Inicio / Todos / Isa pala akong rich kid?! / Capítulo 431 - Capítulo 440
Todos los capítulos de Isa pala akong rich kid?!: Capítulo 431 - Capítulo 440
2513 chapters
Kabanata 431
Sigurado na humihingi ng tulong si Waylon kay Jaxon. Gayunpaman, bago nila marinig ang tungkol sa mga detalye, binaba na ni Waylon ang tawag. Ito ay dahil napansin niya si Xella at ang iba pa ay pumasok sa kwarto. "Pasensya na, Waylon! Kasalanan ko ang lahat!" Nanghingi ng tawad si Xella. “Ano ang pinagsasabi mo Xella? Nagulat lang ako noong sinimulan nila kaming bugbugin nang hindi man lang nililinaw ang sitwasyon! Huwag kang mag alala, ang mga subordinates ng tatay ko ay nakikipag-usap sa kanila ngayon! Narinig din ng tatay ko ang tungkol sa mga problema mo!" sabi ni Waylon sa isang mabangis na pamamaraan. May sasabihin pa sana si Xella nang magsimulang mag-ring ang kanyang cellphone. Huminga siya ng malalim at sinagot niya ito. Ito ay isang maikling pag-uusap lamang at hindi nagtagal ay binaba na niya ang tawag. "…Tapos na ang lahat para sa akin! Ang tawag ay mula sa presidente ng kumpanya at sinabi niya sa akin na natanggal na ako!" mahinang sinabi ni Xella. Alam niya
Leer más
Kabanata 432
Napahinto ang lahat. Iisang bagay lang ang nasa kanilang isipan. '…Ano? Malaking pagbabago ang nangyari! At napakabilis din!' "... Xella, naisip ko na may isang taong may mga koneksyon sa likod ng mga eksena para matulungan ka... Kung hindi man, bakit pa nanguna ang boss mo na tanggalin ang manyak na 'yon? Hindi kailangan ng effort ng boss mo para imbestigahan ang bagay na ito at tinawagan ka pa niya sa personal mong number para humingi ng tawad sayo! At saka, tinanggal niya pa ang manyak!” "Ganito din ang naisip ko. Sinabi mo mismo na ang desisyon ay ginawa ng mga superios mo. Sigurado na may gumamit ng kanilang mga koneksyon para magawa ang bagay na ito!" Si Rae at ang iba pa ay lantarang pinag uusapan ngayon ang kanilang mga haka-haka. "Sa tingin ko ganun din. Napakahirap na i-aasign ka bilang isang potensyal na trainee para sa personnel department. Hindi ko maiwasang magtaka kung sino ang may ganoong kapangyarihang pasunurin ang boss at ang aking mga superiors na gumawa n
Leer más
Kabanata 433
Hinimas niya ang mga palad niya habang tinatanong na may ngiti sa labi. “… Eh? Mr. Crawford?" Nataranta ang iba sa ward nang marinig ang pangalan. Lalo na ito para kay Waylon na handa nang batiin ang president at kumilos na parang nanghihina sa harap ng iba pa. Sa oras na ito, mas natulala kumpara sa iba sa kwarto. 'Bakit niya tinawag si Gerald bilang Mr. Crawford?' "Alam mo kung sino ako, president?" tanong ni Gerald. Nabigla din siya. "Syempre kilala kita! Noong pinasok sa ospital si Mr. Winters, pumunta rin ako para bisitahin siya. Pero, hindi kita nakasalubong sa oras na iyon bago ka umalis!" sabi ng president habang patuloy siyang ngumiti. Sa pag-iisip tungkol sa kanyang mga salita, mabilis na inayos ni Gerald ang puzzle. Noong dinala si Mr. Winters sa ospital, nakasalubong niya si Morgana sa cafeteria. Noon, mabigat ang loob ni Morgana sa kanyang isyu sa trabaho. Nang umalis si Gerald para makipagkita kay Zack, sinabi niya sa kanya ang tungkol sa mga isyu sa tra
Leer más
Kabanata 434
