“Wala yun.” Habang tinitignan ni Elliot ang sobrang putlang mukha ni Zoe, naawa siya. “Sige na, magpahinga ka na. Bibisitahin nalang ulit kita bukas.”"Okay."Habnag palabas ng ospital, tinanong ni Elliot ang bodyguard, “Nasaan na ang namatay na baby?”“Dinala po ng tatay ni Zoe sa crematoprium para ipacremate.”Nagulat si Elliot. Gusto niya sanang ipapaternity test ito, pero paano niya pa ito magagawa ngayon?“Galit na galit si Mr. Sanford. Gusto ko sana siyang tulungan pero sa tingin ko akala niya kukunin ko sakanya ang baby kaya inaway niya ako.”Kumunot ang noo ni Elliot pero hindi na siya sumagot at sumakay nalang sakanyang sasakyan. Kinabukasan, maagang pinapunta ni Elliot ang kanilang family doctor. Buong gabing gising si Elliot kaya namamaga ang kanyang mga mata. “Mr. Foster, nabalitaan ko po na nakunan daw si Miss Sanford. Bata pa naman po kayo pareho… sigurado ako na magkaka anak pa po kayo.” Pampalubag loob na sabi ng doktor. “Hindi yan ang dahilan kung bakit k
“Mr. Foster, naalala ko na pinalakadkad mo noon sa bodyguard mo si Avery para ipalaglag an baby nito, diba?” Tanong ng doktor. “Oo at sinabi ng bodyguard ko na siya mismo ang naghatid kay Avery sa operating room.” Tinanong din ni Elliot kanina ang bodyguard na yun, pero hindi nagbago ang sagot nito. “Ang sabi pa nga niya ay ninilinan siya ng doktor sa kung anong mga dapat gawin matapos ang procedure.”“Edi wala na nga siguro talaga ang baby niyo. Yun din siguro ang rason kung bakit nag ampon siya ng kamukha mo kasi nakikita niya sa batang yun ang anak niyo.”‘Hindi kaya yun ang dahilan kung bakit galit na galit sa akin si Avery?’ Isip ni Elliot.…Sa master’s bedroom sa Starry River, sabay-sabay na tinitigan nina Mike at ng kambal si Avery na natutulog.Tinawagan ito ni Mike ng bandang ala una ng madaling araw pero hindi ito sumagot. Wala siyang ideya kung anong oras ito nakauwi.“May mga lamok ba dito sa bahay?” Inosenteng tanong ni Layla. “Parang hindi naman yan kagat ng la
Sinilip nila ang surveillance camera, at nakita nila ang isang babae na mukhang mayaman na nakatayo sa labas. Agad na nakilala ni Hayden ang babae, “Yan ang nanay ng walang kwenta nating babae!” “Oh, so lola natin.” Sagot ni Layla. “Wag mo siyang tawaging lola! Sigurado ako na nadito siya para awayin ang Mommy natin!” “Hmph! Hindi ako papayag na awayin niya si Mommy! Kailangan natin siyang paalisin.”Nagmamadaling tumakbo si Hayden para hanapin ang kanyang drone, sumunod din sakanya si Layla. Nakasimangot si Rosalie habang naghihintay na pagbuksan siya ni Avery.Hindi siya nakatulog buong magdamag at hindi talaga siya mapakali kaya ngayong umaga ay napag desisyunan niyang puntahan si Avery para awayin ito.May narinig siya na tunog ng parang sa makina. Nang tumingin siya sa taas, sumalubong sakanya nag isnag drone. Iniisip niya palang kung ano ito nang may pulang parang tubig ang bumuhos mula rito. Nang sandaling pumataki ito sa mamahalin nuiyang jacket, nagsisigaw siya
“Imposibleng maging sobrang kamukha sila kung hindi sila magkaano ano. Malakas ang pakiramdam ko na apo ko ang batang yun! Ganun na ganun talaga ang itsura ni Elliot noong bata. Tignan mo ang mga mata nila, parehas ng akin!” “Pero mukhang hindi naman po pinagsususpetyahan ni Master Elliot ang bata?”“Mas kilala ko si Elliot kaysa kilala niya ang sarili niya! Malamang hindi niya alam kung anong itsura niya noong bata, pero ako… hindi ko makakalimutan yun kaya hindi ako pwedeng magkmali!”“Tama po kayo! Ano pong plano niyong gawin?”Biglang nagningning ang mga mata ni Rosalie, “Kailangan kong malaman kung si Elliot ba talaga ang tatay ng batang yun. Kailangan ko ng DNA test!” “Ahh… ibig sanihin… kakailanganin niyo po ng buhok o ng dugo ng batang yun para sa DNA test…“When there’s a will, there’s a way.” Confident na sagot ni Rosalie. “Sasabihin ko ‘to kay Elliot kapag nasa akin na ang resulta.”Habang nasa ospital, nagbbrowse si Zoe sa internet ng mga balita. Dahil nakunan si
Gusto lang naman sanang takutin ni Hayden si Zoe pero dahil nagtanong ito ng presyo naisip niya na magandang ideya kung iiscam niya na ito ng tuloy-tuloy. Alam niyang naghiwalay na sina Zoe at Elliot, at patay na rin ang bata kaya hindi rin masyadong maapektuhan si Elliot. “Bakit niyo ginawa yun?” Pagkatapos uminom ni AVery ng tubig, dumiretso siya sa kwaryo ng mga bata para pagalitan ang mga ito. “Kahit gaano pa kayo kagalit sa isang tao, dapat hindi nito ginagawa yun. Matanda na siya, paano kung magkasakit siya dahil sa ginawa niyo?” “Kaya mo naman siyang pagalingin, diba Mommy?” Inosenteng sagot ni Layla. Hindi ako miracle-worker! Hindi ko kayang pagalingin ang lahat ng sakit sa mundo!”“Pero hindi po siya nagkasakit at sinisigawan ka niya Mommy, hindi namin kayang tiisin na makitang may nangaaway sayo!”Biglang lumambot ang puso ni Avery dahil sa sinabi ni Layla. “Anak, hindi niya ako inaaway. Hindi naman basta-bastahin Mommy niyo eh!” Pagpapanatag ni Avery sa mga anak.
