Kabanata 1268
Nagulat si Lori.. Hindi niya alam kung anong isasagot niya hanggang sa bandang huli ay mangiyak-ngiyak niyang sinabi, “Ma…Marcus, anong ibig mong sabihin? Hindi lang naman ikaw ang nakatira dito, diba? Mansyon ‘to ng Lolo ko at gusto rin naming bisitahin si Uncle at si Auntie. Hinintay na nga kita dito, tapos gaganyanin mo lang ako!”

Biglang nahimasmasan si Marcus. “Pasensya na. Medyo masama lang ang araw ko.”

Pero lalong umiyak si Lori. “Kanina pa ako kinukulit ng anak ko kung gwapo raw ba ang Uncle niya kaya nandito kami sa labas para hintayin ka…”

Napatingin si Marcus sa batang babae. “Uncle…”

Hindi niya itatanggi, napukaw nito ang loob niya kaya yumuko siya para buhatin ang bata. “Ilang taon ka na?”

“Six! Ang pangalan ko po ay Jennifer. Nagpunta po kami dito last week pero wala naman kayo nila lolo. May regalo pa naman ako sainyo!”

“Talaga ba? Dala mo ba ang regalo mo?”

“Opo.”

“Pwede ko bang makita?”

“Okay.” Masayang bumaba si Jennifer mula sa pagkakabuhat sakanya
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP