“Grand Patriarch Yaakov!!!”Agad na sumugod ang mga Johnston papunta kay Yaakov.Patuloy ang pagdurugo ng dibdib ni Yaakov at nahirapan siyang huminga.Dumanak ang dugo niya sa lupa.Dahan-dahang inalalayan ng mga miyembro ng pamilya niya si Yaakov.“Haha…”Alam ni Yaakov na mamamatay na siya ngunit masaya siya na naidispatya niya ang isang balakid sa pamilya niya bago siya mamatay.Tumawa siya ng tumawa hanggang sa huling hininga niya.“Ahh, Grand Patriarch…”Nagsimulang umiyak ang mga Johnston.Samantala, bumagsak sa lupa si James at nawalan ng malay.Whoosh!Sa mga sandaling iyon, isang tao ang mabilis na tumakbo papunta kay James.Ito ay si Simon na palihim na pinapanood ang lahat ng nangyari.Agad niyang hinawakan ang kamay ni James at pinakiramdaman niya ang kanyang pulso.Kasunod nito, sumugod din si Jackson papunta kay James at nagtanong siya, “Kamusta ang lagay niya, Lolo?”Seryosong sumagot si Simon, “Hindi maganda ang lagay niya. Nasira ang mga meridian niya,
Walang gaanong naitulong si Simon sa laban upang patayin ang Spirit Turtle. Subalit, nagawa niyang makakuha ng isang core gamit ang pambihira niyang lakas. Gayunpaman, marami siyang nagamit na True Energy sa pagpapagaling kay James at bahagya siyang napagod pagkatapos niyang gawin ito. Kahit na uminom siya ng isang elixir at nakabawi siya ng kaunting True Energy, malaking bahagi ng kanyang True Energy ang nagamit niya, at imposibleng bumalik agad ang lakas niya sa loob ng napakaikling panahon.Tahimik niyang binantayan si James. “Tsk, tsk. Simon.”Habang nakaupo si Simon at hinihintay si Jackson na mahanap ang mga Caden para makahingi ng tulong, isang nakakapangilabot na halakhak ang nagmula sa likod niya. Narinig niya ang tunog na ito at lumingon siya. Isang grupo ng mga tao ang palapit sa kanya. Higit sa dalawampung tao ang palapit, at pinangungunahan sila ni Lucjan. Ang mga tao ito ay nakasuot ng itim na balabal at may mga itim na maskara. Ang mga taong ito ay mga
Nagawa rin niyang makakuha ng isang core gamit ang kanyang lakas at sa tulong na din ng mga tauhan niya. Ngayon, balak niyang kunin ang mga core na nakuha ng ibang tao. Subalit, hindi siya sigurado kung sinu-sino ang nakakuha ng core. "Sulit talaga ang isang 'to. Pagkatapos kong gamitin 'to, malaki ang madadagdag sa lakas ko, at abot kamay ko na ang realm ng ninth rank." Ngumiti si Lucjan at agad siyang umalis upang hanapin ang ibang tao na posibleng nakakuha ng piraso ng core. Hindi na siya nag-abalang habulin sila James at Simon dahil ang mga tauhan niya ay mga malalakas na miyembro ng Gu Sect.Ang pinaka mahina sa kanila ay nasa peak ng sixth rank, at marami sa kanila ang nasa seventh rank. Si Simon, na kasalukuyang mababa ang True Energy, ay siguradong mahihirapang tumakas habang hinahabol nila siya. Pagkatapos umalis ni Jackson, nagmadali siyang hanapin sila Bennett at Tobias. Noong sandaling iyon, nakalabas na sa teritoryong sakop ng Mount Thunder Sect ang dalawa.Nil
Nagmadali si Jackson na dalhin si Bennett pabalik sa lugar kung saan naglaban sila James at Yaakov. Subalit, wala silang nakita.Sinuri ni Bennett ang lugar at nagtanong siya, “Nasaan siya?”Nagging malagim ang ekspresyon ni Jackson noong sinabi niya na, “Anong nangyayari? Nandito pa sila noong umalis ako. Binabantayan siya ng Grand Patriarch namin dito. Bakit wala nang tao dito ngayon? May dumating ba pag-alis ko?”“Halughugin natin ang lugar.”Naisip din ni Bennett na posibleng may nangyaring hindi inaasahan.Pagkatapos niyang ibigay ang utos, agad siyang umalis at hinalughog ang lugar.Samantala, dinala ni Thomas si Thea sa kaloob-looban ng Snow Cavern habang sinusubukan nilang humanap ng daan palabas.Parang isang malaking labyrinth ang mga daan sa ilalim ng lupa, binabagtas nito ang kailaliman ng lupa. Lalong lumalamig ang paligid habang palalim sila ng palalim.Maging si Thomas ay naramdaman ang paglamig ng hangin at ginamit niya ang kanyang True Energy upang labanan ang
