“Uncle Eric, pwede ba nating tawagan si Aunt Tammy?” Natatarantang binigay ni Layla ang phone ni Avery kay Eric. “Sige na! Tawagan natin siya!” “May number ako ng Aunt Tammy mo kaya ibalik mo na yang phone ng Mommy mo.”“Paano kapag hindi siya sumagot? Best friends sila ni Mommy kaya kapag ginamit natin ang phone ng Mommy ko, sigurado akong sasagot siya kaagad!” Pagpupumilit ni Layla, sabay unlock ng phone ni Avery. Sa pagkakataong yun,, hindi na natiis ni Eric si Layla at kinuha niya ang phone ni Avery na binibigay nito. Bago niya buksan ang contacts, napansin niya na may unread message si Avery. Gustong gusto niya sanang silipin, pero alam niya rin sa sarili niya na hindi magandang magbasa ng message ng iba kaya hindi niya tinuloy.Pagkatapos niyang hanapin ang number ni Tammy, dinial niya ito at niloud speaker. Agad agad namang sumagot si Tammy. “Aunt Tammy! Ako ‘to!” Sobrang lambing ng boses ni Layla. “Natutulog pa si Mommy. Tinawagan lang kita para tanungin kung okay ka
Sobrang nasaktan si Avery sa narinig niya. Hindi sila para sa isa’t-isa?Talaga bang sinabi yun ni Elliot o si Ben lang ang nagsabi nun?Nakapag desisyon na si Elliot na makipag hiwalay sakanya at yun nga siguro ang dahilan… na nakikita nitong hindi talaga sila para sa isa’t-isa. “Avery, bakit nakatulala ka jan? May nasabi nanaman ba akong mali?” Medyo kinabahan si Mike sa naging reaksyon ni Avery. “Kung hindi ka naniniwala, tanungin mo pa si Chad! Nandoon din siya noong sinabi yun ni Ben.” “Naniniwala ako sayo.” Kinuha ni Avery ang kutsara at tinidor niya, at nagpatuloy, “Sa kanya na rin mismo nanggaling na hindi kami para sa isa’t-isa, wala naman akong magagawa kundi respetuhin ang desisyon niya.“Eh bakit parang malungkot ka? Hindi ka ba galit sakanya? Siya na mismo ang nakipag hiwalay sayo, ayaw mo ba nun?” Minsan talaga, hindi alam ni Mike kung kailan siya hihinto sa pagsasalita. Hindi naman sa dahil hindi pa siya naiinlove noon, pero dahil alam na nga niyang malungkot
Close naman ako sa lahat ng mga kaklase ko. “Hmmm.. Edi iinvite natin silang lahat! Hindi naman kayo ganun karami, diba?” Masayang sumagot si Layla, “Tama! Mas marami, mas masaya!” Noong nakita ni Hayden na sobrang saya ni Layla, ayaw niya namang sirain ang mumento nito. Pagkaalis ni Eric, nag umpisa na sina Avery at Mike na mag lista ng nga magiging bisita nila. “Avery, sigurado ako na gusto ni Chad pumunta. Iinvite din natin si Jun. Kung iinvite natin si Ben, tapos hindi si Elliot, hindi kaya isipin naman ni Elliot na pinagkakaisahan natin siya? Hmmmm bakit kaya wag nalang din nating iinvite si Ben?”Sumakit ang ulo ni Avery. Masaya sana ang okasyong ‘to para sa mga anak niya, pero dahil sa mga nangyari sakanila ni Elliot, sobrang naging kumplikado ng lahat. “Ikaw ng bahala!” Pagkatapos magsalita, tumayo si Avery at pumunta sa mga anak niya. Kinuha naman ni Mike ang kanyang phone para itext si Chad at humingi ng opinyon. [Chad: Ang sabi naman ni Mr. Foster ay ayaw
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Avery. Si Tammy ang tumawag. ‘Akala ko ba okay na sila ni Jun?’ “Tammy, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?” Nagmamadaling bumangon si Avery at kinuha ang kanyang coat. Gusto niyang puntahan si Tammy. “Avery, hin…hin…hindi… natatakot ako…” Humahagulgol na sagot ni Tammy. “Wag kang matakot. Magkasama ba kayo ni Jun? Gusto mo bang puntahan kita?” Hindi mapakali si Avery sa sobrang pag aalala. Mukhang alam niya na ang nangyari. Kagaya ng trauma na nakuha ni Elliot mula sa tatay nito, sigurado siya na malaki din ang naging epekto ng nangyaring pag kidnap noon kay Tammy at kahit anong gawin nila, hindi ito basta-bastang mawawala. Pagkasabing pagkasabi ni Tammy ng ‘Oo’, wala ng sinayang na oras si Avery at nagmamadali siyang lumabas ng kwarto niya. Paglabas niya, nakasalubong niya si Mrs. Cooper, na narinig ang kalabog niya. “Avery, madaling araw na. Saan ka pupunta?” Kahit anong oras pa yan, hindi magdadalawang isip si Avery na puntahan si
