Binitbit ni James si Thea at naglakad siya papunta sa kwarto nila. Kumapit si Thea sa leeg ni James. Tahimik na lumipas ang gabi. Kinabukasan, nagising si James sa tunog ng kanyang phone. Umikot siya at bumangon siya sa kama. Noong aabutin na niya ang kanyang phone, inabot ito ni Thea sa kanya. Tiningnan ni James kung sino ang tumatawag at nakita niya na mula ito sa Hari. Sinagot niya ang tawag. "Naasikaso niyo na ba ang pagpunta namin sa Durandal?" "Oo."Masayang humalakhak ang Hari habang nagsasalita siya, "Nakausap ko ang reyna ng Durandal kagabi at binanggit ko ang sinabi mo. Natuwa siya at malugod niyang tinatanggap ang mga elite na sundalo ng Sol sa bansa niya. Plantsado ko na ang mga detalye ng pagtitipon na 'to. Gaganapin 'to paglipas ng limang araw. Isang buong linggong gaganapin ang pagtitipon. May inutusan na ako para tawagan ka at ibigay sa'yo ang detalyadong pagkakasunod-sunod ng mga gagawin sa pagtitipon.""Sige."Binaba ni James ang tawag at itinabi niya
Alam ni Maxine siguradong kikilos si Thea. Kaya naman, gustong malaman ni Maxine kung ano ang nasa isip niya upang makatulong siya kung sakaling kailangan ni Thea. "Thea, hindi mo kailangang magalit sa'kin. Nagpunta ako dito para malaman kung may magagawa ba ako para tulungan ka," ang sabi ni Maxine. Sa harap ni James, maayos at maganda ang pakikitungo sa kanya ni Thea. Subalit, kapag silang dalawa lang, masungit at ilag si Thea kay Maxine. Para bang may malalim siyang galit sa kanya. Tumingin si Thea kay Maxine at sinabing, "Sa loob tayo mag-usap."Tumalikod siya at bumalik siya sa loob ng kwarto. Sumunod sa kanya si Maxine. Sa loob ng kwarto, nagtanong si Maxine, "Bitbit mo ang Malevolent Sword, kaya malamang malaki ang pinaplano mo. Anong binabalak mong gawin?" Seryosong sumagot si Thea, "Watak-watak ang ancient martial world. Marami nang pinoproblema si James. Hindi siya pwedeng mag-aksaya ng oras sa mga walang kwentang bagay. Kaya naman, balak kong tulungan siya s
Sa eroplano, tinuro ni James kay Henry ang meditation method na nakasulat sa medical book. Ang meditation ang pinaka mabilis na paraan upang linangin ang enerhiya ng isang tao. Malakas si Henry sa External Martial Arts. Kahit na hindi siya umabot sa pinaka sukdulan nito, malapit na siya dito. Higit na mas malakas din ang pangangatawan niya kaysa sa isang ordinaryong tao. Pagkatapos niyang matutunan ang meditation method, magagawa na ni Henry na ipunin ang kanyang True Energy sa loob lang ng isang buwan. Sa oras na magawa niya iyon, magagawa na niyang sanayin ang Heavenly Breath. Habang tinuturo niya kay Henry ang meditation method, tinuro din ni James sa kanya ang cultivation method ng Heavenly Breath. Habang nasa biyahe si James patungong Durandal, maraming mga tao na naka suot ng itim na balabal at mga maskara ang nagtipon sa isang malawak na lupain malapit sa Mount Thunder Sect. Ang lugar ay isang suburb ilang kilometro ang layo mula sa Terentville. Whoosh!Isang
Nakahanda na sa pagdepensa ang pwersa ng Mount Thunder Sect at alerto sila mula noong matanggap nila ang deklarasyon ng Celestial Sect. Para bang naghahanda silang makipaglaban sa isang napakalakas na kalaban. Ang mga miyembro ng Mount Thunder Sect na nagtipon sa bulwagan ay agad na nilabas ang kanilang mga sandata noong nalaman nila na sumulpot sa paanan ng bundok ang mga miyembro ng Celestial Sect. "Hindi ito ang oras para magpadalos-dalos." Agad silang pinigilan ni Jackson. "Mr. Cabral, hindi na maganda ang sitwasyon natin. Gusto mo bang hintayin namin na atakihin nila ang base natin bago tayo magsimulang lumaban?" Ang galit na sagot ng isang elder. Kinumpas ni Jackson ang kanyang kamay upang patahimikin siya. "Pambihira ang ginawa bg Celestial Sect nitong nakaraan. Nagpadala na ako ng mga tao para imbestigahan sila. Kahit na marami silang sinalakay na mga sect at mga pamilya, hindi nila sinaktan ang mga inosente. Pinadalhan nila tayo ng sulat upang ipaalam sa atin ang kanil
