Kabanata 1246
Nagawa rin niyang makakuha ng isang core gamit ang kanyang lakas at sa tulong na din ng mga tauhan niya. Ngayon, balak niyang kunin ang mga core na nakuha ng ibang tao.

Subalit, hindi siya sigurado kung sinu-sino ang nakakuha ng core.

"Sulit talaga ang isang 'to. Pagkatapos kong gamitin 'to, malaki ang madadagdag sa lakas ko, at abot kamay ko na ang realm ng ninth rank." Ngumiti si Lucjan at agad siyang umalis upang hanapin ang ibang tao na posibleng nakakuha ng piraso ng core.

Hindi na siya nag-abalang habulin sila James at Simon dahil ang mga tauhan niya ay mga malalakas na miyembro ng Gu Sect.

Ang pinaka mahina sa kanila ay nasa peak ng sixth rank, at marami sa kanila ang nasa seventh rank. Si Simon, na kasalukuyang mababa ang True Energy, ay siguradong mahihirapang tumakas habang hinahabol nila siya.

Pagkatapos umalis ni Jackson, nagmadali siyang hanapin sila Bennett at Tobias.

Noong sandaling iyon, nakalabas na sa teritoryong sakop ng Mount Thunder Sect ang dalawa.

Nil
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP