”F*ck! Gerald, nakapasok talaga tayo!"Nagulat talaga si Lillian.Hindi siya nagpakita ng anumang pagtutol kahit na nakayakap pa rin si Gerald sa kanyang baywang.Nakaka-excite ang mga pangyayari ngayon na bumaliktad na ang siwasyon.Sa loob ng venue.Ang pagdiriwang ng birthday ni Elena ay pambihira sa oras na ito. Ito ay dahil gusto ni Mr. Larson na samantalahin ang pagkakataong ito para mag-host ng isang malaking pagtitipon para sa lahat ng mga business owners.Tulad ni Hayward ay mula sa Yorknorth Mountain na awtomatikong naging qualified sa listahan ng mga dadalo sa banquet.Mayroong higit sa isang daang mga bisita sa venue. Karamihan ay mayaman at batang tagapagmana at marami rin na mga boss ang nandito.Ang layout ng kaganapan ay medyo katulad sa isang seremonya ng kasal. Mayroong isang mahabang aisle sa gitna at ang mga banquet table ay nasa magkabilang panig ng pasilyo.Nakahanap si Gerald ng upuan para sa kanilang dalawa.Kung tutuusin, maraming mga tao dito at ang
Nagpakilala din si Leila pagkatapos ng magpakilala ng iba. Marami talaga siyang natutunan sa mga taong ito.Matagal nang inisip ni Leila na ang mayaman ay pinag-uusapan lamang tungkol sa mga luxurious na mga kotse, ngunit hindi ganito ang mga taong ito. Ang kanilang mga talakayan ay malalim tulad ng money management at healthy lifestyle kaya sobrang humahanga si Leila.Hindi maikukumpara sa mga sopisticadong technocrats na ito si Douglas, na gustong ipakita ang kanyang kayamanan, at si Gerald, na sa palagay niya ay yumaman lang dahil sa swerte.Nainis si Lilian matapos makinig sa paraang ng pananalita ni Hayward. Alam niyang hindi mapapanatili ni Gerald ang kanyang pagpapanggap dahil ang lahat ng mga tao dito ay well-off.Napakahusay ni Hayward ngayon at marami pa siyang kakilalang mga tao. Dahil doon, hindi maiangat ni Lillian ang kanyang ulo dahil nararamdaman niya na parang ngayon ay isang malaking failure."Kailan darating si Elena Larson?" Tanong ng ilang mga binata. Para sa
Matagal nang hindi nakita ni Gerald si Elena at parang mas maganda siya ngayon."Sobrang ganda ni Elena Larson!" Napahinto si Hayward sa pagkahanga. Hindi naman nagseselos dahil dito si Sharon.Inaamin niya na si Elena ay maganda talaga."Sobrang ganda niyantala! Si Elena ay godsister ni Mr. Crawford. Talagang dapat lang na maging maganda siya!" Ngumiti si Liam."Bakit pala wala si Mr. Crawford dito, Liam?" Tanong ni Leila.Inaasahan niyang makita kung sino si Mr. Crawford."Hayaan mong sabihin ko sayo kung bakit. Nabanggit ng tatay ko na siya ay isang taong nakasanayan na maging low profile lang at hindi siya mahilig sa mga mga handaan at functions na tulad nito." Paliwanag ni Liam na para bang alam na alam niya ang tungkol kay Gerald."Aw!" Nabigo si Leila.“Leila, gusto mo bang uminom? Ang fruit juice na ito ay imported at napakasarap! Bibigyan kita!"Hindi natutuwa si Douglas nang makita sina Liam at Leila na nagiging malapit sa isa't isa."Okay lang ako. Huwag mo akong p
Sinubukan ni Gerald na pakalmahin siya.“Sino ang dalawang ito? Paano nga ba sila nakapasok dito? Alam ba nila ang mga patakaran dito?" Sabi ng isang middle-aged na lalaki mula sa kabilang mesa. Ang buong ballroom ay umalingawngaw ng bulungan nga mga tao.Kabastusan na ninakaw nila ang limelight ni Elena habang nagsasalita pa siya sa stage.Karagdagan pa doon, nakuha nila ang atensyon ng pamilyang Larson dahil sila lang ang nakatayong mga panauhin doon.Ang atensyon ng lahat ay bumalik sa stage para makita kung ano ang magiging reaksyon ni Elena.Pumatak ang luha sa kanyang mga mata nang mahulog ang mikropono sa kanyang kamay."Dumating ka!" Sigaw ni Elena.Nilinis ni Gerald ang pantalon niya, at nang marinig niya ang boses ni Elena, napagtanto niyang nakatingin sa kanya ang babaeng ito."Oo. Happy birthday!" Awkward na sumagot si Gerald.Tumingin siya sa paligid at napagtanto na wala talaga siyang dalang mga regalo para sa kanya maliban sa mga susi ng kotse niya."Pasensya n
