Puno ng pag-aalala ang boses ni Gerald ng tanungin ang matanda.Napangisi nalang ang matanda habang tinititigan si Gerald. “Abay’ oo, nakita ko siya. Nakita ko siyang nag-iisa sa labas ng Mayberry Station ng tanghali ng araw na iyon. Naaalala ko siya dahil napakaganda niya, matangkad, at maganda ang pangangatawan. May ilang tao na hinihintay siya sa istasyon. Pagkatapos magusap ng saglit, agad siyang pumasok sa kanilang kotse at iyon na ang huling beses na nakita ko siya.”“Tila interesado ka. Kilala mo ba siya?” tanong ng matanda habang nakangiti.“Oo, magkakilala kami,” sabi ni Gerald bago tumango at nagtanong sa matanda para sa iba pang mga detalye.Base sa paglalarawan ng matanda sa nangyari, ang taong nakita niya ng araw na iyon ay talagang si Giya at tama ang timing.Basta malaman niya kung saan nawala si Giya, kung nadakip man siya o hindi, madali ng mareresolbahan ang sitwasyon.Bago siya umalis, kabadong hinawakan ng matanda ang braso ni Gerald.“Ano pang kailangan mo?”
“… Uy. Si Gerald yun ‘di ba? ” Sinabi ng isang lalaki na nakilala ang nagbibisikleta sa matinding ulan. “Sa tingin ko tama ka! Diyos ko, nagbibisikleta siya sa napakalakas na ulan! At parang nagmamadali siya!” "Narinig ko na nanalo siya ng kotse pero lumalabas na wala padin nagbago sa kanya!" "Oo. Akalain mo na nagustuhan ko siya nang malaman ko na nanalo siya sa lotto." Nagsimulang pag-usapan ng isang grupo ng babae si Gerald. Ang sampung tao na nakatayo sa may pintuan ay mga kaklase ni Gerald. Ang counselor, na siguradong nahulaan na ng karamihan, ay walang iba kung hindi si Cassandra. Nagkataon na lumilipat si Cassandra sa panibagong bahay ngayong araw. Hindi niya na kailangan pa manirahan sa faculty apartment. Dahil ang St. Cloud Neighborhood ay isang marangyang neighborhood, ang bahay ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang na apat na daang libong dolyar. Matagal ng nagtratrabaho si i Cassandra bilang isang lecturer sa unibersidad. Nagkaroon din siya ng isang online s
Kahit na gumaang ang pakiramdam ni Gerald, kinailangan niya padin na makita siya gamit ang kanyang mga mata bago siya maniwala. Habang nagkakalad sa ilalim ng mga payong na hawak ng dalawang guwardiya, nakalinya ng maayos ang mga guwardiya na nagbabantay sa pintuan at pagkatapos ay yumuko sila para magpakita ng respeto habang naglalakad si Gerald. Sa loob, ilang mga bodyguard ang ginagawa ang huling procedure ng operasyon ay agad na tumakbo ng makita na pumasok si Gerald. Tulad ng mga guwardiya na nakatayo sa pintuan, agad na tumayo sa dalawang linya ang mga nasa loob at agad na yumuko para magpakita ng paggalang. “Mr. Crawford!” sabay-sabay nilang sigaw. Si Tammy, ang mga magulang ni Giya, at ilang iba pa na nasa loob ng silid ng mangyari ang eksenang iyon ay nagulat at sabay-sabay na napatingin kay Gerald. "Mr. Crawford?...” "Gerald... Siya si Mr. Crawford?" Natakot sina Tammy at ang mga babae na kasama niya. Ngayon alam na nila ang tunay na pagkatao ni Gerald. Hi
"Tama ka! Tingnan mo ang mga napakagarang mga sasakyan!” sabi ng isang babae. Napatulala si Lilian ng magpatanto niya na nagsasabi sila ng totoo. Ang lahat ng sasakyan ay Maybach at bawat isa sa mga ito ay nagkakahalaga ng isang bahay sa lugar kung nasaan sila ngayon. Isipin mo na makapangasawa ng isang tao mula sa isang napakayaman at makapangyarihang pamilya… Sobrang kakainggitan ka ng lahat. Napabuntong-hininga nalang si Lilian. ‘Ang bruhang si Sharon… Mas maganda ako sa kanya pero siya and pinili ni Hayward! That b*tch!’ 'Magaling lang magpanggap si Sharon!’ Nandito si Lilian dahil umuupa siya ng bahay dito kasama ang dalawa niyang katrabaho na babae. Habang tinitignan ang mga Maybach na kotse, muling nagliyab ang inggit niya kay Sharon at nagsimulang siyang mainis. Hindi nagtagal, umalis din ang lahat ng kotse at bumalik sa normal ang lahat. At tulad ng inaasahan, dinakip si Yacob ng mga pulis. Kinabukasan, agad na nagtungo si Gerald sa ospital pagkagising niya