Ang tanong ay nagmula kay Rae. "Anong sinabi mo? Nagmamaneho siya ng Mercedes-Benz G-Class?" gulat na sinabi ni Waylon. Kung iisipin, ngumiti lang si Gerald sa isang gilid habang pinapakita ni Waylon ang kanyang sasakyan kanina. Naisip niya na nagseselos ito, ngunit natutuwa lang si Gerald habang tinitingnan ang lokong ipinapakita ang sasakyan ng Audi A4L! Sa kasalukuyang presyo ng isang Mercedes-Benz G-Class, ang halaga nito ay katumbas ng walo o siyam na mga Audi A4L na kotse! "Tulad ng sinabi ko dati, napanalunan ko lang ito bilang premyo! Sasakyan lang ito para matulungan akong maka-biyahe,” kalmadong sinabi ni Gerald habang nakangiti. Pagkatapos ay inilapag niya ang pitsel at umalis sa ward. Si Xella ay walang sinabi, ngunit mas nirerespeto niya ngayon si Gerald kaysa sa noon. Umalis siya sa ward sa sandaling ang mga isyu ay nalutas na nang hindi inaasahan ang anumang pasasalamat ng mga tinulungan niya. Sa isipan ni Xella, alam niya na kahit na palagi niyang naisip
Leer más
Kabanata 435
Habang nangyayari ang lahat ng ito, isang daing ang narinig. "Tammy, si Mr. Quarrington ay sobrang kinakabahan ngayon. Pumunta pa siya sa police station para mag-report. Ano ang dapat nating gawin? Hanggang kailan pa tayo maghihintay dito para sa Gerald na iyon?" May nangyari kay Giya at sa kanyang pamilya at alam ng mga kaibigan ang tungkol dito. Ang bumuntong hininga ay isa sa mga roommate ni Giya. Naghihintay silang lahat ngayon kay Gerald sa pasukan ng Mayberry University. Pumayag si Tammy na makipagkita sa kanya noong nagtawagan sila kanina. Dahil si Mr. Quarrington ay pumunta para mag-report sa pulis, si Tammy at ang iba pa ay kumilos nang matino sa pamamagitan ng pagpunta sa unibersidad. Ang pagpapaalam at pagbabahagi ng kanilang nalalaman sa department ay talagang lahat na maaari nilang gawin sa sandaling iyon. "Hintayin na lang natin siya. Siya ang nakakaalam tungkol sa sitwasyon dahil huling nakita natin si Giya sa kanyang tinutuluyan. Pero, hindi ibig sabihin na
Leer más
Kabanata 436
”Tinawag ko si Felicia at sinabi ko sa kanya ang sitwasyon. Sinabi niya sa akin na susubukan niya tawagin ang kaklase niya para tulungan tayo. Sana nga makatulong sila! Sa tulong ng mga fans ng anchor, magagawa na natin mahanap si Giya! Mas madali natin siya makikita kung mas marami tayo!” Sabi ni Tammy.Tumango si Gerald. Inisip niya din na maganda and ideya na ito.Hindi naiintindihan ng mga karaniwang tao ang totoong kakayanan ng mga nagtatrabaho sa mass media at ang mga tao na tinrato ang internet bilang ang kanilang pangalawang tahanan. Hanggat handang mag-research, siguradong mahanap at mahahanap ang impormasyon na kailangan.Tinawag ni Gerakd sina Drake at Tyson upang imbestigahan ang pangyayari. Wala sa kanila ang gustong sumugal.“Nandito na si Felicia!”Sa mga sandaling iyon, isang itim na sasakyan ang pumarada sa kalsada at lumabas ang pinsan ni Tammy. Isang gwapong lalaki na may suot na salamin ang naggabay sa kanya patungo sa grupo.Nakilala ni Gerald si Felicia no
Leer más
Kabanata 437
Nagtatrabaho si Yvonne bilang assistant ni Felicity at ito ang dahilan kung bakit siya nandoon. Kitang kita ang kanyang pagkagulat ng makita si Gerald doon.“Huwag mo na muna isipin ang bagay na ‘yon. Mas importante, kailangan namin ang tulong niyo!”Tila napakatagal na mula ng huling nakita ni Gerald sina Yvonne at Felicity.Hindi na sila muling nagkita ng harap-harapan simula noong araw na niligtas niya sila ng ma-kidnap sila.Hindi mapalagay si Gerald na makipag-usap sa kanila ngayon.“Teka lang muna. Nagmamake-up pa si Felicity ngayon. Sasabihin ko muna sa kanya na nandito na kayo!”Hindi na masama ang trato ni Yvonne kay Gerald simula ngayon.Maraming nangyari pagkatapos noon at sa malamang ay si Gerald talaga ang nagligtas sa kanilang apat. At napagtanto nila na siguradong makapangyarihan si Gerald.Ngayon imbes na pandirian, ngayon gusto na ni Yvonne na mapasaya si Gerald. Ganito din ang nasa isip ni Felicity.Unang-una sa lahat, sobrang nakakapagtaka ang background ni
