Pinag isipan pa ni Mrs. Cooper ang isasagot niya. “Matagal na rin. Noong pumasok ako sakanila, wala pa akong thirties. Forty-five na ako ngayon at limang taon nalang, magreretire na ako.” “Ah.. mas matagal sayo si Mrs. Scarlet?” “Oo naman! Ang kwento niya sa akin, si Madam Rosalie daw muna ang inalagaan niya, tapos noong pinanganak na sina Elliot at Shea, siya na rin ang nagpalaki sakanila.”“May kwinento sa akin si Elliot na nangyari noong bata pa siya.” Ilang araw ng iniisip ni Avery ang tungkol dun, at gusto niyang may makausap para mas malinawan siya. “Hindi ko inakala na magiging ganun siya ka depress sa napaka murang edad.” “Anong kwinento niya sayo?” Gulat na gulat na tanong ni Mrs. Cooper. “Hmm lahat.” Tumingin si Avery kay Mrs. Cooper. “Sinabi niya sa akin ang lahat para maintindihan ko siya.” Natigilan si Mrs. Cooper, hindi niya alam kung anong isasagot niya. “Avery, wag ka sanang magalit kay Mr. Foster kung ngayon niya lang nasabi sayo ang totoo. Sobrang hirap ng
Noong sila pa, nakita niya ang lahat ng parte ng katawan ni Elliot at sigurado siya na wala itong kahit anong peklat sa ulo. Ibig sabihin, yung doktor na kwinento ni Mrs. Cooper ay hindi ito inoperahan. Pero paano gumaling si Elliot? May ininom siyang espesyal na gamot? Lahat ng yun ay kontra sa siyensya kaya litong-lito siya. Habang nasa kalagitnaan ng pag iisip, biglang nag ring ang kanyang phone. Nang makita niya ang pangalan ng tumatawag, bigla siyang nahimasmasan. “Adrian.” Hindi niya inaasahan na tatawagan siya ni Adrian. “Avery, kailan mo ako bibisitahin ulit?” Iba sa nakasanayan, medyo malungkot ang boses ni Adrian ngayon. “Anong nangyari? May masakit ba sayo?” Nag aalalang tanong ni Avery. Medyo matagal bago sumagot si Adrian, “Sa tingin ko, ayaw nila sa akin. Ikaw lang naman ang mabait sa akin eh.” “Anong nangyari?” Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Avery. “Adrian, may sinabi ba sila sayo? O may ginawa ba sila sayo?” “Wala… pakiramdam ko lang…” Malungkot na
Lumabas si Elliot para hanapin si Ben. Sakto, papunta rin sakanya si Ben para yayain siyang mag lunch. “Ininvite ka ba ni Avery?” Tanong ni Elliot. “Yung sa birthday party ba yan ng mga bata? Hindi pa!” Nagtatakang sagot ni Ben. “Bakit? Ininvite ka na ba?” Umiling si Elliot. “Okay lang yan. Kalahating buwan pa naman! Siguro naman sasabihan niya tayo mga ilang araw bago ang party.” Confident na sagot ni Ben. “Isa pa, kung hindi ka man niya iinvite, sigurado naman ako na iinvite niya ako lalo na at okay naman na ang lahat sa amin.” Hindi na nakipagtalo si Elliot pero sobrang naguguluhan lang siya. “Hindi naman kami nag away, bakit hindi niya ako iinvite?”“Kahit na hindi kayo nag away, ang laki pa rin ng problema niyo! Tsaka bro! Kahit anong gawin mo, hindi ka naman niya naappreciate kaya hayaan mo na siya!” “Pwede ba? Sobrang walang kwenta ng sinasabi mo.” Naiiritang sagot ni Elliot. Napahiya si Ben kaya natigilan siya ng ilang segundo bago niya baguhin ang topic, “Gusto
Pagtapos, nagmamadaling lumabas ang kliyente. “Miss Tate, papapasukin ko na ba si Elliot?” Tanong ng secretary. Sinilip ni Avery ang kanyang phone. Hindi naman nag message o tumawag sakanya si Elliot. Bakit siya biglang pumunta? May nangyari ba? Sobrang naguguluhan si Avery. Lumabas siya ng meeting room para puntahan si Elliot. Pagkarating niya sa lobby, naabutan niya na kausap nito ang kliyente niyang umalis. Sobra itong yumuko kay Elliot! Nang mapansin ni Elliot si Avery na lumabas ng elevator, napatingin siya kaagad dito. “O siya, Mr. Foster, hindi ko na kayo iistorbohin.” Nang makita ng kliyente na parating si Avery, agad-agad itong nagpaalam kay Elliot. Naglakad si Avery papunta kay Elliot at tinignan ito ng diretso sa mga mata. “Anong kailangan mong sabihin sa akin na dapat sa personal pa?” “Hindi ba ako pwedeng pumunta sa office mo?” Tanong ni Elliot, sabay tingin sa paligid. Nakabantay na ang receptionist at bodyguard sakanya. Malamang kumalat kaagad na duma