Sa kasamaang palad, lumala lang ang kanyang kalagayan nang ginising siya ng kanyang mga roommates. Ang kanyang mga roommates ay agad siyang isinugod sa ospital. Ngayon na siya ay nalagyan na ng dextrose, sa wakas nagsisimula nang gumaan ang pakiramdam niya. Hindi inaasahan na nakaaalubong niya si Gerald dito! "Well, ang kaibigan ay na-ospital dito. Kukuhanan ko sana siya ng lugaw ngayon," sabi ni Gerald habang nakangiti. “Gerald? Oh! Ito ba ang Gerald mula sa klase niyo na utusan ng mga mayamang tagapagmana?" sabi ng isa sa mga babae habang nakatingin ng masama kay Gerald. “Quilla! Ano ang pinagsasabi mo?" nahihiyang sinabi ni Lilian. "Ano? Hindi ba siya ang lalaki na 'yon? Tingnan mo, ginagawa niya pa ang isang inutos sa kanya ng isang mayamang tagapagmana ngayon! Sinabi niya kanina na may kinukuha siyang lugaw para sa isang tao, hindi ba?" Ngumisi si Quilla. Ang mukha ni Lilian ay parehong namumula at maputla, hindi sigurado kung anong emosyon ang dapat niyang maramd
Sa sandaling makuha ni Gerald ang lugaw, naramdaman niya ang isang mahinang tapik sa balikat niya. Si Lilian iyon na may hawak na isang paper bag ng pagkain. “Gerald! Hindi ka pa nakakakain di ba? Halika umupo ka sa tabi ko! Bumili ako ng masasarap na pagkain mula sa labas ng ospital kaya sabay na tayong kumain!" "Okay lang ako. Naka dextrose ka pa ba? Bakit ka nandito sa cafeteria?" tanong ni Gerald habang nakangiti. Hindi niya alam kung bakit biglang naging masigasig si Lilian. Hindi siya komportable sa pangyayari na ito. Gayunpaman, sa kabila ng katotohanang madalas siyang minamaliit ng babaeng ito, hindi ito kinagalit ni Gerald. Iyon lang ang dahilan kung bakit magalang pa rin si Gerald na makipag-usap sa kanya. "Okay lang ako! Okay na ako na makita kitang okay! Ikaw... ang gamot ko! Hindi mo alam?" tanong ni Lilian na may kwestyunable na ngiti sa mukha habang nakatingin siya kay Gerald. Nakatayo siya ngayon ng napakalapit kay Gerald at ang braso niya ay hinahaplos
"Sabihin mo ang totoo... Dahil ba ito kay Hayward?" Hindi kailangang maging isang rocket scientist ni Gerald para malaman iyon. Siya ay napabuntong hininga dahil dito. Hindi ka itatrato ng maayos ng mga tao nang walang dahilan. Alam ito ni Gerald dahil libreng bagay sa mundong ito! “Bingo! Kailangan ko lang na mag-acting ka ng konti para medyo ma-provoke ko siya! Kung kukunin niya ang pain, siguradong magbabago agad ang kanyang isip! Si Hayward ay isang napaka-petty at narcissistic na tao kaya't hindi niya talaga matatanggap na makikipag-date ako sa isang taong mas kapansin-pansin kaysa sa kanya!" sagot ni Lilian na may ngiti sa kanyang labi. Napabuntong-hininga si Gerald at sumagot siya, "Kung ganoon, kaysa i-provoke mo siya, sa palagay ko pagtatawanan ka lang niya kung susundin natin ang planong ito... Hindi ako kasing galing niya... Ang kanyang pamilya ay may property sa Yorknorth Mountain at may shop pa siya dun! Mas magaling siya sa akin!" Ang pagsisinungaling ni Gerald a
"Ito ba ang kotse na nirenta mo?" Nang sumakay na siya sa kotse, biglang nawala ang kanyang mga pagdududa. Ito talaga ang kaparehong Mercedes Benz G500 na pina-renta niya sa kapatid ni Quade na si Quartney! Ito ay coincidence nga naman. "Oo, naisip ko na kahit na pamilyar ka sa maraming mayaman at batang mga tagapagmana, hindi ka nila kaagad dinadala para makipaglaro ka sa kanila, tama ba? Marahil ay hindi ka pa nagkaroon ng pagkakataong umupo sa napakagandang kotse dati, tama ba si Gerald?" mayabang na sinabi ni Lilian habang nagmamaneho. "Alam mo, ang modelong ito ay nagkakahalaga ng three hundred thousans dollars! At saka, bago ang kotse na ito! Nagbayad kami ni Lilian ng fifteen thousand dollars bawat isa sa deposito para rentahan lamang ito! Ang aming mga savings ng account ay kulang na ngayon!" mayabang na sinabi ng kaibigan ni Lilian sa ilang kadahilanan. Pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang cellphone at nagsimulang mag record ng ilang mga video. "Lilian, bakit hind