Kabanata 1241
”Nakakainis ang technique na ‘yun.”

Sumama ang tingin ni Yaakov noong nakita niya na naging kulay tanso ang katawan ni James.

Hinigpitan niya ang hawak niya sa kanyang espada, at sa isang iglap ay sumulpot siya sa harap ni James.

Kasing bilis ng kidlat ang kanyang mga kilos.

Hindi man lang nagkaroon ng oras si James na kumilos bago niya naramdaman na nakadiin sa dibdib niya ang espada ni Yaakov.

Buti na lang ay ginamit niya ang Invincible Body Siddhi, at tumibay ng husto ang kanyang depensa. Sa kasalukuyang lagay ni Yaakov, halos hindi niya magagalusan si James.

Kahit na hindi bumaon sa katawan ni James ang espada ni Yaakov, tumalbog pabalik kay Yaakov ang pwersa ng atake at nakaramdam siya ng malakas na pagyanig sa buong katawan niya. Gumewang ang katawan niya mula sa lakas ng pwersa ng sarili niyang atake.

Nawasak ng pwersa nito ang malalaking bato sa lupa at bumulusok ang alikabok sa hangin.

“Ano ‘to?” Gulat na gulat si Yaakov.

Kahit na sugatan siya at matanda na siya, isa
Continue lendo no Buenovela
Digitalize o código para baixar o App

Capítulos relacionados

Último capítulo

Digitalize o código para ler no App