Lumabas si Elliot para hanapin si Ben. Sakto, papunta rin sakanya si Ben para yayain siyang mag lunch. “Ininvite ka ba ni Avery?” Tanong ni Elliot. “Yung sa birthday party ba yan ng mga bata? Hindi pa!” Nagtatakang sagot ni Ben. “Bakit? Ininvite ka na ba?” Umiling si Elliot. “Okay lang yan. Kalahating buwan pa naman! Siguro naman sasabihan niya tayo mga ilang araw bago ang party.” Confident na sagot ni Ben. “Isa pa, kung hindi ka man niya iinvite, sigurado naman ako na iinvite niya ako lalo na at okay naman na ang lahat sa amin.” Hindi na nakipagtalo si Elliot pero sobrang naguguluhan lang siya. “Hindi naman kami nag away, bakit hindi niya ako iinvite?”“Kahit na hindi kayo nag away, ang laki pa rin ng problema niyo! Tsaka bro! Kahit anong gawin mo, hindi ka naman niya naappreciate kaya hayaan mo na siya!” “Pwede ba? Sobrang walang kwenta ng sinasabi mo.” Naiiritang sagot ni Elliot. Napahiya si Ben kaya natigilan siya ng ilang segundo bago niya baguhin ang topic, “Gusto
Pagtapos, nagmamadaling lumabas ang kliyente. “Miss Tate, papapasukin ko na ba si Elliot?” Tanong ng secretary. Sinilip ni Avery ang kanyang phone. Hindi naman nag message o tumawag sakanya si Elliot. Bakit siya biglang pumunta? May nangyari ba? Sobrang naguguluhan si Avery. Lumabas siya ng meeting room para puntahan si Elliot. Pagkarating niya sa lobby, naabutan niya na kausap nito ang kliyente niyang umalis. Sobra itong yumuko kay Elliot! Nang mapansin ni Elliot si Avery na lumabas ng elevator, napatingin siya kaagad dito. “O siya, Mr. Foster, hindi ko na kayo iistorbohin.” Nang makita ng kliyente na parating si Avery, agad-agad itong nagpaalam kay Elliot. Naglakad si Avery papunta kay Elliot at tinignan ito ng diretso sa mga mata. “Anong kailangan mong sabihin sa akin na dapat sa personal pa?” “Hindi ba ako pwedeng pumunta sa office mo?” Tanong ni Elliot, sabay tingin sa paligid. Nakabantay na ang receptionist at bodyguard sakanya. Malamang kumalat kaagad na duma
Pagbaba ng bintana, tumambad sakanila si Mike na mapang asar na sinabi, “Huy, anong ginagawa niyo dito sa labas? Nag susunbathing? Maglulunch na! Maghanap kaya muna kayo ng restaurant at doon kayo mag away, ang sagwa na dito pa kayo sa tapat ng office nag aaway!”Walang kaemo-emosyon ang mukha ni Avery. “Lunch?” Tanong ni Elliot. “Ayoko!” Sagot ni Avery, sabay talikod at lakad pabalik sa loob ng Tate Industries. Bumusina si Mike kay Elliot at sinabi, “Ilibre mo ako ng lunch!” Hindi interesado si Elliot at aalis na sana siya nang muling magsalita si Mike kaya natigilan siya. “Ilibre mo ako ng lunch para mabilhan ko rin ng pagkain si Avery!” Pumunta sila sa isang restaurant, at umorder kaagad si Mike ng pagkain para kay Avery. Sinulat niya ang number nito para maideliver ng direkta sa Tate Industries. Kumunot ang noo ni Elliot, “Bakit mo binibigay ang number niya?” Tumingin ng masama si Mike, “Palaging nag order si Avery dito!” Hindi nakasagot si Elliot.“Anong tingin
Anong pakielam niya sa iniisip ko?” Hinawi ni Avery ang kamay ni Mike at naiinis na nagpatuloy, “Kailan pa siya nagkaroon ng pakielam sa iniisip at nararamdaman ko?” Nagulat si Mike. “Bakit kaya hindi mo siya tawagan at ikaw mismo ang magtanong niya?” “Bakit ko siya tatawagan? Kung gusto niya talagang malaman kung anong iniisip ko, dapat siya mismo ang magtanong sa akin!”“Oh, gusto mo bang sabihin ko sakanya na tawagan ka?” “Mike, kanino ka ba talaga kampi?” “Tinatanong pa ba yan? Siyempre sayo! Kung sakanya ako kampi, edi sana hindi na siya nahihirapang suyuin ka diba?” Hindi naman pinagdududahan ni Avery ang pagkakaibigan nila ni Mike. “Plano kong sumadlit sa Bridgedale. Mukhang wala namang kailangang asikasuhin sa company at okay naman ang nmga bata.” Sabi ni Avery. “Bakit? Bibisitahin mo ba yung pasyente mo? Isang araw ang byahe mo papunta at pabalik. Malapit na ang birthday party ng mga bata. Gusto mo bang bumyahe pagkatapos nalang?” Nakapag desisyon na si Avery.
