Kabanata 1267
Pinsan pa rin ng daddy niya si Jennie at sa oras na malaman nito na pinagtaasan niya ito ng boses, siguradong may kalalagyan siya kaya pinilit niyang kumalma. “Tumawag ba kayo sa mansyon?”

“Haha! Mhm! Pero ayaw sagutin ni Lolo. Ang daddy mo ang sumagot at alam mo naman kung gaano kamahal ni Uncle si Mommy, diba?”

Hindi alam ni Marcus kung anong isasagot niya.

“Noong nalaman ni Uncle na tumatawag sakanya si Mommy, tumawag siya sa amin at pinapunta niya kami.”

“Lori….”

Pero bago pa man din matapos ni Marcus ang sasabihin niya, bigla siyang binabaan ni Lori. Gusto niya sanang magtagal sa bahay ng Auntie niya dahil yun din naman ang gustong mangyari ng lolo at daddy niya, pero mukhang kailangan niyang umuwi kaagad.

Ang sabi sakanya ng daddy niya, “Marcus, sobrang nasaktan ng lolo mo ang auntie mo, at hindi ko naman ikinakaila na nasaktan ko rin siya noon. Pero siyempre, sa paglipas ng mga panahon, natanggap ko na magkapatid pa rin kami kahit anong mangyari kaya dalasan mo ang p
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP