Kasalukuyang nagpapaultrasound si Avery sa isang liblib na ospital.“Malulusog ang mga baby mo… Kapag nag five months ka na, kailangan mong mag anomaly scan,” masayang sabi ng doktor.“Salamat po, Doc.” Nakangiting sagot ni Avery, na parang nabunitan ng tinik sa dibdib.“Wala yun! Sobrang close kami ng mommy mo noong nag’aaral pa kami,” Sagot ng doctor habang inaabot kay Avery ang kopya ng ultrasound scan niya. “Nabanggit niya sakin na ayaw daw sa kambal ng tatay nila, kaya dumayo ka pa dito sakin para magpacheck up… Pero Avery, hindi biro ang magpalaki ng dalawang bata!”Kinuha ni Avery ang kopya at magalang na ngumiti, “Okay lang po ako. Kakayanin ko po.”“Naniniwala ako sayo.”“Sige po, mauna na po ako. Tatawag nalang po ako sainyo kapag bibisita na kami ulit.” Paalam ni Avery bago siya maglakas palabas ng examination room. Nang makita ni Laura na papalabas ang anak, nakangiti itong lumapit, “Oh kamusta ang kambal? Okay naman daw ba sila?”“Normal naman po sila. Mom
Ler mais