Lumapit si Callan, lumuhod siya, at hinawakan niya ang kamay ni James upang pakiramdaman ang pulso ni James. Paglipas ng ilang oras, napasimangot siya at nagtanong siya, “Anong nangyari sa kanya para magtamo siya ng ganito katinding pinsala? Nagtamo ng pinsala ang lahat ng mg internal organs niya, at nasira ang mga meridian niya. Isa nang milagro na humihinga pa siya hanggang ngayon.”Bumuntong-hininga si Bennett. “Masyadong malambot ang puso ng batang ‘to. Pagkatapos niyang talunin si Yaakov, nagpakita siya ng awa sa kanya at hinayaan niyang mabuhay si Yaakov. Subalit, binuhos ni Yaakov ang lahat ng natitira niyang lakas upang atakihin si James ng palihim at malubha siyang nasaktan.”Tumayo si Callan, tumingin siya kay Bennett, at sinabing, “Bennett, alam ko na walang kapantay ang kakayahan ng mga Caden sa medisina, ngunit wala kayong magagawa para tulungan siya sa kalagayan niya ngayon… Buti na lang, may alam akong paraan upang iligtas siya at panatilihin siyang buhay, pero…”“Per
Matapos timbangin ang bigat ng desisyon, tumango si Bennett.Nakita na niya noon ang itsura ni Callan.Ang kasalukuyan niyang itsura ay maaaring dahil sa naubos na ang kanyang True Energy, at kaunti na lang ang natitirang panahon niya sa mundong ito. Sapilitan lamang na pinahaba ang buhay niya.Ang kasalukuyang Callan ay walang laban sa kanya.Matapos ayusin ni Henry ang logistics, si Bennett, si Callan at ang walang malay na si James ay sumakay sa helicopter at tumungo sa Capital.Para naman kay Henry, matiyaga siyang naghintay sa puwesto niya sapagkat inutusan siya.Hindi nagtagal, nagbalik si Jackson at nakita ang military troops na naka estasyon sa paligid. Alam niya na si James ang nag-request ng serbisyo nila, kaya lumapit siya. Ngunit, hindi mabilang na dami ng baril ang nakatutok agad sa kanya sa oras na lumapit siya sa mga tao. Sinabi niya ang pakay niya, “Hinahanap ko ang commander-in-chief ninyo.”Hindi basta basta magiging pabaya ang mga sundalo ng Red Flame Army.Nanatilin
Hindi pa nakakakita ng mala-himalang medical skills si Callan o nakakarinig na may tao na may ganitong abilidad noon.“Natural lamang iyon.”Sarcastic na sumagot si Bennett, “Kung nasa rurok ako ng abilidad ko, madali lang para sa akin ang gisingin siya.”Eight-ranked grandmaster din siya at kayang gamitin ang True Energy para sapilitang pahabain ang buhay ni James kung hindi kabilang sa mga lumaban. Ito ang dahilan kung bakit siya sigurado na mabubuhay si James. Alam niya na kapag nagising si James, unti unti siyang gagaling pagkatapos ng sapat na panahon.Bigla, umubo si James ng dugo.Noong nakita niya ito, naging malagim ang itsura ni Bennett.Agad siyang pumunta sa medicine cabinet at naghanap ng mga maliliit na bote at nagbuhos ng hindi mabilang na mga gamot. Sapilitan niya itong ipinasok sa bibig ni James at ginamit ang True Energy niya para gawin stable ang kundisyon ni James.Matapos ang sampung minuto…Napaupo na lang si Bennett sa upuan at pinunasan ang pawis sa noo niya.Ma
Habang nagaganap ang insidente sa Mt. Thunder, napansin ng mga tao sa Terentville na may kakaiba sa paligid.Maraming mga local freelance journalist ang nag-ulat ng insidente, at agad ito nag-viral.Dagdag pa dito, may ilang mga blurry na litrato na nagbomba sa kabundukan.Alam ni Quincy at ng iba na hindi ito simpleng military exercise.Alam nila na may matinding nangyari sa Terentville.Sa kasamaang palad, malayo ang Cansington at hindi sila makapag imbestiga sa tunay na nangyari.Ang mga babaeng magkakasama ay pare-parehong nag-aalala.Si Cynthia tila walang emosyon na makikita sa mukha pero sa loob loob niya ay nababalisa na siya.Tahimik na lumipas ang gabi.Sa sumunod na araw, malaking grupo ng mga sundalo ang nagpakita sa teritoryo ng Mount Thunder Sect, na ilang daang kilometro ang layo mula sa Terentville.Ang mga grupo ng sundalo ito ay kinabibilangan ng Black Dragon Army mula sa Southern Plains, Red Flame Army mula sa Capital at Blithe Army na mula sa Western Border.Ang tat
