Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Avery. Si Tammy ang tumawag. ‘Akala ko ba okay na sila ni Jun?’ “Tammy, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?” Nagmamadaling bumangon si Avery at kinuha ang kanyang coat. Gusto niyang puntahan si Tammy. “Avery, hin…hin…hindi… natatakot ako…” Humahagulgol na sagot ni Tammy. “Wag kang matakot. Magkasama ba kayo ni Jun? Gusto mo bang puntahan kita?” Hindi mapakali si Avery sa sobrang pag aalala. Mukhang alam niya na ang nangyari. Kagaya ng trauma na nakuha ni Elliot mula sa tatay nito, sigurado siya na malaki din ang naging epekto ng nangyaring pag kidnap noon kay Tammy at kahit anong gawin nila, hindi ito basta-bastang mawawala. Pagkasabing pagkasabi ni Tammy ng ‘Oo’, wala ng sinayang na oras si Avery at nagmamadali siyang lumabas ng kwarto niya. Paglabas niya, nakasalubong niya si Mrs. Cooper, na narinig ang kalabog niya. “Avery, madaling araw na. Saan ka pupunta?” Kahit anong oras pa yan, hindi magdadalawang isip si Avery na puntahan si
[Chad: Magiging okay din ang lahat.][Ben: Kaya mo yan.][Elliot: Tama!][Jun: Maraming salamat sa inyong tatlo, sorang gumaan ang loob ko. Mukhang tumahan na rin si Tammy. ANg galing talaga ni Avery.]Pagkatapos ng message na yun, wala ng nagreply kay Jun. [June: Teka, anong nangyari? Bawal na ba nating pag usapan si Avery? Bakit? Kahit na naghiwalay na sila ni Elliot, kaibigan pa rin naman natin siya, diba?][Chad: Good night.][Ben: Good night.][Elliot: Hmm. @Jun][Jun: O siya. Elliot. Titigan ko muna kung kamusta na si Tammy. Matulog ka na rin.]Pagkatapos isend ni Jun ang huli nuyang message, inilapag niya ang kanyang phone sa center table at bumalik siya sa kwarto nila ni Tammy. Noong buksan niya ang pinto, nakita niya sina Avery at Tammy na nakahiga sa kama at nag uusap habang magkayakap na parang magkapatid.Dahil dun, hindi niya na inistorbo ang dalawa at walang ingay niyang sinarado ang pintuan. Sa sobrang pagkaclose nina Avery at Tammy, kahit pa mas matagal ni
Noong nabasa ni Chad ang message ni Jun, natataranta niya itong tinawagan, “Jun! Idelete mo yung message!” Hindi maintindihan ni Jun kung anong nangyayari. “Bakit? Hindi ko naman binanggit ang pangalan ni Avery ah. Hindi na rin ba natin pwedeng pag usapan sina Layla at Hayden?” “Hindi! Wala kasing balak si Avery na iinvite si Mr. Foster kaya hindi mo pwedeng sabihin yun sa group.” Huminga ng malalim si Chad. “Grabe no?”“Oo! Grabe talaga!” Napakamot nalang ng ulo si Jun. “Pero sa tingin ko, may rason naman si Avery. O sige, idedelete ko na yung message ko.”Binaba ni Jun ang tawag at binura niya ang message na kakasend niya lang. [Ben: Kailan ang birthday nina Hayden at Layla? Dapat magpaparty si Avery pero kung busy siya, ikaw nalang Elliot!]Huli na ang lahat… nakapag reply na si Ben at nakita na rin ni Elliot…[Ben: Bakit mo dinelete ang message mo? @Jun]Hindi nagreply si Jun. [Chad: Ben, ang alam ko magpapaparty talaga si Avery kaya siya na ang bahala dun.][Ben: Oh.
