Puno ng pag-aalala ang boses ni Gerald ng tanungin ang matanda.Napangisi nalang ang matanda habang tinititigan si Gerald. “Abay’ oo, nakita ko siya. Nakita ko siyang nag-iisa sa labas ng Mayberry Station ng tanghali ng araw na iyon. Naaalala ko siya dahil napakaganda niya, matangkad, at maganda ang pangangatawan. May ilang tao na hinihintay siya sa istasyon. Pagkatapos magusap ng saglit, agad siyang pumasok sa kanilang kotse at iyon na ang huling beses na nakita ko siya.”“Tila interesado ka. Kilala mo ba siya?” tanong ng matanda habang nakangiti.“Oo, magkakilala kami,” sabi ni Gerald bago tumango at nagtanong sa matanda para sa iba pang mga detalye.Base sa paglalarawan ng matanda sa nangyari, ang taong nakita niya ng araw na iyon ay talagang si Giya at tama ang timing.Basta malaman niya kung saan nawala si Giya, kung nadakip man siya o hindi, madali ng mareresolbahan ang sitwasyon.Bago siya umalis, kabadong hinawakan ng matanda ang braso ni Gerald.“Ano pang kailangan mo?”
Leer más