"Ito ba ang kotse na nirenta mo?" Nang sumakay na siya sa kotse, biglang nawala ang kanyang mga pagdududa. Ito talaga ang kaparehong Mercedes Benz G500 na pina-renta niya sa kapatid ni Quade na si Quartney! Ito ay coincidence nga naman. "Oo, naisip ko na kahit na pamilyar ka sa maraming mayaman at batang mga tagapagmana, hindi ka nila kaagad dinadala para makipaglaro ka sa kanila, tama ba? Marahil ay hindi ka pa nagkaroon ng pagkakataong umupo sa napakagandang kotse dati, tama ba si Gerald?" mayabang na sinabi ni Lilian habang nagmamaneho. "Alam mo, ang modelong ito ay nagkakahalaga ng three hundred thousans dollars! At saka, bago ang kotse na ito! Nagbayad kami ni Lilian ng fifteen thousand dollars bawat isa sa deposito para rentahan lamang ito! Ang aming mga savings ng account ay kulang na ngayon!" mayabang na sinabi ng kaibigan ni Lilian sa ilang kadahilanan. Pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang cellphone at nagsimulang mag record ng ilang mga video. "Lilian, bakit hind
Tulad ng itinuro sa kanya ni Lilian, si Gerald ay kumikilos tulad ng isang taong nouveau riche. Nakaupo pa siya na naka-krus ang kanyang mga paa. “Ang aming pinakamahal na kape? Sir, ang pinakamahal namin ay nagkakahalaga ng forty five dollars bawat isa,” sagot ng waiter at medyo nagulat siya. "Sige! Walang mahal para sa akin! Dalawang tasa ng kape na iyon at siguraduhing perpekto ang paggawa!" "Yes, sir!" sabi ng waiter bago yumuko at tumakbo. Nagtaka at natawa si Lillian nang makita niya si Gerald na umaakto nang sobra habang pinagmamayabang niya ang kanyang kayamanan. Niyugyog pa niya ang relo niya paminsan-minsan para makita ito ng iba! Sa totoo lang, hindi inaasahan ni Lilian na si Gerald ay maaaring maging ganito ka cool! Sa oras na iyon, napansin na ni Hayward sina Gerald at Lilian na nakaupo sa tabi nila. Naging madilim ang kanyang mukha sa oras na marinig niya na nag-order si Gerald ng dalawang tasa ng kape na nagkakahalaga ng forty five dollars bawat isa. Napa
"Gerald, ito ba ang bagong kotse na binili mo?" nagulat si Sharon nang magtanong siya."Oo. Binili ko ito ilang araw lang ang nakakaraan. Binili ko ito para makapunta ako sa mga lugar na gusto kong puntahan,” sagot ni Gerald habang kaswal niyang itinapon ang mga susi sa lamesa.Nasabik pero na-stress si Lilian sa pangyayari na ito dahil natatakot siyang masira ang mamahaling susi ng kotse.Masaya siya na makikita sa mukha ni Hayward ang kahihiyan.“Nga pala, narinig kong sinabi ni Lilian na may binili kang bagong kotse? Hindi ko pa ito nakikita. Anong binili mo para sa sarili mo? Isang BMW 7 Series, isang Mercedes-Benz, o isang Audi? Nagkakahalaga ba ‘yon ng higit sa one hundred fifty thousand dollars?” Tanong ni Gerald na may ngiti sa kanyang labi habang nakatingin kay Hayward.“Hehe! Bumili si Hayward ng Passat na nagkakahalaga ng higit sa thirty grand pero ano naman ito kumpara sa three hundred thousand dollars mong kotse?” pangungutya ni Lilian habang nakatingin siya kay Haywa
Si Lilian ay tumingin ng masama kay Gerald, "Ang galing mo kanina pero ayokong hawakan mo ako. Talaga bang iniisip mo na ako ang girlfriend mo?""Oh? Ngayon ba wala na si Hayward, ano ang dapat nating gawin?" tanong ni Gerald habang naguguluhan.“Hmph! Huwag kang magalala. Sigurado na babalik siya sa akin... Isa, Dalawa, Tatlo... ”Bumilang si Lilian sa kanyang mga daliri nang biglang narinig niya mula sa kanyang balikat ang boses ni Sharon."Hayward, anong ginagawa mo?"“Lilian, may ilang mga bagay na kailangan kong linawin sayo. Hindi ko alam kung ano ang iniisip mo sa akin ngayon, pero inaamin kong nagkamali ako na hindi kita tinulungan noong hinampas ka ni Sharon kahapon. Kanina pa ako nagsisisi. Umaasa ako na bibigyan mo ako ng isa pang pagkakataon. Gusto kong patunayan na ako ay mas malakas at may kakayahang kumpara sa isang nouveau riche na tulad ni Gerald!" Sumagot si Hayward at ang kanyang tono ay nagsisi, mas mapagpakumbaba kaysa sa normal niyang boses.Malinaw na ang k