[Chad: Magiging okay din ang lahat.][Ben: Kaya mo yan.][Elliot: Tama!][Jun: Maraming salamat sa inyong tatlo, sorang gumaan ang loob ko. Mukhang tumahan na rin si Tammy. ANg galing talaga ni Avery.]Pagkatapos ng message na yun, wala ng nagreply kay Jun. [June: Teka, anong nangyari? Bawal na ba nating pag usapan si Avery? Bakit? Kahit na naghiwalay na sila ni Elliot, kaibigan pa rin naman natin siya, diba?][Chad: Good night.][Ben: Good night.][Elliot: Hmm. @Jun][Jun: O siya. Elliot. Titigan ko muna kung kamusta na si Tammy. Matulog ka na rin.]Pagkatapos isend ni Jun ang huli nuyang message, inilapag niya ang kanyang phone sa center table at bumalik siya sa kwarto nila ni Tammy. Noong buksan niya ang pinto, nakita niya sina Avery at Tammy na nakahiga sa kama at nag uusap habang magkayakap na parang magkapatid.Dahil dun, hindi niya na inistorbo ang dalawa at walang ingay niyang sinarado ang pintuan. Sa sobrang pagkaclose nina Avery at Tammy, kahit pa mas matagal ni
Noong nabasa ni Chad ang message ni Jun, natataranta niya itong tinawagan, “Jun! Idelete mo yung message!” Hindi maintindihan ni Jun kung anong nangyayari. “Bakit? Hindi ko naman binanggit ang pangalan ni Avery ah. Hindi na rin ba natin pwedeng pag usapan sina Layla at Hayden?” “Hindi! Wala kasing balak si Avery na iinvite si Mr. Foster kaya hindi mo pwedeng sabihin yun sa group.” Huminga ng malalim si Chad. “Grabe no?”“Oo! Grabe talaga!” Napakamot nalang ng ulo si Jun. “Pero sa tingin ko, may rason naman si Avery. O sige, idedelete ko na yung message ko.”Binaba ni Jun ang tawag at binura niya ang message na kakasend niya lang. [Ben: Kailan ang birthday nina Hayden at Layla? Dapat magpaparty si Avery pero kung busy siya, ikaw nalang Elliot!]Huli na ang lahat… nakapag reply na si Ben at nakita na rin ni Elliot…[Ben: Bakit mo dinelete ang message mo? @Jun]Hindi nagreply si Jun. [Chad: Ben, ang alam ko magpapaparty talaga si Avery kaya siya na ang bahala dun.][Ben: Oh.
Pinag isipan pa ni Mrs. Cooper ang isasagot niya. “Matagal na rin. Noong pumasok ako sakanila, wala pa akong thirties. Forty-five na ako ngayon at limang taon nalang, magreretire na ako.” “Ah.. mas matagal sayo si Mrs. Scarlet?” “Oo naman! Ang kwento niya sa akin, si Madam Rosalie daw muna ang inalagaan niya, tapos noong pinanganak na sina Elliot at Shea, siya na rin ang nagpalaki sakanila.”“May kwinento sa akin si Elliot na nangyari noong bata pa siya.” Ilang araw ng iniisip ni Avery ang tungkol dun, at gusto niyang may makausap para mas malinawan siya. “Hindi ko inakala na magiging ganun siya ka depress sa napaka murang edad.” “Anong kwinento niya sayo?” Gulat na gulat na tanong ni Mrs. Cooper. “Hmm lahat.” Tumingin si Avery kay Mrs. Cooper. “Sinabi niya sa akin ang lahat para maintindihan ko siya.” Natigilan si Mrs. Cooper, hindi niya alam kung anong isasagot niya. “Avery, wag ka sanang magalit kay Mr. Foster kung ngayon niya lang nasabi sayo ang totoo. Sobrang hirap ng
Noong sila pa, nakita niya ang lahat ng parte ng katawan ni Elliot at sigurado siya na wala itong kahit anong peklat sa ulo. Ibig sabihin, yung doktor na kwinento ni Mrs. Cooper ay hindi ito inoperahan. Pero paano gumaling si Elliot? May ininom siyang espesyal na gamot? Lahat ng yun ay kontra sa siyensya kaya litong-lito siya. Habang nasa kalagitnaan ng pag iisip, biglang nag ring ang kanyang phone. Nang makita niya ang pangalan ng tumatawag, bigla siyang nahimasmasan. “Adrian.” Hindi niya inaasahan na tatawagan siya ni Adrian. “Avery, kailan mo ako bibisitahin ulit?” Iba sa nakasanayan, medyo malungkot ang boses ni Adrian ngayon. “Anong nangyari? May masakit ba sayo?” Nag aalalang tanong ni Avery. Medyo matagal bago sumagot si Adrian, “Sa tingin ko, ayaw nila sa akin. Ikaw lang naman ang mabait sa akin eh.” “Anong nangyari?” Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Avery. “Adrian, may sinabi ba sila sayo? O may ginawa ba sila sayo?” “Wala… pakiramdam ko lang…” Malungkot na