Natatakot silang lahat na bigla na lang silang aatakihin ni Thomas.Kilala siya bilang isang masamang tao.Upang mapatay ang Spirit Turtle, gumawa ng plano ang tusong lalaking iyon at dinamay niya ang lahat ng mga martial artist sa mundo sa plano niya.Tumingin si Thomas sa kanilang lahat ngunit nanatili siyang tahimik.Tumingin siya kay Thea at sinabing, “Sumama ka sa kanila, Thea. Kung ayos lang si James, magpapadala siya ng tauhan para iligtas kayo. Itutuloy ko ang paghalughog sa lugar.”Determinado si Thomas na mahanap ang sikretong nakatago sa ilalim ng lupa.Binalak niyang bumalik at muling halughugin ang lugar.“Sige.” Tumango si Thea.Walang sinabi si Thomas sa ibang mga martial artist at naglakad siya palayo.Pag-alis niya, pakiramdam ng ibang mga martial artist na makakahinga na ulit sila ng maluwag.Samantala, tumatakas pa rin si Simon bibit ang walang malay na si James.Subalit, mabilis na nauubos ang kanyang True Energy dahil ginagamit niya ito upang tumakas.D
Umalis si Bennett sa teritoryo ng Mount Thunder Sect habang bitbit niya si James.Noong nakarating siya sa kalsada, naghanda siyang magmaneho papunta sa Terentville at humanap ng tahimik na lugar sa suburbs kung saan maaari niyang gamutin ang mga sugat ni James.Biglang dumating ang ilang mga helicopter at huminto sa tapat niya sa ere.Sa loob lang ng ilang sandali, nadagdagan ang mga helicopter hanggang sa napaligiran nila si Bennett.Lumalabas na si Henry pala ito na nagmadaling pumunta sa lugar dala ang hukbo mula sa Capital.Pagkatapos niyang matanggap ang utos ni James, nagmadali siyang asikasuhin ang ilang mga bagay at nagmadali siyang pumunta sa lokasyon ni James.“Bakit may mga sundalo dito?”Tumingin si Bennett sa langit ng may pagtataka.Hindi niya alam kung pinadala ba ng hari ang mga sundalong ito upang patayin ang natitirang mga ancient martial artist sa bundok.Dahan-dahang bumaba ang mga helicopter.Si Henry, suot ang isang military uniform, ang unang bumaba mu
Lumapit si Callan, lumuhod siya, at hinawakan niya ang kamay ni James upang pakiramdaman ang pulso ni James. Paglipas ng ilang oras, napasimangot siya at nagtanong siya, “Anong nangyari sa kanya para magtamo siya ng ganito katinding pinsala? Nagtamo ng pinsala ang lahat ng mg internal organs niya, at nasira ang mga meridian niya. Isa nang milagro na humihinga pa siya hanggang ngayon.”Bumuntong-hininga si Bennett. “Masyadong malambot ang puso ng batang ‘to. Pagkatapos niyang talunin si Yaakov, nagpakita siya ng awa sa kanya at hinayaan niyang mabuhay si Yaakov. Subalit, binuhos ni Yaakov ang lahat ng natitira niyang lakas upang atakihin si James ng palihim at malubha siyang nasaktan.”Tumayo si Callan, tumingin siya kay Bennett, at sinabing, “Bennett, alam ko na walang kapantay ang kakayahan ng mga Caden sa medisina, ngunit wala kayong magagawa para tulungan siya sa kalagayan niya ngayon… Buti na lang, may alam akong paraan upang iligtas siya at panatilihin siyang buhay, pero…”“Per
Matapos timbangin ang bigat ng desisyon, tumango si Bennett.Nakita na niya noon ang itsura ni Callan.Ang kasalukuyan niyang itsura ay maaaring dahil sa naubos na ang kanyang True Energy, at kaunti na lang ang natitirang panahon niya sa mundong ito. Sapilitan lamang na pinahaba ang buhay niya.Ang kasalukuyang Callan ay walang laban sa kanya.Matapos ayusin ni Henry ang logistics, si Bennett, si Callan at ang walang malay na si James ay sumakay sa helicopter at tumungo sa Capital.Para naman kay Henry, matiyaga siyang naghintay sa puwesto niya sapagkat inutusan siya.Hindi nagtagal, nagbalik si Jackson at nakita ang military troops na naka estasyon sa paligid. Alam niya na si James ang nag-request ng serbisyo nila, kaya lumapit siya. Ngunit, hindi mabilang na dami ng baril ang nakatutok agad sa kanya sa oras na lumapit siya sa mga tao. Sinabi niya ang pakay niya, “Hinahanap ko ang commander-in-chief ninyo.”Hindi basta basta magiging pabaya ang mga sundalo ng Red Flame Army.Nanatilin