"Miss Cole?"Isang babae na twenty five years old lumapit at tinawag si Lilian habang tinitignan siya nang may paggalang.Si Lilian naman ay nagkunwaring hindi kilala ang babae sa sandaling makita siya.Sino ang babaeng yon?Siya ay walang iba kundi si Quartney, ang business manager na nagrenta sa kanya ng kotseng ito."Oh? Urgent ba ito? Kung hindi naman ito urgent, baka pwede mo akong makausap sa WeChat kapag nasa bahay na ako. May ginagawa kasi ako ngayon."Namutla ang mukha ni Lillian.Diyos ko! Bakit nagkataon na nangyari pa ito ngayon?Nakasalubong pa talaga niya pa talaga ang manager ng rental car dito.Bakit hindi na lang ito nangyari mamaya? Nangyari pa ito kung kailan naging sila ni Hayward."Okay lang, Miss Cole. Gusto ko lang ipaalam sayo na hindi napansin ang oras na pinarenta ko sayo ang kotse na ito. Nakita ko na sinulat ko na dapat mong ibalik ang kotse bukas, pero nagkamali ako. Kailangan mong ibalik ang kotse bago mag 4 pm ngayong hapon dahil ibabalik namin
Inasar ni Hayward si Gerald bago niya sinama sa kanya si Sharon.Nag-squat si Lilian at nagsimulang umiyak."Oh! Mr. Crawford! Anong ginagawa mo dito?"Isang boses ang biglang nagsalita.Isang middle-aged na lalaki ang nakasuot ng suit at leather shoes ang nagkalad patungo kay Gerald."Ikaw si?"Naisip ni Gerald na pamilyar talaga siya, ngunit hindi niya alam ang pangalan nito."Well, Mr. Crawford, normal para sayo na hindi malaman kung sino ako. Pero alam ko kung sino ka. Nandoon din ako sa iyong huling reception meeting sa Serene County. Nasaksihan ko ang pagiging graceful mo noong buong araw kang nandoon. Ang pangalan ko ay Blake Wadford. Kinuha lang ako ni Mr. Lyle sa grupo bilang events planning manager. Nandito ka rin ba pafa dumalo sa birthday ni Miss Larson?"Ngumiti ang lalaki at kinuskos ang mga kamay niya sa sobrang kaba.Huminto sa pag-iyak si Lilian, habang blangko siyang nakatingin sa mga lalaki.Maging sila Hayward at Sharon na papasok na sana sa hotel ay nagul
”F*ck! Gerald, nakapasok talaga tayo!"Nagulat talaga si Lillian.Hindi siya nagpakita ng anumang pagtutol kahit na nakayakap pa rin si Gerald sa kanyang baywang.Nakaka-excite ang mga pangyayari ngayon na bumaliktad na ang siwasyon.Sa loob ng venue.Ang pagdiriwang ng birthday ni Elena ay pambihira sa oras na ito. Ito ay dahil gusto ni Mr. Larson na samantalahin ang pagkakataong ito para mag-host ng isang malaking pagtitipon para sa lahat ng mga business owners.Tulad ni Hayward ay mula sa Yorknorth Mountain na awtomatikong naging qualified sa listahan ng mga dadalo sa banquet.Mayroong higit sa isang daang mga bisita sa venue. Karamihan ay mayaman at batang tagapagmana at marami rin na mga boss ang nandito.Ang layout ng kaganapan ay medyo katulad sa isang seremonya ng kasal. Mayroong isang mahabang aisle sa gitna at ang mga banquet table ay nasa magkabilang panig ng pasilyo.Nakahanap si Gerald ng upuan para sa kanilang dalawa.Kung tutuusin, maraming mga tao dito at ang
Nagpakilala din si Leila pagkatapos ng magpakilala ng iba. Marami talaga siyang natutunan sa mga taong ito.Matagal nang inisip ni Leila na ang mayaman ay pinag-uusapan lamang tungkol sa mga luxurious na mga kotse, ngunit hindi ganito ang mga taong ito. Ang kanilang mga talakayan ay malalim tulad ng money management at healthy lifestyle kaya sobrang humahanga si Leila.Hindi maikukumpara sa mga sopisticadong technocrats na ito si Douglas, na gustong ipakita ang kanyang kayamanan, at si Gerald, na sa palagay niya ay yumaman lang dahil sa swerte.Nainis si Lilian matapos makinig sa paraang ng pananalita ni Hayward. Alam niyang hindi mapapanatili ni Gerald ang kanyang pagpapanggap dahil ang lahat ng mga tao dito ay well-off.Napakahusay ni Hayward ngayon at marami pa siyang kakilalang mga tao. Dahil doon, hindi maiangat ni Lillian ang kanyang ulo dahil nararamdaman niya na parang ngayon ay isang malaking failure."Kailan darating si Elena Larson?" Tanong ng ilang mga binata. Para sa