”Nasa Yanken si Xavia?”Nabigla siya ng marinig muli ang pangalang iyon. Ilang buwan na ng huli siyang makarinig mula kay Xavia.Nakaramdam siya ng matinding kirot ng mga sandaling iyon.Pagkatapos ng lahat, naging sila ni Xavia ng dalawang taon. Ang memorya niya sa Mayberry University ay puro silang dalawa na magkasama. Gayunpaman, lubos siyang sinaktan ni Xavia. May pagkakataon na puro hinanakit lang ang naramdaman ni Gerald sa kanya.Pagkatapos niyang aminin kay Xavia ang tunay niyang pagkatao, naging malamig na ang pagtungo niya sa kanya. Malala ang naging epekto kay Xavia mula doon, at ito ang naging dahilan kung bakit siya nag drop-out sa university.Nang mangyari iyon, nawala ang lahat ng hinanakit ni Gerald kay Xavia. Dahil dito, nagsimula si Gerald na sisihin ang kanyang sarili.Sa nakaraan, wala siyang maipagmamalaki, wala siyang kahit ano. Ngunit hindi parin siya nilayuan ni Xavia sa kabila nito. Nagpasya padin si Xavia na manatili sa piling niya.Magkasama sila k
Nangako siya ng walang hesitasyon. Mas mabuti na iyon kesa sabihin kay Felicity na siya talaga si Ordinary Man.Ngunit hindi ngayon ang tamang oras para doon. Ngayon ang oras para tanungin ni Felicity ang kanyang mga fans na hanapin si Giya.Pagkatapos niyang bumaba sa hagdan, nakita ng lahat na may bumabagabag sa isip ni Gerald.Habang dahan-dahan siyang nagpapaikot-ikot, sinusundan siya ng maigi nina Felicia at Quade.Kanina pa kinukurot ni Felicia si Quade at tinuturo ang likuran ni Gerald. Klarong-klaro na may gustong sabihin si Quade kay Gerald.Ngunit tila walang lakas ng loob si Quade na kausapin si Gerald. “Quade, wala lang sa kanya yun. Sige na at kausapin mo si Gerald tungkol doon!” sabi ni Tammy habang nagbuntong-hininga at tumingin sa kanila. Hindi niya na magawang tignan na tahimik silang sumusunod kay Gerald.Narinig ni Gerald na tinawag ang kanyang pangalan at pagkatapos ay tumalikod siya. Sa likod niya, nakita niya si Felicia na kinukurot si Quade habang nakat
“Sharon, ikaw- Ikaw! Ang lakas naman ng loob mo na sampalin ako! Sinampal ako ng b*tch na to Hayward!”Habang sinasabi iyon, tinignan ni Lilian si Hayward habang tinatakpan niya ang pisngi niya gamit ang kanyang kamay.Gayunpaman, inalis lang ni Hayward ang kanyang tingin. Kitang-kita kung kanino siya pumapanig.“Ah… Ah sige… So ganyan pala… Di ko lubos maisip na nabulag ako sayo at di ko nagawang makita kung anong klase ng tao ka talaga…”Nanginginig ang boses ni Lilian. Pagkatapos ay tumalikod siya at tumakbo habang umiiyak.Malakas na hinampas ni Sharon ang kanyang tinidor at kutsara sa lamesa. Wala na siya sa mood na kumain pagkatapos ng pangyayari. Di nagtagal, umalis din silang dalawa sa restaurant. ‘Nakakaawa naman na makita ang dating dalawang matalik na magkaibigan na mag-away na parang mortal na magka-away ngayon…’ isip ni Gerald.Sa nakita niyang nangyari, naintindihan ni Gerald kung anong ang nangyari sa pagitan ng tatlo.Tila lumalabas na nagiging assertive sina L
Puno ng pag-aalala ang boses ni Gerald ng tanungin ang matanda.Napangisi nalang ang matanda habang tinititigan si Gerald. “Abay’ oo, nakita ko siya. Nakita ko siyang nag-iisa sa labas ng Mayberry Station ng tanghali ng araw na iyon. Naaalala ko siya dahil napakaganda niya, matangkad, at maganda ang pangangatawan. May ilang tao na hinihintay siya sa istasyon. Pagkatapos magusap ng saglit, agad siyang pumasok sa kanilang kotse at iyon na ang huling beses na nakita ko siya.”“Tila interesado ka. Kilala mo ba siya?” tanong ng matanda habang nakangiti.“Oo, magkakilala kami,” sabi ni Gerald bago tumango at nagtanong sa matanda para sa iba pang mga detalye.Base sa paglalarawan ng matanda sa nangyari, ang taong nakita niya ng araw na iyon ay talagang si Giya at tama ang timing.Basta malaman niya kung saan nawala si Giya, kung nadakip man siya o hindi, madali ng mareresolbahan ang sitwasyon.Bago siya umalis, kabadong hinawakan ng matanda ang braso ni Gerald.“Ano pang kailangan mo?”
