Avery, anong ginagawa mo?” Alam ni Avery na kagigising lang ni Elliot base sa tono ng boses nito. “May kailangan lang akong asikasuhin sa Bridgedale.” Sagot ni Avery habang naglalakad papasok ng boarding. “Maaga pa ah, sinong nagbalita sayo na aalis ako?” Hindi sinagot ni Elliot ang tanong ni Avery. “Malapit na ang birthday ng mga bata. Bakit biglaan naman ata ang pagpunta mo sa Bridgedale?” Kung kagaya ng nakasanayan, maiinis si Avery sa pagtatanong ni Elliot, pero ayaw niyang makipag away ngayon kaya kalamado siyang sumagot tutal nag aalala lang naman sakanya si Elliot at wala naman siyang nakikitang masama dun. “Hindi naman ganun kaimportante. Elliot, private matter na ‘to at hindi ko naman ata kailangang ireport sayo ang lahat ng gagawin ko. Wag kang mag alala, darating ako sa party ng mga bata.” “Hmmm basta okay ka lang.” “Mhm, sige na. Bumalik ka na sa tulog.” Yumuko si Avery at huminga ng malalim. Hindi niya na maalala kung kailan ang huling beses na nag usap sila
Sigurado siya na excited na rin itong makita siya. Pagdating sa pamilya nito, hindi siya sigurado pero hindi naman siguro siya paalisin ng mga ito, tama?Noong may nadaanan siyang bilihan ng mga bulaklak, huminto muna siya ng sandali para bumili ng isang bouquet ng carnation, bago siya magpatuloy sa pagmamaneho papunta sa bahay nila Adrian. Medyo malayo sakanya ang bahay ng mga Whites. Sa kasalukuyan, may dalawang stop lights pa siyang kailangang daanan at mahigit dalawang kilometro pa bago siya makarating doon. Buti nalang at wala siyang nadaanang kahit anong traffic kaya naging magaan ang pag biyahe niya. Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa labas ng bakuran ng mga Puti.Pinark niya ang kanyang sasakyan sa tapat mismo ng gate ng mga White, pero laking gulat niya pagkababa niya dahil nakalock ang gate.‘Umalis sila?’Kumunot ang noo niya at kinuha niya ang kanyang phone para tawagan si Nathan, ang tatay ni Adrian. Ang buong akala niya ay blinock nito ang number niya kaya
Pagkabalik ni Avery sakanyang sasakyan, muli niyang kinuha ang kanyang phone para tawagan naman si Adrian. "Sorry, the number you have dialed is not in service. Please try again later."‘Nakapatay ang phone niya?’ Malakas ang kutob ni Avery na hindi si Adrian ang nagpatay ng phone nito. Habang tumatagal, lalo siyang kinakabahan. Sinubukan niya ulit tawagan si Nathan. "Sorry, the number you have dialed is not in service. Please try again later."Nadurog ang puso ni Avery!Ha? Anong nangyayari? Ano bang gusto niyang mangyari sa anak niya? Bago ang surgery, wala naman siyang napansing kakaiba kay Nathan. Bigla niyang naalala ang sinabi ng babaeng nakausap niya kanina. Bakit sila biglamng lumipat? Para ba umiwas sakanya o matagal na talaga nitong planong umalis sa bahay na yun at hinihintay lang talaga nilang gumaling si Adrian?Pero… bakit kailangan nilang lumipat pagkatapos na pagkatapos ng surgery ni Adrian? Hindi ba nila kayang hintaying makarecover muna ito? At.. saan
Papapasukin niya ba si Elliot o hindi? Sa totoo lang, wala naman talagang galit si Mike kay Elliot at kung hindi nga lang dahil kay Avery, baka sobrang close niya pa ito. Habang iniisip ni Mike kung anong gagawin niya, biglang naglakad papunta sa gate ang bodyguard ni Avery at pinag buksan si Elliot. Gulat na gulat si Mike. Sigurado siya na kung nandoon si Avery, malamang pagdidilatan nito ang bodyguard at sasabihing, “Kanino ka ba talaga kampi?”Ilang beses na siyang tinanong ng ganun ni Avery! “Aba! Porket wala si Avery, ikaw na ang may ari ng bahay!” Sarcastic na sabi ni Mike sa bodyguard. Nanindigan ang bodyguard, “Alam ko namang pagbubuksan mo rin siya, magpapakipot ka lang kaunti kaya ako na ang gumawa.” “Ahhh hindi ka lang pala bida-bida… Mapagbintang ka rin!” Sa pagkakataong ito, hindi na sumagot ang bodyguard at umalis nalang.Lumapit si Elliot kay Mike, “Nandiyan ba ang mga bata?” Tumaas ang kilay ni Mike. “Alam ko naman na ang mga bata ang pinunta mo rito
