ang Hari habang nagsasalita siya, "Nakausap ko ang reyna ng Durandal kagabi at binanggit ko ang sinabi mo. Natuwa siya at malugod niyang tinatanggap ang mga elite na sundalo ng Sol sa bansa niya. Plantsado ko na ang mga detalye ng pagtitipon na 'to. Gaganapin 'to paglipas ng limang araw. Isang buong linggong gaganapin ang pagtitipon. May inutusan na ako para tawagan ka at ibigay sa'yo ang detalyadong pagkakasunod-sunod ng mga gagawin sa pagtitipon."

"Sige."

Binaba ni James ang tawag at itinabi niya
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP