Maliksi ang pag-iwas ni Simon sa atake ni Thea at muling nagpakita sa hindi kalayuan.Seryoso ang itsura niya habang patuloy siya sa pag-ipon ng enerhiya sa kanyang sword technique.Lumutang ang Frost Sword sa harapan niya, at nakaturo ang dulo ng espada kay Thea. Umikot ito sa ere na tila drill.Habang umiikot ito, nahigop nito ang hangin sa paligid at naging mga matalim na yelo. Mabilis na naipon ang mga yelo at nakagawa ng mga Ice Sword.Hindi nagtagal, daan-daang mga Ice Sword ang lumutang sa harap ni Simon.“Sugod.”Sumenyas si Simon.Ang daan-daang mga Ice Sword ay sumugod kay Thea habang kumikinang sila.“Madurog.”Narinig sa buong paligid ang malalim na boses ni Thea.Humiwa sa ere ang Malevolent Sword, at ilang mga Sword Light ang agad na nabuo na humiwa sa mga Ice Swords.Matapos makakita ng pagkakataon, hinawakan ng mahigpit ni Simon ang Frost Sword at muling sinugod si Thea. Nakahanda ang Frost Sword para atakihin ang mga vital points niya.Agad na itinaas ni Thea ang espad
Nahati ng Malevolent Sword ang Frost Sword sa dalawa, pero nagawa ni Simon na atakihin si Thea sa dibdib sa mahalagang sandali.Direktang tinamaan ang vitals ni Thea mula sa palad ni Simon.Kahit na may dugo ng Spirit Turtle sa katawan ni Thea, hindi niya nagawang kayanin ang tindi ng atake.Bumagsak si Thea sa sahig at nakaramdam ng matinding sakit. Hindi rin niya maipon ang lakas niya.“Mukhang hindi exaggeration ang mga kuwento na tungkol sa lakas ni Simon.”Sa likod ng maskara, namumutla ang itsura ni Thea habang tumutulo ang dugo sa gilid ng labi niya.Masuwerte siya at napagkamalan siya ni Simon na siya si Thomas at mas naging maingat sa pakikipaglaban. Kung nagpatuloy ang laban nila, marahil walang laban sa kanya si Thea.Habang kagat ang kanyang ngipin dahil sa tindin ng sakit na nararamdaman niya sa buong katawan, nahirapan si Thea na bumangon mula sa sahig. Umupo siya ng lotus position at nagsimulang padaluyin ang True Energy niya at ang dugo ng Spirit Turtle para gamutin ang
Nanatiling tahimik ang iba sa Mount Thunder Sect.Matapos tumakas ang Grand Sect Leader, wala na silang kumpiyansa na magsabi ng kahit na ano.Napansin ni Thea ang pag-aalinlangan ni Jackson, kaya nagpatuloy siya, “Alam ko na nag-aalala ka, pero sinisiguro ko sa iyo na hindi masama ang Celestial Sect. Itinaguyod ang Sect na ito para sa kapayapaan ng Sol.”“Napatay na ang Spirit Turtle, at nasira ng ilang piraso ang core nito. At nakuha ito ng mga makapangyarihang mga martial artist. Hindi mo ba naramdaman na mas lalong lumakas ang enerhiya ni Simon simula noon?”“Nakakuha din si Simon ng piraso ng core at na-refine niya ito. Ang side effect ng pag gamit sa core ng Spirit Turtle ay gigisingin nito ang natutulog na mga pagnanasa sa puso at unti-unti itong naiipon. Binabalaan kita, hindi na katulad ni Simon ngayon ang Simon noon.”“Huwag mong siraan ang Grand Sect Leader namin, halimaw ka! Sino ka para pagsalitaan siya ng ganito?” sagot ng isa sa mga disipulo ng Mount Thunder Sect.“Nakik
Matapos sakupin ang Mount Thunder Sect, umalis na si Thea kasama ang Celestial Sect.Sa oras na nakaalis sila sa teritoryo ng Mount Thunder Sect, nagtanong ang isang disipulo, “Sect Leader, tutungo ba tayo sa mga Blithe ng Littleroot City sa Western Border?”Sumenyas si Thea, “Hindi natin ito gagawin sa ngayon. Ang prioridad natin ay pataasin ang ating kasikatan. Ipakalat ang balita na si Simon, ang Grand Sect Leader ng Mount Thunder Sect, ay natalo sa labanan at sumuko na ang Mount Thunder Sect sa Celestial Sect.”Matapos ibigay ni Thea ang utos, agad niyang iniwan ang mga disipulo.Hindi niya kayang labanan ang mga Blithe sa ngayon dahil sa kanyang kundisyon.Kailangan niyang gamutin ang mga pinsala niya sa lalong madaling panahon.Matapos makarating sa isang lugar na walang tao, hindi na nakayanan ni Thea ang mga pinsala niya at bumagsak sa sahig. Tumulo ang dugo mula sa mga butas ng maskara at nabahiran ng pula ang leeg niya.Hindi pa siya nakakalayo mula sa teritoryo ng Mount Thun