Ang Malevolent Sword na nakabaon sa malalim na bahagi ng Snow Cavern at lumabas na tila bulalakaw sa lakas at bilis ay tumigil sa mga kamay ni Thea. Hinawakan niya ang espada, tumalon sa ere, at naglaho habang hindi mabilang na martial artist ang nakatingin sa kanya.Kasunod ng paglisan niya, naging payapa ang paligid.Isa-isang tumayo muli ang mga martial artist na tumumba.Tinulungan din si Henry na bumangon.Ngunit, matinding mga pinsala ang tinamo niya.Agad siyang ginamot ng mga tao mula sa Medical Valley.Samantala, natanga pa din ang iba at naguguluhang nagkatinginan dahil sa nangyari.Seryoso ang ekspresyon ni Maxine habang nakatingin siya sa direksyon kung saan tumungo si Thea. Bumulong siya, “Anong nangyari? Bakit ang lakas niya?”Tinignan ni Jackson at tinanong, “Mr. Cabral, anong nangyayari? Anong sinabi mo sa kanya?”Naguguluhan din si Jackson ng sumagot siya, “Wala naman. Tinanong niya kung nasaan si James, kaya sinabi ko na inatake ni Yaakov si James at matinding pinsala
Naglakbay si Thomas patungo sa direksyon na itinuro ni Maxine. Pero, matapos magpatuloy sa direksyon na ito, napagtanto niya na hindi niya maramdaman ang awra ng Malevolent Sword.Kakaiba ang awra ng Malevolent Sword, at pamilyar dito si Thomas sapagkat minsan na niya itong nahawakan. Kaya, nararamdaman niya ang awra nito kahit pa ilang kilometro ang layo nito. Dagdag pa dito, eight-ranked grandmaster siya kaya mas mabilis siya kay Thea.Matapos ang dalawang oras, tumigil siya.Nainis si Thomas, “Bakit ganito? Bakit hindi ko pa din nararamdaman ang sword energy ng Malevolent Sword?”Napakunot noo siya habang bumubulong, “Hindi kaya, nagsinungaling sa akin si Maxine?”Pumikit siya at inisip ang sitwasyon.Marahil nakaramdam ng Energy Deviation si Thea noong narinig niya na matindi ang pinsala ni James.Sinabi ni Jackson na ang may gawa nito ay si Yaakov, na mula sa Johnston family.“Kung iisipin, okay lang si Thea kung hindi niya gagamitin ang True Energy niya. Binalaan ko na siya sa pa
Kung hindi dahil sa seatbelt, marahil nalaglag siya sa sahig.Mabilis ang tibok ng puso niya at inabot siya ng ilang segundo bago naayos ang sarili niya. Noong tinignan niya muli si Thea, isang magandang babae na naguguluhan ang nakita niya.Iba na ang mga mata niya, pangkaraniwan na ito at kung tutuusin, mas maganda kaysa sa mga pangkaraniwang mga tao.Tinignan ni Thea si Francisco, tumalikod at tumingin na lang sa bintana ng hindi nagsasalita.Magandang tanawin ang nakita niya sa labas, asul na kalangitan at puting mga ulap.“Namamalikmata ba ako?” bulong ni Francisco sa sarili niya.Napagdesisyunan niya sa huli na baka nga namamalikmata lang siya.Matapos huminga ng malalim, inihanda niya muli ang sarili niya at sinabi, “Hello, ang pangalan ko ay Francisco. Mula ako sa Terentville. Nagmamayari ako ng isang barbecue restaurant franchise at nakapagbukas na ako ng mahigit sa tatlumpung mga restaurant. Balak ko na i-expand ang business ko hanggang sa Capital at patungo ako doon para tig
Lampas na sa simpleng galit ang pagkamuhi ng mga Johnston kay James. Kinamumuhian nila ng husto si James.Tinanggalan niya ng cultivation base ang family head nila na halos mamatay na at bedridden.Siya din ang pumatay sa Grand Patriarch ng pamilya nila.Alam nilang lahat na matindi ang pinsala ni James.Kahit na hindi siya mamatay, siguradong lumpo na siya.Kahit na ganoon, hindi willing ang mga Johnston na tapos na ng ganoon na lang ang sama ng loob nila.Sa oras na nakita nila si Thea, muling nag-alab ang galit nila para kay James.Pito hanggang sa walong miyembro ng pamilya ang bumunot ng espada nila at pinalibutan si Thea.“Thea, kahit ang kalangitan hindi ka maililigtas mula sa kapalaran mo ngayon!” Sagot ng isa sa mga bata mula sa pamilya.Tinignan ni Thea ang mga Johnston, at muli niyang naisip ang sitwasyon na inatake ni Yaakov si James. Nabalot ng matinding galit si Thea. Kumulo ang dugo niya habang nagagalit siya, at lumakas ang kagustuhan na pumatay.Nagbago ang ekspresyon