Pero pagkatapos na pagkatapos niyang magsalita, may isang malaking kamay ang tumapik sa balikat niya. Bigla siyang natigilan at napalunok. Dahan-dahan siyang tumingin. “Ben, ayaw ni Mr. Foster ng maingay. Shhh.” Sabi ng bodyguard ni Elliot. Sa hindi kalayuan, kitang kita ni Ben si Elliot na nanlilisik ang mga mata sakanya. Hindi niya alam ang gagawi niya! Gusto niyang lumuhod pero hindi siya makagalaw. Kani-kanina lang, kung amu-anong sinasabi niya kay Avery at sa relasyon nito. Narinig kaya ni Elliot ang lahat? Hindi imposible!“Elliot!” Nahihiyang ngumiti si Ben. “Layas!” Sagot ni Elliot. Pagkatapos nun, lumapit ang bodyguard ni Elliot para palabasin si Ben. …Pagkasakay ni Ben sa loob ng sasakyan niya, napahinga nalang siya ng malalim. “Ben.” Biglang nagsalita si Ben sa kabilang linya. Sa sobrang takot niya kay Elliot, nakalimutan niyang ibaba ang tawag kanina. Ibig sabihin… narinig ni Chad ang lahat? Haaaaay! Ano pang mukhang ihaharap niya! “Ano? Tatawanan mo ak
Avery, anong ginagawa mo?” Alam ni Avery na kagigising lang ni Elliot base sa tono ng boses nito. “May kailangan lang akong asikasuhin sa Bridgedale.” Sagot ni Avery habang naglalakad papasok ng boarding. “Maaga pa ah, sinong nagbalita sayo na aalis ako?” Hindi sinagot ni Elliot ang tanong ni Avery. “Malapit na ang birthday ng mga bata. Bakit biglaan naman ata ang pagpunta mo sa Bridgedale?” Kung kagaya ng nakasanayan, maiinis si Avery sa pagtatanong ni Elliot, pero ayaw niyang makipag away ngayon kaya kalamado siyang sumagot tutal nag aalala lang naman sakanya si Elliot at wala naman siyang nakikitang masama dun. “Hindi naman ganun kaimportante. Elliot, private matter na ‘to at hindi ko naman ata kailangang ireport sayo ang lahat ng gagawin ko. Wag kang mag alala, darating ako sa party ng mga bata.” “Hmmm basta okay ka lang.” “Mhm, sige na. Bumalik ka na sa tulog.” Yumuko si Avery at huminga ng malalim. Hindi niya na maalala kung kailan ang huling beses na nag usap sila
Sigurado siya na excited na rin itong makita siya. Pagdating sa pamilya nito, hindi siya sigurado pero hindi naman siguro siya paalisin ng mga ito, tama?Noong may nadaanan siyang bilihan ng mga bulaklak, huminto muna siya ng sandali para bumili ng isang bouquet ng carnation, bago siya magpatuloy sa pagmamaneho papunta sa bahay nila Adrian. Medyo malayo sakanya ang bahay ng mga Whites. Sa kasalukuyan, may dalawang stop lights pa siyang kailangang daanan at mahigit dalawang kilometro pa bago siya makarating doon. Buti nalang at wala siyang nadaanang kahit anong traffic kaya naging magaan ang pag biyahe niya. Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa labas ng bakuran ng mga Puti.Pinark niya ang kanyang sasakyan sa tapat mismo ng gate ng mga White, pero laking gulat niya pagkababa niya dahil nakalock ang gate.‘Umalis sila?’Kumunot ang noo niya at kinuha niya ang kanyang phone para tawagan si Nathan, ang tatay ni Adrian. Ang buong akala niya ay blinock nito ang number niya kaya
Pagkabalik ni Avery sakanyang sasakyan, muli niyang kinuha ang kanyang phone para tawagan naman si Adrian. "Sorry, the number you have dialed is not in service. Please try again later."‘Nakapatay ang phone niya?’ Malakas ang kutob ni Avery na hindi si Adrian ang nagpatay ng phone nito. Habang tumatagal, lalo siyang kinakabahan. Sinubukan niya ulit tawagan si Nathan. "Sorry, the number you have dialed is not in service. Please try again later."Nadurog ang puso ni Avery!Ha? Anong nangyayari? Ano bang gusto niyang mangyari sa anak niya? Bago ang surgery, wala naman siyang napansing kakaiba kay Nathan. Bigla niyang naalala ang sinabi ng babaeng nakausap niya kanina. Bakit sila biglamng lumipat? Para ba umiwas sakanya o matagal na talaga nitong planong umalis sa bahay na yun at hinihintay lang talaga nilang gumaling si Adrian?Pero… bakit kailangan nilang lumipat pagkatapos na pagkatapos ng surgery ni Adrian? Hindi ba nila kayang hintaying makarecover muna ito? At.. saan