Pagkauwi ni Elliot, gusto niya na sanang dumiretso sa kwarto niya, pero bigla siyang tinawag ni Mrs. Scarlet. “Master Elliot, nabalitaan mo na ba?” Tumingin si Elliot kay Mrs. Scarlet. “Ang alin?”“Yung tungkol sa mansyon ng Mommy mo.” Sobrang lungkot ng itsura ni Mrs. Scarlet habang nagsasalita. “Plano raw ibenta ng kapatid mo.”Kumunot ang noo ni Elliot. “Kanino mo yan nabalitaan?” “Tinawagan ako kanina ng pamangkin ko na sa real estate nag tatrabaho.” Mangiyak-ngiyak ang mga mata ni Mrs. Scarlet na nagpatuloy. “Master Foster, siguro wala na talagang pera ang kapatid mo kaya binibenta na nila ang mansyon.” “Gusto mo bang bigyan ko sila ng pera?”Umiling si Mrs. Scarlet. “Siyempre hindi! Wala silang utang na loob. Ang bait bait sakanila ni Madam Rosalie pero anong ginawa nila? Pinatay nila si Madam! Ang ibig kong sabihin ay bakit kaya hindi mo nalang bilhin ang mansyon? Para sa akin, mas maganda pa rin yun kaysa iba ang makabili. Isa pa… sa oras na mangyari yun, ano nalang
Naguluhan si Avery. Akala ko ba si Hayden ang favorite mo?” “Mhm! Si Hayden nga ang favorite ko, pero si Robert ang gusto kong tugtugan kasi hindi niya malalaman kung tama o mali yung tinutugtog ko.” Hindi napigilan ni Avery na matawa. “Hindi rin naman malalaman ni Hayden kung tama o mali yung tinutugtog mo kasi hindi naman siya marunong mag piano.” Nagulat si Layla. “Oh. Oo nga no! Akala ko kasi super hero si Hayden na kaya niyang gawin ang lahat. Hehe” Masayang hinila ni Layla si Hayden paakyat sa kwarto nila. Sobrang saya ni Avery sa tuwing nakikita niyang masaya ang mga anak niya. “Avery, diba sabi mo napagod ka sa byahe? Magshower ka na para makapag pahinga ka na.” Sabi ni Mrs. Cooper. “Mhm.”Umakyat si Avery sa master’s bedroom at kumuha ng pajama sakanyang closet. Pero bigla siyang natiglang noong sumakit ang puson niya. Dahan-dahan siyang umupo at halos hindi siya makahinga. Hindi naman siya kinabahan dahil hindi na ito bago sakanya. Mula noong nanganak siy
Sa Starry River, halos hindi makabangon soi Avery sa sobrang sakit ng puson niya.Kanina niya pa pinakikiramdaman kung kaya niya bang pumasok, pero hindi talaga. Uminom na siya ng painkiller pero hindi niya maintindihan kung bakit parang hindi ito gumagana. Hindi naman siya ganun dati!Pagkatapos ng tawag, dahan-dahan siyang bumangon para uminom ng mainit na tubig.Nakita ni Avery si Mrs. Cooper na may kausap sa phone at mukhang kinakabahan. “Avery, bakit bumangon ka?” Nag aalalang tanong nito. “Kung masama ang pakiramdam mo, magpahinga ka nalang. “Nauuhaw ako. Wag kang mag alala, mas okay naman na ang pakiramdam ko kumpara kanina.”“Dadalhan nalang kita ng thermos ng mainit na tubig.” Habang hinahanda ni Mrs. Cooper ang thermos, nagpatuloy siya, “Oo nga pala, katatawag lang ni Master Foster. Ang sabi niya, papunta na raw siya.”Sobrang sama ng pakiramdam noi Avery kaya hindi na siya masyadong nalapag react. “Dala niya raw yung mga regalo niya para kina Hayden at Layla. Ib
“Hindi niya pa naiintindihan ang pinag uusapan natin kaya pwede pa rin kitang awayin basta mahina lang para hindi siya matakot.” Nakatingin lang sakanila si Robert. Sobrang inosente at cute!Kinuha ni Avery ang teether at pinahawak kay Robert, hindi nagtagal, kinagat-kagat ito ni Robert. “Gusto mong buhatin si Robert?” Gusto sanang pagaangin ni Elliot ang pakiramdam ni Avery. “Nanghihina ako, baka mabitawan ko siya.” “Gusto mo ng tubig?” “Hindi ako nauuhaw.” “Dala yung mga regalo. Ipapakita ko sayo.” Tumalikod si Elliot para kunin ang mga regalo. Dahil dito, medyo nairita si Avery. “Pwede bang umupo ka nalang? Buhat-buhat mo si Robert tapos lakad ka ng lakad. Kung gusti kong makita ang mga regalo, ako mismo ang magtatanong sayo.” Aga-agad namang umupo si Elliot. “Sabihin mo nalang sakanila na sayo galing yung mga regalo. Wag mo akong banggitin.” Paalala ni Elliot.“Ako ng bahala. Wag ka ng mag aalala.” Tinignan ni Avery ang mga kahon na dala ni Elliot. Sigurado siya
Sa Starry River. Kumpara noong umaga, sobrang laki na ng ibinuti ng pakiramdam ni Avery. Bukod sa pagod, hindi na masakit ang puson niya. Pagkatapos nilang mag dinner ng mga bata, dinala niya sina Hayden at Layla para ipakita ang regalong dinala kanina ni Elliot. Binilin sakanya nio Elliot kanina na wag sabihing dito galing ang mga regalo, pero hindi niya kayang mag sinungaling sa mga anak niya. “Bakit apat, Mommy?” Sobrang saya ni Layla nang makita ajg mga regalo.“Kay Mommy galing ‘tong dalawang ‘to, at kay Daddy naman galing ‘tong dalawang ‘to.” Habang nagsasalita, nakatingin si Avery sa magiging reaksyon ni Hayden.Noong narinig ni Hayden ang salitang ‘Daddy’, halatang nawala ito sa mood.“Tara, buksan na natin!” Sinadya ni Avery na unahing buksan ang regalong nanggaling kay Elliot dahil sigurado siya na kapag inuna nilang buksan ang galing sakanya, aalis na kaagad si Hayden. Bukod dun, excited din si Avery na malaman kung anong hinanda ni Elliot para sa mga bata.