“… Uy. Si Gerald yun ‘di ba? ” Sinabi ng isang lalaki na nakilala ang nagbibisikleta sa matinding ulan. “Sa tingin ko tama ka! Diyos ko, nagbibisikleta siya sa napakalakas na ulan! At parang nagmamadali siya!” "Narinig ko na nanalo siya ng kotse pero lumalabas na wala padin nagbago sa kanya!" "Oo. Akalain mo na nagustuhan ko siya nang malaman ko na nanalo siya sa lotto." Nagsimulang pag-usapan ng isang grupo ng babae si Gerald. Ang sampung tao na nakatayo sa may pintuan ay mga kaklase ni Gerald. Ang counselor, na siguradong nahulaan na ng karamihan, ay walang iba kung hindi si Cassandra. Nagkataon na lumilipat si Cassandra sa panibagong bahay ngayong araw. Hindi niya na kailangan pa manirahan sa faculty apartment. Dahil ang St. Cloud Neighborhood ay isang marangyang neighborhood, ang bahay ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang na apat na daang libong dolyar. Matagal ng nagtratrabaho si i Cassandra bilang isang lecturer sa unibersidad. Nagkaroon din siya ng isang online s
Kahit na gumaang ang pakiramdam ni Gerald, kinailangan niya padin na makita siya gamit ang kanyang mga mata bago siya maniwala. Habang nagkakalad sa ilalim ng mga payong na hawak ng dalawang guwardiya, nakalinya ng maayos ang mga guwardiya na nagbabantay sa pintuan at pagkatapos ay yumuko sila para magpakita ng respeto habang naglalakad si Gerald. Sa loob, ilang mga bodyguard ang ginagawa ang huling procedure ng operasyon ay agad na tumakbo ng makita na pumasok si Gerald. Tulad ng mga guwardiya na nakatayo sa pintuan, agad na tumayo sa dalawang linya ang mga nasa loob at agad na yumuko para magpakita ng paggalang. “Mr. Crawford!” sabay-sabay nilang sigaw. Si Tammy, ang mga magulang ni Giya, at ilang iba pa na nasa loob ng silid ng mangyari ang eksenang iyon ay nagulat at sabay-sabay na napatingin kay Gerald. "Mr. Crawford?...” "Gerald... Siya si Mr. Crawford?" Natakot sina Tammy at ang mga babae na kasama niya. Ngayon alam na nila ang tunay na pagkatao ni Gerald. Hi
"Tama ka! Tingnan mo ang mga napakagarang mga sasakyan!” sabi ng isang babae. Napatulala si Lilian ng magpatanto niya na nagsasabi sila ng totoo. Ang lahat ng sasakyan ay Maybach at bawat isa sa mga ito ay nagkakahalaga ng isang bahay sa lugar kung nasaan sila ngayon. Isipin mo na makapangasawa ng isang tao mula sa isang napakayaman at makapangyarihang pamilya… Sobrang kakainggitan ka ng lahat. Napabuntong-hininga nalang si Lilian. ‘Ang bruhang si Sharon… Mas maganda ako sa kanya pero siya and pinili ni Hayward! That b*tch!’ 'Magaling lang magpanggap si Sharon!’ Nandito si Lilian dahil umuupa siya ng bahay dito kasama ang dalawa niyang katrabaho na babae. Habang tinitignan ang mga Maybach na kotse, muling nagliyab ang inggit niya kay Sharon at nagsimulang siyang mainis. Hindi nagtagal, umalis din ang lahat ng kotse at bumalik sa normal ang lahat. At tulad ng inaasahan, dinakip si Yacob ng mga pulis. Kinabukasan, agad na nagtungo si Gerald sa ospital pagkagising niya
Sa kasamaang palad, lumala lang ang kanyang kalagayan nang ginising siya ng kanyang mga roommates. Ang kanyang mga roommates ay agad siyang isinugod sa ospital. Ngayon na siya ay nalagyan na ng dextrose, sa wakas nagsisimula nang gumaan ang pakiramdam niya. Hindi inaasahan na nakaaalubong niya si Gerald dito! "Well, ang kaibigan ay na-ospital dito. Kukuhanan ko sana siya ng lugaw ngayon," sabi ni Gerald habang nakangiti. “Gerald? Oh! Ito ba ang Gerald mula sa klase niyo na utusan ng mga mayamang tagapagmana?" sabi ng isa sa mga babae habang nakatingin ng masama kay Gerald. “Quilla! Ano ang pinagsasabi mo?" nahihiyang sinabi ni Lilian. "Ano? Hindi ba siya ang lalaki na 'yon? Tingnan mo, ginagawa niya pa ang isang inutos sa kanya ng isang mayamang tagapagmana ngayon! Sinabi niya kanina na may kinukuha siyang lugaw para sa isang tao, hindi ba?" Ngumisi si Quilla. Ang mukha ni Lilian ay parehong namumula at maputla, hindi sigurado kung anong emosyon ang dapat niyang maramd