"Pinatay ko ang aking cellphone, Ms. Weaver," sigaw ni Lilian habang tumatakbo siya papunta kay Quartney.Dahil si Hayward at ang iba pa ay sumusunod sa kanila, natatakot siya na baka ma-expose sila.Sa oras na ito ay kailangan niyang linawin ang huling pagkakataong sinabi ni Gerald na ang Ferrari ay kanya at hindi siya pinaniwalaan ni Sharon.Lumapit siya kay Gerald at tumayo sa harap ni Quartney. Tiningnan niya ng masama si Lilian at tinanong, "Ano ang kinakatakutan mo, Lilian?""Ms. Weaver, di ba? Ang kotse ba na ito ay nirenta ni Lilian?""Hindi!"Sinubukan ni Lilian na makipag-ugnay sa mga mata ni Ms.Weaver — maliwanag na may sinusubukan siyang itago.Inagaw ni Sharon ang kontrata mula kay Ms.Weaver at tumawa, “Nakarenta lang ito! Tingnan mo, Hayward! Oh, Ms. Jung at Douglas, hayaan mo akong patawanin ko kayo. Nag-kape kami ni Hayward kanina lang at ang babae na ito na nagngangalang Lilian… ”Nagmamayabang na ipinakita sa kanila ni Sharon ang kontrata habang sinasabi ang m
Masaya si Gerald tungkol dito, ngunit hindi nagtanim ng sama ng loob si Lilian kay Hayward."Gerald, ang kotseng ito ay mamahalin, di ba? Ang ganda ng itsura nito!"Naglakad si Liam papunta sa kanila at ngumiti si Gerald.Hindi mahalaga na ininsulto si Gerald ng maraming tao, alam ni Liam na ang pagiging kaibigan ni Gerald ay magiging kapaki-pakinabang dahil personal niyang kilala si Elena at nagmamaneho siya ng isang luxurious na kotse."Mga 22,000 dollars ang halaga nito!" Sagot ni Gerald na habang magalang na nakangiti.Pareho silang nakipagkamay.Samantala, tumunog ang cellphone ni Liam.“Papa? Okay, babalik ako ngayon!"Binaba ni Liam ang kanyang cellphone. “Gerald. Kailangan ko nang umalis ngayon pero masaya ako na makilala ka. Pasensya na kayo, Douglas at Leila, may dumating at hindi ko kayo maihahatid sa bahay.""Ha?" Napahinto si Leila.Dapat silang sasabay kay Liam pauwi sa kanilang bahay dahil hindi naglakas-loob si Douglas na imaneho ang kanyang sasakyan.Samanta
"Pa!"Magalang na sinabi ni Gerald habang sinasagot ang video call.Si Gerald ay naging mas magalang sa kanyang tatay bagaman hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag video call ang kanyang ama matapos matuklasan ang kanyang totoong pagkatao.Naramdaman ni Gerald na isang karangalan para sa kanya na magkaroon ng tatay na tulad niya."Anong ginagawa mo ngayon, anak?"Nakangiti ang tatay ni Gerald sa sandaling ang kanyang anak ang nakita sa screen ng cellphone.“Nagpapahinga lang ako, Pa, bakit ka tumatawag ng gabi na? Anong kailangan mong sabihin sa akin?""Oo. Pinaplano ko na tanungin ang iyong ate na tingnan ang bagay na ito. Alam ko na ginugugol mo ang karamihan ng iyong oras at lakas sa mga homework mo. Ito ay maaantala dahil ang ate mo ay pumunta para ayusin ang mga isyu sa factory sa North Africa. Siguro sinabi na niya sayo ang tungkol dito?""Kailangan mo ng tulong ko sa paghahanap ng isang babae?"Naalala ni Gerald ang mga tagubilin ng kanyang kapatid at kung ano
Paminsan-minsan ay nakikipag-chat sila sa isa't isa sa WeChat tuwing may libre silang oras.Sa kasalukuyan, si Queta ay nagtuturo na sa isang bagong kindergarten school at maayos naman ang kanyang trabaho.Tinulungan ni Gerald si Queta at binigyan siya ng bahay na matitirhan kung saan ay kasama niya rin sila Drake at Tyson sa bahay na iyon."Miss Smith, pwede mo ba akong gawan ng pabor? Hindi ko ma-review ang mga homework ng mga bata sa klase ko on time. Papunta na ang boyfriend ko at susunduin niya ako para mamili. Pwede mo bang i-review ang kanilang homework para sa akin?”Isang babaeng teacher na may buhok hanggang sa baywang ang nagtanong kay Queta, na sinusuri din ang homework ng kanyang mga mag-aaral."Pero Miss Lawrie, nire-review ko pa ang mga homework ng mga estudyante ko!"Nahihiyang sumagot si Queta.“Pfft! Kung ayaw mo akong tulungan, sabihin mo na lang. Bakit ka pa gumagawa ng maraming mga dahilan? Huwag mong isipin na magaling ka dahil lamang binigyan ka ni Mr. Tev