Nagulat ang lahat. Dahil dun, binitawan ni Layla si Tiggie. Sa mansyon ng mga Foster, may nakita si Elliot na bakas ng gasolina papunta sa bakuran. Wala pang tatlong minuto, nakita niyang may tumatawid na apoy mula rito. Gulat na gulat si Elliot. Mabuti nalang at mabilis kumilos ang kanyang bodyguard at agad-agad siyang hinila nito palabas. “Mr. Foster, may gustong sumunog ng mansyon. Hintayin mo nalang ako dito. Aalamin ko kung sino ang nasa likod nito. Nagmamadaling tumakbo ang bodyguard papunta sa gilid ng mansyon para alamin kung sino ang may gawa g sunog habang si Elliot naman ay wala ng sinayang na oras at tumawag siya kaagad ng bumbero. Sa tingin niya, posibleng si Henry ang may gawa nun lalo na at sobrang desperado nitong ibenta ang mansyon. Naalala niya na sinabi sakanya ni Mrs. Scarlet na ayaw naman daw talagang ibenta ni Henry ang mansyon dahil may sentimental value din naman ito para sa kapatid niya, pero dahil sa mga patong patong na utang ni Cole, wala na
Tumabi si Avery. Nagmadali siyang tinipa ang numero ni Elliot bago ibigay ang emosyon niya ng pagkakataon kumalma.Sa kanyang pagtataka, sinagot ni Elliot ang telepono sa loob ng ilang segundo."Ayos lang ako." Mababa at matatag ang boses niya.Napabuntong hininga siya at nagtanong nang mahinahon, "Sino ang nag-sunog?""Ang driver ng aking panganay na kapatid. Maraming taon na siyang kasama ng aking panganay na kapatid."Si Avery ay labis na nalulungkot sa kalungkutan habang tinitingnan niya ang matandang mansyon na dumaan sa impiyerno sa isang gabi lamang.Bakit sunugin ang isang bahay dahil lamang sa pagkapoot na umiiral sa pagitan ng dalawang tao?"Nasa ilalim ba ng mga utos ng iyong kuya?" Hindi niya maiwasang isipin ito.Naalala niya na sina Henry at Elliot ay nagbahagi ng iba't ibang mga personalidad, at ang dating kahit na tila labis na matapat at taos-puso kung ihahambing kay Elliot.Nakakainis sa kanya kung bakit gagawa pa si Henry ng isang bagay na labis na nakagagal
Gayunpaman, nang binalikan niya ang mga sinabi ni Elliot, nararamdaman niya na parang may apoy na nagbabaga sa puso niya at pinapawi ang lamig. Sa police station, dumating si Henry sa oras na natanggap niya ang tawag sa mga awtoridad. Ang unang tao na nakita niya nang pumasok siya ay si Elliot, at agad niyang binaba ang kanyang ulo. "Ito ang sitwasyon, Mr. Foster. Ang driver ang gumawa ng apoy sa lumang mansyon kaninang gabi. Alam mo ba ang tungkol dito?" isang police officer ang nagtanong kay Henry.Umiling si Henry. "Hindi. Binigyan ko siya ng babayaran ilang araw ang lumipas, at hindi ko pa siya nako-kontak simula 'non." Pagkatapos ng ilang saglit, nagpatuloy siya, "Kailangan kong ipaliwanag ang lahat sa kapatid ko!"Bumaling ang police officer kay Elliot at in-excuse ang sarili nang nakita niyang hindi tumutol si Elliot sa suhesyon ni Henry. Naglakad si Henry hanggang Elliot at ipinaliwanag, "Elliot, pakisabi kay Joseph! Siya ang naging driver ko ng higit sa kalahati ng k