Pagkabalik ni Avery sakanyang sasakyan, muli niyang kinuha ang kanyang phone para tawagan naman si Adrian. "Sorry, the number you have dialed is not in service. Please try again later."‘Nakapatay ang phone niya?’ Malakas ang kutob ni Avery na hindi si Adrian ang nagpatay ng phone nito. Habang tumatagal, lalo siyang kinakabahan. Sinubukan niya ulit tawagan si Nathan. "Sorry, the number you have dialed is not in service. Please try again later."Nadurog ang puso ni Avery!Ha? Anong nangyayari? Ano bang gusto niyang mangyari sa anak niya? Bago ang surgery, wala naman siyang napansing kakaiba kay Nathan. Bigla niyang naalala ang sinabi ng babaeng nakausap niya kanina. Bakit sila biglamng lumipat? Para ba umiwas sakanya o matagal na talaga nitong planong umalis sa bahay na yun at hinihintay lang talaga nilang gumaling si Adrian?Pero… bakit kailangan nilang lumipat pagkatapos na pagkatapos ng surgery ni Adrian? Hindi ba nila kayang hintaying makarecover muna ito? At.. saan
Papapasukin niya ba si Elliot o hindi? Sa totoo lang, wala naman talagang galit si Mike kay Elliot at kung hindi nga lang dahil kay Avery, baka sobrang close niya pa ito. Habang iniisip ni Mike kung anong gagawin niya, biglang naglakad papunta sa gate ang bodyguard ni Avery at pinag buksan si Elliot. Gulat na gulat si Mike. Sigurado siya na kung nandoon si Avery, malamang pagdidilatan nito ang bodyguard at sasabihing, “Kanino ka ba talaga kampi?”Ilang beses na siyang tinanong ng ganun ni Avery! “Aba! Porket wala si Avery, ikaw na ang may ari ng bahay!” Sarcastic na sabi ni Mike sa bodyguard. Nanindigan ang bodyguard, “Alam ko namang pagbubuksan mo rin siya, magpapakipot ka lang kaunti kaya ako na ang gumawa.” “Ahhh hindi ka lang pala bida-bida… Mapagbintang ka rin!” Sa pagkakataong ito, hindi na sumagot ang bodyguard at umalis nalang.Lumapit si Elliot kay Mike, “Nandiyan ba ang mga bata?” Tumaas ang kilay ni Mike. “Alam ko naman na ang mga bata ang pinunta mo rito
Pagbukas ni Avery ng pintuan, sobrang natunaw ang puso niya sa tumambad sakanya. Buhat-buhat ni Elliot si Robert, habang si Layla naman ay hawak ang bago nitong laruan at kinausap ang kapatid nito. Nandoon din si Mrs. Cooper sa isang gilid na masayang pinapanuod ang mag aama niya. Gusto sanang lumapit ni Avery pero hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Sobrang ganda at masasabi niya na pagdating sa mga anak niya, ibang-iba ang saya ni Elliot at kahit sino sigurong makakita rito, hindi maniniwalang yun ang parehong Elliot Foster na sobrang sungit. Nang mapansin ni Elliot si Avery, gulat na gulat siya. Akala niya ay namamalikmata lang siya. Hindi niya naman akalain na babalik din ito kaagad! Kung alam ni Mike na uuwi ito ngayon, malamang hindi ito pumayag na makipag date kay Chad!Maging si Mrs. Cooper ay gulat na gulat din nang makita si Avery. Dali-dali niyang kinha si Robert mula kay Elliot. “Mommy!” Tawag ni Hayden mula sa likod ni Avery. Pagkapark na pagkapark ng
Natigilan si Elliot at binitawan niya ang kamay ni Hayden kaya dali-dali itong tumakbo paakyat. Habang si Avery naman ay hindi binitawan ang kamay ni Elliot. “Elliot, anong ginagawa mo? Akala ko ba hindi mo pipilitin ang mga bata? Ano ‘to?” Lumunok si Elliot at halos hindi siya makapag salita. “Gus..gusto ko lang namang mag sorry sakanya.” “Pero mali yung paraan mo. Bata lang si Hayden, hindi mo siya pwedeng pwersahin.” Hinila ni Avery si Elliot papunta sa sofa at pinaupo ito. “Elliot, alam mo ang pakiramdam ng may trauma, bakit hindi mo maintindihan na hindi ganun kadali para kay Hayden na patawarin ka?” Tinignan ni Elliot si Avery ng diretso sa mga mata. “Hindi ako galit sayo.” Huminga ng malalim si Avery. “Wag mo nalang ulitin ‘to. Umiyak tuloy si Robert… Sigurado ako na natakot din si Layla.” “Sorry…” Nakokonsensyang tumingin si Elliot sa direksyon kung nasaan ang mga bata.Buhat-buhat ni Mrs. Cooper si Robert. Hindi na ito umiiyak. Habang si Layla naman ay sumisilip