Nakapwesto ang nail salon sa loob ng isang boutique ng isang mamahaloing brand. Ang alam ni Avery ay brand ito ng mga handbag at damit kaya natuwa siya na malamang pinasok na pala nito ang salon business. “Avery! Ikakasal na kami ni Jun sa May!” Masayang sabi niu Tammy. “Ikaw ang maid of honor ko at ang mga baby mo ang ring bearer ko!” “Pwede mong kuning ring bearer ang mga anak ko pero, pero… maghanap ka nalang ng ibang maid of honor…”Isa siyang diboryadang single mom kaya hindi na siya pwedeng maging maid od honor.“Sinabi ko na ang tungkol jan sa mga magulang ko at kay Jun! Wala naman silang problema.” Hinila ni Tammy si Avery at pinaupo sa tabi niya, “Halika, kumuha tayo ng matchy mails!” “Gusto ko yang matchy nails, pero Tammy… Hindi talaga ako pwedeng maging maid of honor mo. Ayokong matulad kayo sa akin ni Jun… Gusto kong maging masaya kayo.” Yumuko si Avery. “Masaya naman ako pero gusto ko maging mas masaya ka.”Biglang nawala ang abot-tengang ngiti ni Tammy. Nasasakt
Naghiwalay na ang dalawa noon pero nakipag balikan si Richard matapos ibenta ni Wanda ang lahat ng property nito sa ibang basa sa halagang four hundred fifty million. “Sanford, nabalitaan ko na binigyan ni Elliot ang anak mo ng one hundred fifty five million dollars. Tama ba ang ang narinig ko?” Sinadya ni Wanda na lakasan ang boses niya para marnig ni Avery.Nang makita ni Richard si Avery, sumagot din ito ng malakas na halatang proud na proud, “Oo! Kahapon.”“Bakit kaya hindi mo sabihin sa anak mo na mag’invest sa akin? Kayang kaya kong triplehin ang one hundred fifty million dollars niya!” Abot-tenga ang ngiti ni Wanda. “Magandang ideya yan! Sige, itatanong ko saknaya mamaya pag uwi ko! Alam mo naman yung anak ko na yun, mahal na mahal at sobrang hinahangaan ka. Sobrang suportado niya nga sa atin eh.”Tinignan ni Wanda si Avery mula ulo hanggang paa. “Nagbalik na ako, Avery.”Huminto si Avery at tinigan din si Wanda ng diretso sa mga mata. “Edi maganda. Ipapahanap pa rin na
Nakakapanibago itong tignan dahil nakasuot ito ng kulay light brown na coat, malayong malayo sa nakasanayan na palagi itong naka kulay itim.Nanggigigil si Tammy sa kanyang kinauupuan at nanlilisik ang mga mata niya habang nakatitig kay Elliot na naglalakad papalapit sakanila. Gustong gusto niya itong suntukin sa mukha. Hindi na kailangang itanong dahil sigurado siya na si Jun ang nagyaya dito.Nang makita ni Avery si Elliot, agad-agad siyang umiwas ng tingin. Malinaw pa sa isip niya ang ginawa nito sakanya kagabi. Natatakot pa rin siya rito pero alam niyang hindi siya magagalaw nito ngayon dahil may mga ibang tao silang kasama. Ang iniisip ni Elliot noon ay siya ang may utang kay Avery kaya nahihiya siyang magpakita rito, pero ngayong malinaw na si Avery ang may utang sakanya, wala ng hiya-hiya.Pagkarating ni Jun kay Tammy, kinurot niya kaagad ang kanyang boyfriend. Dinilatan ni Jun si Tammy, sabay iling na para bang sinasabi niya na ‘Wala akong kasalanan! Hindi ko siya niya