Pagbukas ni Avery ng pintuan, sobrang natunaw ang puso niya sa tumambad sakanya. Buhat-buhat ni Elliot si Robert, habang si Layla naman ay hawak ang bago nitong laruan at kinausap ang kapatid nito. Nandoon din si Mrs. Cooper sa isang gilid na masayang pinapanuod ang mag aama niya. Gusto sanang lumapit ni Avery pero hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Sobrang ganda at masasabi niya na pagdating sa mga anak niya, ibang-iba ang saya ni Elliot at kahit sino sigurong makakita rito, hindi maniniwalang yun ang parehong Elliot Foster na sobrang sungit. Nang mapansin ni Elliot si Avery, gulat na gulat siya. Akala niya ay namamalikmata lang siya. Hindi niya naman akalain na babalik din ito kaagad! Kung alam ni Mike na uuwi ito ngayon, malamang hindi ito pumayag na makipag date kay Chad!Maging si Mrs. Cooper ay gulat na gulat din nang makita si Avery. Dali-dali niyang kinha si Robert mula kay Elliot. “Mommy!” Tawag ni Hayden mula sa likod ni Avery. Pagkapark na pagkapark ng
Natigilan si Elliot at binitawan niya ang kamay ni Hayden kaya dali-dali itong tumakbo paakyat. Habang si Avery naman ay hindi binitawan ang kamay ni Elliot. “Elliot, anong ginagawa mo? Akala ko ba hindi mo pipilitin ang mga bata? Ano ‘to?” Lumunok si Elliot at halos hindi siya makapag salita. “Gus..gusto ko lang namang mag sorry sakanya.” “Pero mali yung paraan mo. Bata lang si Hayden, hindi mo siya pwedeng pwersahin.” Hinila ni Avery si Elliot papunta sa sofa at pinaupo ito. “Elliot, alam mo ang pakiramdam ng may trauma, bakit hindi mo maintindihan na hindi ganun kadali para kay Hayden na patawarin ka?” Tinignan ni Elliot si Avery ng diretso sa mga mata. “Hindi ako galit sayo.” Huminga ng malalim si Avery. “Wag mo nalang ulitin ‘to. Umiyak tuloy si Robert… Sigurado ako na natakot din si Layla.” “Sorry…” Nakokonsensyang tumingin si Elliot sa direksyon kung nasaan ang mga bata.Buhat-buhat ni Mrs. Cooper si Robert. Hindi na ito umiiyak. Habang si Layla naman ay sumisilip
Pagkauwi ni Elliot, gusto niya na sanang dumiretso sa kwarto niya, pero bigla siyang tinawag ni Mrs. Scarlet. “Master Elliot, nabalitaan mo na ba?” Tumingin si Elliot kay Mrs. Scarlet. “Ang alin?”“Yung tungkol sa mansyon ng Mommy mo.” Sobrang lungkot ng itsura ni Mrs. Scarlet habang nagsasalita. “Plano raw ibenta ng kapatid mo.”Kumunot ang noo ni Elliot. “Kanino mo yan nabalitaan?” “Tinawagan ako kanina ng pamangkin ko na sa real estate nag tatrabaho.” Mangiyak-ngiyak ang mga mata ni Mrs. Scarlet na nagpatuloy. “Master Foster, siguro wala na talagang pera ang kapatid mo kaya binibenta na nila ang mansyon.” “Gusto mo bang bigyan ko sila ng pera?”Umiling si Mrs. Scarlet. “Siyempre hindi! Wala silang utang na loob. Ang bait bait sakanila ni Madam Rosalie pero anong ginawa nila? Pinatay nila si Madam! Ang ibig kong sabihin ay bakit kaya hindi mo nalang bilhin ang mansyon? Para sa akin, mas maganda pa rin yun kaysa iba ang makabili. Isa pa… sa oras na mangyari yun, ano nalang
Naguluhan si Avery. Akala ko ba si Hayden ang favorite mo?” “Mhm! Si Hayden nga ang favorite ko, pero si Robert ang gusto kong tugtugan kasi hindi niya malalaman kung tama o mali yung tinutugtog ko.” Hindi napigilan ni Avery na matawa. “Hindi rin naman malalaman ni Hayden kung tama o mali yung tinutugtog mo kasi hindi naman siya marunong mag piano.” Nagulat si Layla. “Oh. Oo nga no! Akala ko kasi super hero si Hayden na kaya niyang gawin ang lahat. Hehe” Masayang hinila ni Layla si Hayden paakyat sa kwarto nila. Sobrang saya ni Avery sa tuwing nakikita niyang masaya ang mga anak niya. “Avery, diba sabi mo napagod ka sa byahe? Magshower ka na para makapag pahinga ka na.” Sabi ni Mrs. Cooper. “Mhm.”Umakyat si Avery sa master’s bedroom at kumuha ng pajama sakanyang closet. Pero bigla siyang natiglang noong sumakit ang puson niya. Dahan-dahan siyang umupo at halos hindi siya makahinga. Hindi naman siya kinabahan dahil hindi na ito bago sakanya. Mula noong nanganak siy