Pagkauwi ni Elliot, gusto niya na sanang dumiretso sa kwarto niya, pero bigla siyang tinawag ni Mrs. Scarlet. “Master Elliot, nabalitaan mo na ba?” Tumingin si Elliot kay Mrs. Scarlet. “Ang alin?”“Yung tungkol sa mansyon ng Mommy mo.” Sobrang lungkot ng itsura ni Mrs. Scarlet habang nagsasalita. “Plano raw ibenta ng kapatid mo.”Kumunot ang noo ni Elliot. “Kanino mo yan nabalitaan?” “Tinawagan ako kanina ng pamangkin ko na sa real estate nag tatrabaho.” Mangiyak-ngiyak ang mga mata ni Mrs. Scarlet na nagpatuloy. “Master Foster, siguro wala na talagang pera ang kapatid mo kaya binibenta na nila ang mansyon.” “Gusto mo bang bigyan ko sila ng pera?”Umiling si Mrs. Scarlet. “Siyempre hindi! Wala silang utang na loob. Ang bait bait sakanila ni Madam Rosalie pero anong ginawa nila? Pinatay nila si Madam! Ang ibig kong sabihin ay bakit kaya hindi mo nalang bilhin ang mansyon? Para sa akin, mas maganda pa rin yun kaysa iba ang makabili. Isa pa… sa oras na mangyari yun, ano nalang
Naguluhan si Avery. Akala ko ba si Hayden ang favorite mo?” “Mhm! Si Hayden nga ang favorite ko, pero si Robert ang gusto kong tugtugan kasi hindi niya malalaman kung tama o mali yung tinutugtog ko.” Hindi napigilan ni Avery na matawa. “Hindi rin naman malalaman ni Hayden kung tama o mali yung tinutugtog mo kasi hindi naman siya marunong mag piano.” Nagulat si Layla. “Oh. Oo nga no! Akala ko kasi super hero si Hayden na kaya niyang gawin ang lahat. Hehe” Masayang hinila ni Layla si Hayden paakyat sa kwarto nila. Sobrang saya ni Avery sa tuwing nakikita niyang masaya ang mga anak niya. “Avery, diba sabi mo napagod ka sa byahe? Magshower ka na para makapag pahinga ka na.” Sabi ni Mrs. Cooper. “Mhm.”Umakyat si Avery sa master’s bedroom at kumuha ng pajama sakanyang closet. Pero bigla siyang natiglang noong sumakit ang puson niya. Dahan-dahan siyang umupo at halos hindi siya makahinga. Hindi naman siya kinabahan dahil hindi na ito bago sakanya. Mula noong nanganak siy
Sa Starry River, halos hindi makabangon soi Avery sa sobrang sakit ng puson niya.Kanina niya pa pinakikiramdaman kung kaya niya bang pumasok, pero hindi talaga. Uminom na siya ng painkiller pero hindi niya maintindihan kung bakit parang hindi ito gumagana. Hindi naman siya ganun dati!Pagkatapos ng tawag, dahan-dahan siyang bumangon para uminom ng mainit na tubig.Nakita ni Avery si Mrs. Cooper na may kausap sa phone at mukhang kinakabahan. “Avery, bakit bumangon ka?” Nag aalalang tanong nito. “Kung masama ang pakiramdam mo, magpahinga ka nalang. “Nauuhaw ako. Wag kang mag alala, mas okay naman na ang pakiramdam ko kumpara kanina.”“Dadalhan nalang kita ng thermos ng mainit na tubig.” Habang hinahanda ni Mrs. Cooper ang thermos, nagpatuloy siya, “Oo nga pala, katatawag lang ni Master Foster. Ang sabi niya, papunta na raw siya.”Sobrang sama ng pakiramdam noi Avery kaya hindi na siya masyadong nalapag react. “Dala niya raw yung mga regalo niya para kina Hayden at Layla. Ib
“Hindi niya pa naiintindihan ang pinag uusapan natin kaya pwede pa rin kitang awayin basta mahina lang para hindi siya matakot.” Nakatingin lang sakanila si Robert. Sobrang inosente at cute!Kinuha ni Avery ang teether at pinahawak kay Robert, hindi nagtagal, kinagat-kagat ito ni Robert. “Gusto mong buhatin si Robert?” Gusto sanang pagaangin ni Elliot ang pakiramdam ni Avery. “Nanghihina ako, baka mabitawan ko siya.” “Gusto mo ng tubig?” “Hindi ako nauuhaw.” “Dala yung mga regalo. Ipapakita ko sayo.” Tumalikod si Elliot para kunin ang mga regalo. Dahil dito, medyo nairita si Avery. “Pwede bang umupo ka nalang? Buhat-buhat mo si Robert tapos lakad ka ng lakad. Kung gusti kong makita ang mga regalo, ako mismo ang magtatanong sayo.” Aga-agad namang umupo si Elliot. “Sabihin mo nalang sakanila na sayo galing yung mga regalo. Wag mo akong banggitin.” Paalala ni Elliot.“Ako ng bahala. Wag ka ng mag aalala.” Tinignan ni Avery ang mga kahon na dala ni Elliot. Sigurado siya