Kabanata 1351
“Paano kung matalo ka?” sumingkit ang mga mata ni Simon at tinitigan ng masama ang kalaban na naka maskara.

Kahit na ganito, nanatili siyang kalmado. Malinaw na minamaliit niya ang pinuno ng Celestial Sect.

“Kung matatalo ako, aalis ako kasama ang mga disipulo ko ang hinding hindi na babalik sa Mount Thunder Sect.”

“Sa tingin ko hindi ito patas. Sapagkat dinala mo ang labanan hanggang dito sa teritoryo namin, kailangan mo itong pagbayaran.” Nagdilim ang mukha ni Simon, at naglabas ang katawan niya ng malakas na enerhiya.

Patungo ang enerhiya sa kalangitan at tinamaan ang mga ulap.

Agad na nawala ang mga ulap, at bumuhos ang sinag ng araw.

Napaatras ang mga disipulo ng Mount Thunder Sect at mga disipulo ng Celestial Sect sa kahanga hanga nilang nakita.

Nanatiling nakatayo si Thea, habang tinatangay ng hangin ang maluwag niyang coat.

“Grand Patriarch, kunin mo ang espada ko.”

Tinawag ni Jackson ang Frost Sword at inihagis ito patungo kay Simon.

Nasalo ito ni Simon ng hindi tinitignan.

I
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP