Nakapwesto ang nail salon sa loob ng isang boutique ng isang mamahaloing brand. Ang alam ni Avery ay brand ito ng mga handbag at damit kaya natuwa siya na malamang pinasok na pala nito ang salon business. “Avery! Ikakasal na kami ni Jun sa May!” Masayang sabi niu Tammy. “Ikaw ang maid of honor ko at ang mga baby mo ang ring bearer ko!” “Pwede mong kuning ring bearer ang mga anak ko pero, pero… maghanap ka nalang ng ibang maid of honor…”Isa siyang diboryadang single mom kaya hindi na siya pwedeng maging maid od honor.“Sinabi ko na ang tungkol jan sa mga magulang ko at kay Jun! Wala naman silang problema.” Hinila ni Tammy si Avery at pinaupo sa tabi niya, “Halika, kumuha tayo ng matchy mails!” “Gusto ko yang matchy nails, pero Tammy… Hindi talaga ako pwedeng maging maid of honor mo. Ayokong matulad kayo sa akin ni Jun… Gusto kong maging masaya kayo.” Yumuko si Avery. “Masaya naman ako pero gusto ko maging mas masaya ka.”Biglang nawala ang abot-tengang ngiti ni Tammy. Nasasakt
Naghiwalay na ang dalawa noon pero nakipag balikan si Richard matapos ibenta ni Wanda ang lahat ng property nito sa ibang basa sa halagang four hundred fifty million. “Sanford, nabalitaan ko na binigyan ni Elliot ang anak mo ng one hundred fifty five million dollars. Tama ba ang ang narinig ko?” Sinadya ni Wanda na lakasan ang boses niya para marnig ni Avery.Nang makita ni Richard si Avery, sumagot din ito ng malakas na halatang proud na proud, “Oo! Kahapon.”“Bakit kaya hindi mo sabihin sa anak mo na mag’invest sa akin? Kayang kaya kong triplehin ang one hundred fifty million dollars niya!” Abot-tenga ang ngiti ni Wanda. “Magandang ideya yan! Sige, itatanong ko saknaya mamaya pag uwi ko! Alam mo naman yung anak ko na yun, mahal na mahal at sobrang hinahangaan ka. Sobrang suportado niya nga sa atin eh.”Tinignan ni Wanda si Avery mula ulo hanggang paa. “Nagbalik na ako, Avery.”Huminto si Avery at tinigan din si Wanda ng diretso sa mga mata. “Edi maganda. Ipapahanap pa rin na
Nakakapanibago itong tignan dahil nakasuot ito ng kulay light brown na coat, malayong malayo sa nakasanayan na palagi itong naka kulay itim.Nanggigigil si Tammy sa kanyang kinauupuan at nanlilisik ang mga mata niya habang nakatitig kay Elliot na naglalakad papalapit sakanila. Gustong gusto niya itong suntukin sa mukha. Hindi na kailangang itanong dahil sigurado siya na si Jun ang nagyaya dito.Nang makita ni Avery si Elliot, agad-agad siyang umiwas ng tingin. Malinaw pa sa isip niya ang ginawa nito sakanya kagabi. Natatakot pa rin siya rito pero alam niyang hindi siya magagalaw nito ngayon dahil may mga ibang tao silang kasama. Ang iniisip ni Elliot noon ay siya ang may utang kay Avery kaya nahihiya siyang magpakita rito, pero ngayong malinaw na si Avery ang may utang sakanya, wala ng hiya-hiya.Pagkarating ni Jun kay Tammy, kinurot niya kaagad ang kanyang boyfriend. Dinilatan ni Jun si Tammy, sabay iling na para bang sinasabi niya na ‘Wala akong kasalanan! Hindi ko siya niya
Kinuha ni Chad ang pangsipit para kumuha ng barbeque at binusalsal sa bibig ni Mike nang hindi ito makapagsalita. Pagkatapos ay lumapit siya kina Tammy at Jun para tulungan ang mga ito na buhatin ang mga bote. “Uy, mamahalin ‘tong mga ‘to ah! Wag mong sabihin na ninakaw mo ‘to sa tatay mo?”“Anong sinasabi mong ninakaw? Paano naman naging pagnanakaw yun kung doon naman ako nakatira?” Isa-isang binuksan ni Jun ang mga bote.Nagdala si Chad ng isang bote para kay Mike at nilagyan niya rin ang baso ni Elliot. Kahit si Wesley na hindi umiinom ay napakuha na rin ng wine glass.“Masaya tayo ngayon kaya iinom ako kahit papaano.”“Good mood ka ba ngayon, Mr. Brook?” Nilagyan ni Tammy ng wine ng baso ni Wesley at tumingin kay Avery, “Avery, gusto mo?” Umiling si Avery. “Aasikasuhin ko pa ang mga bata. Sige na, mag enjoy lang kayo.”“Sige! Ako ng bahala dito sa unwelcomed guess mo!” Pasaring ni Tammy bago siya umupo sa tabi ni Elliot. “Mr. Foster, bakit nga pala hindi mo sinasamahan an