Leer más
Kabanata 438
Kamaikailan ng simulang sumikat si Felicity, ilang mga lalaki na gwapo at mayaman ang nagsimulang tumutulong sa kanya. May isang beses, nilagnat lang siya ngunit ilang mga mayayaman na binata ang nagpunta sa kanyang tinitirahan para personal siyang dalhan ng gamot.Ang ilang sa kanila ay gabi-gabi pang nakikipag-usap sa kanya.Sa pamamagitan ng lahat ng ito, ang mga lalaking iyon ay naging sapat na para tawagin niyang ‘partnet standards’.Ilang buwan ng hindi nakikipag-usap sa kanya si Ordinary Man. Hindi padin sila nagkikita ng personal.Sa kabila ng lahat ng iyon, wala padin naramdaman si Felicity sa ibang lalaki.Patunay ito ng nararamdaman niya para kay Ordinary Man.Ilang beses na niyang pinag-iisipan kung ano ang itsura ni Ordinary Man.Gayunpaman, sa mga bakas na nakuha niya, lalo niyang napatunayan na si Ordinary man ay walang iba kungdi ang taong matagal niya ng minamaliit, si Gerald. Paano siya hindi magkakaroon ng komplikadong pakiramdam sa kanya? ‘Totoo bang si Ger
Leer más
Kabanata 439
”Nasa Yanken si Xavia?”Nabigla siya ng marinig muli ang pangalang iyon. Ilang buwan na ng huli siyang makarinig mula kay Xavia.Nakaramdam siya ng matinding kirot ng mga sandaling iyon.Pagkatapos ng lahat, naging sila ni Xavia ng dalawang taon. Ang memorya niya sa Mayberry University ay puro silang dalawa na magkasama. Gayunpaman, lubos siyang sinaktan ni Xavia. May pagkakataon na puro hinanakit lang ang naramdaman ni Gerald sa kanya.Pagkatapos niyang aminin kay Xavia ang tunay niyang pagkatao, naging malamig na ang pagtungo niya sa kanya. Malala ang naging epekto kay Xavia mula doon, at ito ang naging dahilan kung bakit siya nag drop-out sa university.Nang mangyari iyon, nawala ang lahat ng hinanakit ni Gerald kay Xavia. Dahil dito, nagsimula si Gerald na sisihin ang kanyang sarili.Sa nakaraan, wala siyang maipagmamalaki, wala siyang kahit ano. Ngunit hindi parin siya nilayuan ni Xavia sa kabila nito. Nagpasya padin si Xavia na manatili sa piling niya.Magkasama sila k
Leer más
Kabanata 440
Nangako siya ng walang hesitasyon. Mas mabuti na iyon kesa sabihin kay Felicity na siya talaga si Ordinary Man.Ngunit hindi ngayon ang tamang oras para doon. Ngayon ang oras para tanungin ni Felicity ang kanyang mga fans na hanapin si Giya.Pagkatapos niyang bumaba sa hagdan, nakita ng lahat na may bumabagabag sa isip ni Gerald.Habang dahan-dahan siyang nagpapaikot-ikot, sinusundan siya ng maigi nina Felicia at Quade.Kanina pa kinukurot ni Felicia si Quade at tinuturo ang likuran ni Gerald. Klarong-klaro na may gustong sabihin si Quade kay Gerald.Ngunit tila walang lakas ng loob si Quade na kausapin si Gerald. “Quade, wala lang sa kanya yun. Sige na at kausapin mo si Gerald tungkol doon!” sabi ni Tammy habang nagbuntong-hininga at tumingin sa kanila. Hindi niya na magawang tignan na tahimik silang sumusunod kay Gerald.Narinig ni Gerald na tinawag ang kanyang pangalan at pagkatapos ay tumalikod siya. Sa likod niya, nakita niya si Felicia na kinukurot si Quade habang nakat
Leer más