Pinag isipan pa ni Mrs. Cooper ang isasagot niya. “Matagal na rin. Noong pumasok ako sakanila, wala pa akong thirties. Forty-five na ako ngayon at limang taon nalang, magreretire na ako.” “Ah.. mas matagal sayo si Mrs. Scarlet?” “Oo naman! Ang kwento niya sa akin, si Madam Rosalie daw muna ang inalagaan niya, tapos noong pinanganak na sina Elliot at Shea, siya na rin ang nagpalaki sakanila.”“May kwinento sa akin si Elliot na nangyari noong bata pa siya.” Ilang araw ng iniisip ni Avery ang tungkol dun, at gusto niyang may makausap para mas malinawan siya. “Hindi ko inakala na magiging ganun siya ka depress sa napaka murang edad.” “Anong kwinento niya sayo?” Gulat na gulat na tanong ni Mrs. Cooper. “Hmm lahat.” Tumingin si Avery kay Mrs. Cooper. “Sinabi niya sa akin ang lahat para maintindihan ko siya.” Natigilan si Mrs. Cooper, hindi niya alam kung anong isasagot niya. “Avery, wag ka sanang magalit kay Mr. Foster kung ngayon niya lang nasabi sayo ang totoo. Sobrang hirap ng
Noong sila pa, nakita niya ang lahat ng parte ng katawan ni Elliot at sigurado siya na wala itong kahit anong peklat sa ulo. Ibig sabihin, yung doktor na kwinento ni Mrs. Cooper ay hindi ito inoperahan. Pero paano gumaling si Elliot? May ininom siyang espesyal na gamot? Lahat ng yun ay kontra sa siyensya kaya litong-lito siya. Habang nasa kalagitnaan ng pag iisip, biglang nag ring ang kanyang phone. Nang makita niya ang pangalan ng tumatawag, bigla siyang nahimasmasan. “Adrian.” Hindi niya inaasahan na tatawagan siya ni Adrian. “Avery, kailan mo ako bibisitahin ulit?” Iba sa nakasanayan, medyo malungkot ang boses ni Adrian ngayon. “Anong nangyari? May masakit ba sayo?” Nag aalalang tanong ni Avery. Medyo matagal bago sumagot si Adrian, “Sa tingin ko, ayaw nila sa akin. Ikaw lang naman ang mabait sa akin eh.” “Anong nangyari?” Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Avery. “Adrian, may sinabi ba sila sayo? O may ginawa ba sila sayo?” “Wala… pakiramdam ko lang…” Malungkot na
Lumabas si Elliot para hanapin si Ben. Sakto, papunta rin sakanya si Ben para yayain siyang mag lunch. “Ininvite ka ba ni Avery?” Tanong ni Elliot. “Yung sa birthday party ba yan ng mga bata? Hindi pa!” Nagtatakang sagot ni Ben. “Bakit? Ininvite ka na ba?” Umiling si Elliot. “Okay lang yan. Kalahating buwan pa naman! Siguro naman sasabihan niya tayo mga ilang araw bago ang party.” Confident na sagot ni Ben. “Isa pa, kung hindi ka man niya iinvite, sigurado naman ako na iinvite niya ako lalo na at okay naman na ang lahat sa amin.” Hindi na nakipagtalo si Elliot pero sobrang naguguluhan lang siya. “Hindi naman kami nag away, bakit hindi niya ako iinvite?”“Kahit na hindi kayo nag away, ang laki pa rin ng problema niyo! Tsaka bro! Kahit anong gawin mo, hindi ka naman niya naappreciate kaya hayaan mo na siya!” “Pwede ba? Sobrang walang kwenta ng sinasabi mo.” Naiiritang sagot ni Elliot. Napahiya si Ben kaya natigilan siya ng ilang segundo bago niya baguhin ang topic, “Gusto
Pagtapos, nagmamadaling lumabas ang kliyente. “Miss Tate, papapasukin ko na ba si Elliot?” Tanong ng secretary. Sinilip ni Avery ang kanyang phone. Hindi naman nag message o tumawag sakanya si Elliot. Bakit siya biglang pumunta? May nangyari ba? Sobrang naguguluhan si Avery. Lumabas siya ng meeting room para puntahan si Elliot. Pagkarating niya sa lobby, naabutan niya na kausap nito ang kliyente niyang umalis. Sobra itong yumuko kay Elliot! Nang mapansin ni Elliot si Avery na lumabas ng elevator, napatingin siya kaagad dito. “O siya, Mr. Foster, hindi ko na kayo iistorbohin.” Nang makita ng kliyente na parating si Avery, agad-agad itong nagpaalam kay Elliot. Naglakad si Avery papunta kay Elliot at tinignan ito ng diretso sa mga mata. “Anong kailangan mong sabihin sa akin na dapat sa personal pa?” “Hindi ba ako pwedeng pumunta sa office mo?” Tanong ni Elliot, sabay tingin sa paligid. Nakabantay na ang receptionist at bodyguard sakanya. Malamang kumalat kaagad na duma
Pagbaba ng bintana, tumambad sakanila si Mike na mapang asar na sinabi, “Huy, anong ginagawa niyo dito sa labas? Nag susunbathing? Maglulunch na! Maghanap kaya muna kayo ng restaurant at doon kayo mag away, ang sagwa na dito pa kayo sa tapat ng office nag aaway!”Walang kaemo-emosyon ang mukha ni Avery. “Lunch?” Tanong ni Elliot. “Ayoko!” Sagot ni Avery, sabay talikod at lakad pabalik sa loob ng Tate Industries. Bumusina si Mike kay Elliot at sinabi, “Ilibre mo ako ng lunch!” Hindi interesado si Elliot at aalis na sana siya nang muling magsalita si Mike kaya natigilan siya. “Ilibre mo ako ng lunch para mabilhan ko rin ng pagkain si Avery!” Pumunta sila sa isang restaurant, at umorder kaagad si Mike ng pagkain para kay Avery. Sinulat niya ang number nito para maideliver ng direkta sa Tate Industries. Kumunot ang noo ni Elliot, “Bakit mo binibigay ang number niya?” Tumingin ng masama si Mike, “Palaging nag order si Avery dito!” Hindi nakasagot si Elliot.“Anong tingin