Tinignan ni Hyden si Elliot, sakto nakatingin din ito sakanila.Parehong nanlilisik ang mga mata habang magkatitigan ang mag ama. Inirapan ni Hayden si Elliot at sumagot,, “Layla, hindi niya kakainin kahit anong ibigay natin sakanya.”“Haaay… Hayden, bakit kaya siya nandito?” Malalim ang galit ni Layla kay Elliot pero hindi niya mapigilan ang sarili niya na maya’t-maya itong tignan.“Hindi ko alam. Tapos ka na bang kumain?”Umiling si Layla. “Hinintay ko pa yung tomato sauce na kinuha ni Mommy.”Sakto, lumabas din si Avery noong oras na yun na may dalang isang bote ng ketchup.Lumapit si Tammy kay Avery at bumulong, “Avery, may laxative ka ba jan?”Umiling si Avery. “Bakit?”Kwinento ni Tammy ang lahat ng nangyari noong wala ito. “Tawang tawa ako kanina. Kung nakita mo lang yung itsura ni Elliot. Hahahaha! Parang gusto na niyang sumabog pero hindi niya magawa… Sobrang cute talaga ng Layla natin! Sino ba namang kayang magalit sakanya?”Hindi nakapagsalita si Avery. Kaya nam
“Ikaw ba?” Hinawakan ni Elliot ang braso ni Avery at tinulak ito sa kama. “Mukhang masaya ka naman ngayong araw kaya nga ininvite mo ang mga kaibigan mo para mag barbeque diba? Wag mong sabihing napagod ka dahil sa akin?” Isa-isang tinanggal ni Elliot ang butones ng damit ni Avery.Hinawakan ni Avery ang kamay nito at nanlilisik ang kanyang mga mata. “Elliot, wag mo ‘tong gawin dito sa pamamahay ko!”“Bakit naman wag?” Hindi na hinintay ni Elliot na makasagot si Avery at nagpatuloy siya, “Bakit hindi natin pwedeng gawin dito sa bahay mo? Dahil ba may ibang lalaki ng gumawa sayo nito dito sa kama mo?” Tinulak ni Avery ng malakas si Elliot. “Kasi madumi ka!” Natigilan si Elliot.Iniisip ni Avery na madumi si Elliot dahil may nangyari rito at kay Zoe.Tumakbo siya papunta sa pintuan at binuksan ito para palabasin si Elliot. Lumapit si Elliot at muling sinarado ang pintuan. “Ikaw ba hindi? Diba nabuntis ka ng ibang lalaki noon?” Nilock ni Elliot ang pintuan at binuhat si Avery.
“Mommy!” “Mommy!” Binasag ng matining na sigaw ng dalawang bata ang katahimikan sa buong bahay. Sa loob ng master’s bedroom, nang marinig ni Avery ang sigaw ng mga anak niya, bigla siyang kinabahan. Sinubukan niyang hawiin si Elliot, na nasa ibabaw niya, pero hindi ito pumayag.“Elliot Foster! Bitawan mo ako!” Naiiyak na si Avery dahil nadedesperado na siyang makawala mula kay Elliot. Pero lalo lang hinigpitan ni Elliot ang pagkakahawak niya sa kamay ni Avery. “Hindi pa ako tapos.” Bulong ni Elliot na halatang nang aasar. “Sa tingin mo ba may kailangan talaga sila sayo?”“Wala akong pakielam kung bakit nila ako hinahanap, ang mahalaga sa akin ay tinatawag nila ako kasi kailangan nila ako!” Nagpumiglas si Avery habang walang tigil na tumutulo ang luha mula sakanyang mga mata.Pero hindi natitinag si Elliot. Hinawakan niya ng mas mahigpit si Avery at wala siyang balak na pakawalan ito.Tuloy-tuloy na tumulo ang mga luha ni Avery, at nabakas mula sakanyang mga mata ang mati
Kahit nakapatay na ang mga ilaw, nakikita pa rin ni Elliot na umiiyak si Avery. Oo, nasarapan siya sa ginawa niya pero… parang sinasaksak ang puso niya sa bawat hikbi nito.Mas nasasaktan siya kapag tahimik ito kaysa sinisigawan at inaaway siya. Nakatitig siya kay Avery habang nakatalikod ito sakanya. Medyo nag alangan pa siya noong una pero bandang huli ay hinila niya ito papalapit sakanya at niyakap ng mahigpit. Muli, nagpumiglas si Avery. “Bitawan mo ako!” “Hindi!” Niyakap ni Elliot ng mas mahigpit si Avery at pinatong niya ang kanyang baba sa balikat nito. “Dito lang ako, hindi ako aalis.”Sa sobrang higpit ng yakap ni Elliot, pakiramdam ni Avery ay nakatali siya at hindi siya makagalaw. Kumpara noong nakaraan, medyo mas kalmado si Elliot ngayon.‘Sino ba ang nag sabing siya ang masusunod kung uuwi siya o hindi? Kahit kailan, hindi naman talaga mahalaga para sakanya ang nararamdaman ko kaya may choice pa ba ako?!’ Isip ni Avery.Kinabukasan, nagising si Avery ng alas si