Isang matining na tunog ang umalingawngaw noong sumalpok ang espada ng elder sa Malevolent Sword.Ang elder, na isang fifth-rank grandmaster, ay nakaramdam ng isang nakakatakot na pwersang bumugso papunta sa kanya noong sandaling magsalpukan ang kanilang mga espada. Pagkatapos nito, agad siyang tumilapon palayo sa lakas ng pwersa nito at bumagsak siya sa lupa, at sumuka siya ng maraming dugo.Ilang mga disipulo ang lumapit para tulungan siyang tumayo. Pinanood ni Jackson na mga pangyayari ng nakakunot ang kanyang noo at nakatikom ng mahigpit ang kanyang bibig. Ang lakas ng pinuno ng Celestial Sect ay lagpas sa kanyang inaasahan. “Talaga bang ginagawa mo ito para sa kapakanan ng martial world ng Sol?” Nakatingin ng may pagdududa si Jackson kay Thea, na nakasuot ng maskara. “Oo.”Binuka ni Thea ang kanyang bibig at sinabi, “Sigurado naman ako na may ideya ka tungkol sa nagbabadyang panganib sa martial world ng Sol. Ang suliranin sa Capital ay parang isang putikan, at ang sitwa
Masyadong mabilis ang mga kilos niya. Walang sinuman sa Mount Thunder Sect ang may kakayahan na makita ng malinaw ang mga kilos niya. Matagal bago nahimasmasan si Jackson mula sa kanyang pagkagulat. "Sumusuko na ako."Noong marinig niya ang pagsuko ni Jackson, tinabi ni Thea ang kanyang espada. Sa isang iglap, nakabalik na siya sa orihinal niyang posisyon.Tumingin si Jackson kay Thea, na nakasuot pa rin ng kanyang nakakatakot na maskara at sinabing, "Kahit na natalo ako, hindi ako makakapayag na umanib ang Mount Thunder Sect sa Celestial Sect. Kung gusto mo akong patayin, sige lang. Hindi ako lalaban.""Sa tingin mo ba natatakot ako na patayin ka?" Ang marahas na sinabi ni Thea. Sa sumunod na sandali, sumulpot siya sa harap ni Jackson at muli niyang diniin ang Malevolent Sword sa dibdib ni Jackson. Hindi natinag si Jackson habang pinagbabantaan siyang patayin ng pinuno ng Celestial Sect. Ang sabi niya, "Inaamin ko na mas malakas ka sa'kin. Pero, hindi ako papayag na m
“Paano kung matalo ka?” sumingkit ang mga mata ni Simon at tinitigan ng masama ang kalaban na naka maskara.Kahit na ganito, nanatili siyang kalmado. Malinaw na minamaliit niya ang pinuno ng Celestial Sect.“Kung matatalo ako, aalis ako kasama ang mga disipulo ko ang hinding hindi na babalik sa Mount Thunder Sect.”“Sa tingin ko hindi ito patas. Sapagkat dinala mo ang labanan hanggang dito sa teritoryo namin, kailangan mo itong pagbayaran.” Nagdilim ang mukha ni Simon, at naglabas ang katawan niya ng malakas na enerhiya.Patungo ang enerhiya sa kalangitan at tinamaan ang mga ulap.Agad na nawala ang mga ulap, at bumuhos ang sinag ng araw.Napaatras ang mga disipulo ng Mount Thunder Sect at mga disipulo ng Celestial Sect sa kahanga hanga nilang nakita.Nanatiling nakatayo si Thea, habang tinatangay ng hangin ang maluwag niyang coat.“Grand Patriarch, kunin mo ang espada ko.”Tinawag ni Jackson ang Frost Sword at inihagis ito patungo kay Simon.Nasalo ito ni Simon ng hindi tinitignan. I
Nalipat muli ang tingin ni Simon, at tinitigan niya muli ang Malevolent Sword sa kamay ni Thea.Alam niya kung gaano ito nakakatakot.Noong mga oras na natagpuan nila ito sa Snow Cavern, halos ma-possess siya ng espada matapos niya itong hawakan.Naapektuhan at nakokontrol ng espada ang isip at puso ng tao. Isa itong napakahalaga at kakaibang espada. Sapagkat napalakas na niya ng husto ang sarili niya, kumpiyansa si Simon na kaya niyang kontrolin ang Malevolent Sword.“Thomas, ibigay mo sa akin ang espada. Hindi mo makokontrol ang espada at makakaranas ka lamang ng matinding pagdurusa. Ibigay mo sa akin at sisirain ko ito,” iniabot ni Simon ang kamay niya at tinignan ang kalaban niya.Napagkamalan ni Simon si Thea na siya si Thomas sapagkat magkasama sila ni Thomas noong unang beses niya nakita ang Malevolent Sword.Matagal na din ng natapos ang kanyang closed-door meditation at bumalik sa Snow Cavern. Ngunit, pagbalik niya doon, hindi na niya makita ang Malevolent Sword at ang sa ting