Pagbaba ng bintana, tumambad sakanila si Mike na mapang asar na sinabi, “Huy, anong ginagawa niyo dito sa labas? Nag susunbathing? Maglulunch na! Maghanap kaya muna kayo ng restaurant at doon kayo mag away, ang sagwa na dito pa kayo sa tapat ng office nag aaway!”Walang kaemo-emosyon ang mukha ni Avery. “Lunch?” Tanong ni Elliot. “Ayoko!” Sagot ni Avery, sabay talikod at lakad pabalik sa loob ng Tate Industries. Bumusina si Mike kay Elliot at sinabi, “Ilibre mo ako ng lunch!” Hindi interesado si Elliot at aalis na sana siya nang muling magsalita si Mike kaya natigilan siya. “Ilibre mo ako ng lunch para mabilhan ko rin ng pagkain si Avery!” Pumunta sila sa isang restaurant, at umorder kaagad si Mike ng pagkain para kay Avery. Sinulat niya ang number nito para maideliver ng direkta sa Tate Industries. Kumunot ang noo ni Elliot, “Bakit mo binibigay ang number niya?” Tumingin ng masama si Mike, “Palaging nag order si Avery dito!” Hindi nakasagot si Elliot.“Anong tingin
Anong pakielam niya sa iniisip ko?” Hinawi ni Avery ang kamay ni Mike at naiinis na nagpatuloy, “Kailan pa siya nagkaroon ng pakielam sa iniisip at nararamdaman ko?” Nagulat si Mike. “Bakit kaya hindi mo siya tawagan at ikaw mismo ang magtanong niya?” “Bakit ko siya tatawagan? Kung gusto niya talagang malaman kung anong iniisip ko, dapat siya mismo ang magtanong sa akin!”“Oh, gusto mo bang sabihin ko sakanya na tawagan ka?” “Mike, kanino ka ba talaga kampi?” “Tinatanong pa ba yan? Siyempre sayo! Kung sakanya ako kampi, edi sana hindi na siya nahihirapang suyuin ka diba?” Hindi naman pinagdududahan ni Avery ang pagkakaibigan nila ni Mike. “Plano kong sumadlit sa Bridgedale. Mukhang wala namang kailangang asikasuhin sa company at okay naman ang nmga bata.” Sabi ni Avery. “Bakit? Bibisitahin mo ba yung pasyente mo? Isang araw ang byahe mo papunta at pabalik. Malapit na ang birthday party ng mga bata. Gusto mo bang bumyahe pagkatapos nalang?” Nakapag desisyon na si Avery.
Pero pagkatapos na pagkatapos niyang magsalita, may isang malaking kamay ang tumapik sa balikat niya. Bigla siyang natigilan at napalunok. Dahan-dahan siyang tumingin. “Ben, ayaw ni Mr. Foster ng maingay. Shhh.” Sabi ng bodyguard ni Elliot. Sa hindi kalayuan, kitang kita ni Ben si Elliot na nanlilisik ang mga mata sakanya. Hindi niya alam ang gagawi niya! Gusto niyang lumuhod pero hindi siya makagalaw. Kani-kanina lang, kung amu-anong sinasabi niya kay Avery at sa relasyon nito. Narinig kaya ni Elliot ang lahat? Hindi imposible!“Elliot!” Nahihiyang ngumiti si Ben. “Layas!” Sagot ni Elliot. Pagkatapos nun, lumapit ang bodyguard ni Elliot para palabasin si Ben. …Pagkasakay ni Ben sa loob ng sasakyan niya, napahinga nalang siya ng malalim. “Ben.” Biglang nagsalita si Ben sa kabilang linya. Sa sobrang takot niya kay Elliot, nakalimutan niyang ibaba ang tawag kanina. Ibig sabihin… narinig ni Chad ang lahat? Haaaaay! Ano pang mukhang ihaharap niya! “Ano? Tatawanan mo ak
Avery, anong ginagawa mo?” Alam ni Avery na kagigising lang ni Elliot base sa tono ng boses nito. “May kailangan lang akong asikasuhin sa Bridgedale.” Sagot ni Avery habang naglalakad papasok ng boarding. “Maaga pa ah, sinong nagbalita sayo na aalis ako?” Hindi sinagot ni Elliot ang tanong ni Avery. “Malapit na ang birthday ng mga bata. Bakit biglaan naman ata ang pagpunta mo sa Bridgedale?” Kung kagaya ng nakasanayan, maiinis si Avery sa pagtatanong ni Elliot, pero ayaw niyang makipag away ngayon kaya kalamado siyang sumagot tutal nag aalala lang naman sakanya si Elliot at wala naman siyang nakikitang masama dun. “Hindi naman ganun kaimportante. Elliot, private matter na ‘to at hindi ko naman ata kailangang ireport sayo ang lahat ng gagawin ko. Wag kang mag alala, darating ako sa party ng mga bata.” “Hmmm basta okay ka lang.” “Mhm, sige na. Bumalik ka na sa tulog.” Yumuko si Avery at huminga ng malalim. Hindi niya na maalala kung kailan ang huling beses na nag usap sila