Tumayo si Maxine at hinawakan ang braso ni Thea para tignan ang pulso niya. Sa oras na nahawakan niya ang braso niya, nakaramdam siya ng matinding lamig.Tiniis niya ito at mabilis na sinuri ang pulso ni Thea.Matapos suriin ang kundisyon ni Thea, kumunot ang noo ni Maxine at nagsalita siya, “Anong nangyari? Bakit ka nagkaroon ng matinding pinsala?”Naglabas ng tissue si Thea mula sa bulsa niya, pinunasan ang dugo sa mga labi niya at nanghihinang sinabi, “Inatake ako ni Simon ng palm thrust noong naglaban kami. Na-refine na niya ang core ng Spirit Turtle, at lumakas na siya ng husto. Ngunit, naging maingat siya sapagkat napagkamalan niya ako na si Thomas. Kaya siya tumakas sa laban. Kung hindi iyon nangyari, marahil hindi ako nakaligtas ng buhay.”Nagmadaling bumalik si Thea sa Capital matapos isara ang mga sugat niya bago niya tuluyang nilisan ang teritoryo ng Mount Thunder Sect dahil alam niyang hindi ligtas doon.Ligtas lang niyang mababawi ang lakas niya kung nasa Capital siya.Hab
Nilisan ni James ang Sol at naglakbay patungo sa Durandal kasama si Henry at tig 100 na mga sundalo mula sa Black Dragon Army at Red Flame Army.Ang hindi niya alam, nagtipon ng mga disipulo mula sa Celestial Sect si Thea para pilitin ang Mount Thunder Sect na sumuko sa kanila.Kinalaban niya si Simon, ang Grand Sect Leader ng Mount Thunder Sect.Habang naglalaban sila, nagawa niyang sirain ang Frost Sword ng Mount Thunder Sect, at ang walang armas na si Simon ay napilitan na tumakas mula sa laban.Sa kasamaang palad, tinamaan si Thea sa dibdib ng isang palm thrust.Ang atakeng ito ay walang iba kung hindi ang Spiritual Pallm—isang masamang martial art technique na ginawal ng isang demonyo isang daang taon na ang nakararaan.Isa ito nakakatakot na technique na nakaukit sa kasaysayan.Pero, ang lahat ng mga bakas nito ay nawala ng isang daang taon.Nagbalik ito muli ng ginamit ito ni Thomas.Nilait si Thomas sapagkat wala siyang kuwenta at pinili na aralin ang masamang martial art techn
“Oo, wala siyang katulad.”“Dahil may taong kasing talentado niya, siguradong uunlad ang Sol.”Clip-clop!Sa puntong ito, napukaw ang atensyon ng lahat habang naririnig ang lakad ng mga kabayo.Mula sa kalayuan, dose-dosenang mga kabayo ang papalapit.Ang taong nauuna dito ay isang nakababatang lalake na nasa 25 o 26 na taong gulang, nakasuot ng ginintuang kalasag at may longsword sa bewang.Ang mga taong nakasunod sa kanya ay nakasuot ng pilak na kalasag.Napasimangot ng kaunti ang Queen matapos makita ang mga parating na kabalyero.Ang lalakeng nasuot ng ginintuang kalasag ay bumaba sa kabayo sa harap ng Queen, yumuko ng kaunti, at binati siya, “Young Majesty.”Kumunot ang noo ng Queen, at malinaw na hindi siya natutuwa sa mukha niya. Pinagalitan niya ang lalake, “Kayn, sinong nagbigay ng pahintuloy sa iyo na pumarito ng naka kabayo?”Sumagot ang lalake ng hindi arogante at hindi rin humble na tila pangkaraniwan lang ito, “Your Majesty, Isa akong Golden Knight ay may karapatan ako na
Nakasuot ng Black Dragon Robe si James.Ang Black Dragon Robe ay kasing itim ng gabi at sumisimbolo sa austerity, grandeur at might.Naka embroider ang Black Dragon sa black robe at sinuot niya sa balikat niya ang ten-star badge.Bumaba si James mula sa eroplano habang diretso ang tingin niya. Agad niyang napansin ang Queen ng Durandal kasama ang mga noble na naghandang sumalubong sa kanya. Nasa 200 ang taong dumalo kabilang ang iba’t ibang mga edad mula sa mga nakatatanda papunta sa mga nakababata.Katabi niyang naglakad si Henry.Kasunod nila ay mga elite at experienced na mga sundalo mula sa dalawang army. Malakas sila at maabilidad na mga sundalo na kayang makipaglaban sa dose-dosenang mga tao ng mag-isa.Bumaba ang mga sundalo ng eroplano at pumila ng maayos at hile-hilera.Matapos bumaba ng eroplano, tumayo si James sa isang tabi at hindi gumalaw.Natanga si Henry sa ugali niya at bumulong habang naguguluhan, “Dragon King, bakit hindi ka naglalakad?”Sa pribadong sitwasyon, ang t