Sinilip nila ang surveillance camera, at nakita nila ang isang babae na mukhang mayaman na nakatayo sa labas. Agad na nakilala ni Hayden ang babae, “Yan ang nanay ng walang kwenta nating babae!” “Oh, so lola natin.” Sagot ni Layla. “Wag mo siyang tawaging lola! Sigurado ako na nadito siya para awayin ang Mommy natin!” “Hmph! Hindi ako papayag na awayin niya si Mommy! Kailangan natin siyang paalisin.”Nagmamadaling tumakbo si Hayden para hanapin ang kanyang drone, sumunod din sakanya si Layla. Nakasimangot si Rosalie habang naghihintay na pagbuksan siya ni Avery.Hindi siya nakatulog buong magdamag at hindi talaga siya mapakali kaya ngayong umaga ay napag desisyunan niyang puntahan si Avery para awayin ito.May narinig siya na tunog ng parang sa makina. Nang tumingin siya sa taas, sumalubong sakanya nag isnag drone. Iniisip niya palang kung ano ito nang may pulang parang tubig ang bumuhos mula rito. Nang sandaling pumataki ito sa mamahalin nuiyang jacket, nagsisigaw siya
“Imposibleng maging sobrang kamukha sila kung hindi sila magkaano ano. Malakas ang pakiramdam ko na apo ko ang batang yun! Ganun na ganun talaga ang itsura ni Elliot noong bata. Tignan mo ang mga mata nila, parehas ng akin!” “Pero mukhang hindi naman po pinagsususpetyahan ni Master Elliot ang bata?”“Mas kilala ko si Elliot kaysa kilala niya ang sarili niya! Malamang hindi niya alam kung anong itsura niya noong bata, pero ako… hindi ko makakalimutan yun kaya hindi ako pwedeng magkmali!”“Tama po kayo! Ano pong plano niyong gawin?”Biglang nagningning ang mga mata ni Rosalie, “Kailangan kong malaman kung si Elliot ba talaga ang tatay ng batang yun. Kailangan ko ng DNA test!” “Ahh… ibig sanihin… kakailanganin niyo po ng buhok o ng dugo ng batang yun para sa DNA test…“When there’s a will, there’s a way.” Confident na sagot ni Rosalie. “Sasabihin ko ‘to kay Elliot kapag nasa akin na ang resulta.”Habang nasa ospital, nagbbrowse si Zoe sa internet ng mga balita. Dahil nakunan si
Gusto lang naman sanang takutin ni Hayden si Zoe pero dahil nagtanong ito ng presyo naisip niya na magandang ideya kung iiscam niya na ito ng tuloy-tuloy. Alam niyang naghiwalay na sina Zoe at Elliot, at patay na rin ang bata kaya hindi rin masyadong maapektuhan si Elliot. “Bakit niyo ginawa yun?” Pagkatapos uminom ni AVery ng tubig, dumiretso siya sa kwaryo ng mga bata para pagalitan ang mga ito. “Kahit gaano pa kayo kagalit sa isang tao, dapat hindi nito ginagawa yun. Matanda na siya, paano kung magkasakit siya dahil sa ginawa niyo?” “Kaya mo naman siyang pagalingin, diba Mommy?” Inosenteng sagot ni Layla. Hindi ako miracle-worker! Hindi ko kayang pagalingin ang lahat ng sakit sa mundo!”“Pero hindi po siya nagkasakit at sinisigawan ka niya Mommy, hindi namin kayang tiisin na makitang may nangaaway sayo!”Biglang lumambot ang puso ni Avery dahil sa sinabi ni Layla. “Anak, hindi niya ako inaaway. Hindi naman basta-bastahin Mommy niyo eh!” Pagpapanatag ni Avery sa mga anak.
Nakapwesto ang nail salon sa loob ng isang boutique ng isang mamahaloing brand. Ang alam ni Avery ay brand ito ng mga handbag at damit kaya natuwa siya na malamang pinasok na pala nito ang salon business. “Avery! Ikakasal na kami ni Jun sa May!” Masayang sabi niu Tammy. “Ikaw ang maid of honor ko at ang mga baby mo ang ring bearer ko!” “Pwede mong kuning ring bearer ang mga anak ko pero, pero… maghanap ka nalang ng ibang maid of honor…”Isa siyang diboryadang single mom kaya hindi na siya pwedeng maging maid od honor.“Sinabi ko na ang tungkol jan sa mga magulang ko at kay Jun! Wala naman silang problema.” Hinila ni Tammy si Avery at pinaupo sa tabi niya, “Halika, kumuha tayo ng matchy mails!” “Gusto ko yang matchy nails, pero Tammy… Hindi talaga ako pwedeng maging maid of honor mo. Ayokong matulad kayo sa akin ni Jun… Gusto kong maging masaya kayo.” Yumuko si Avery. “Masaya naman ako pero gusto ko maging mas masaya ka.”Biglang nawala ang abot-tengang ngiti ni Tammy. Nasasakt
Naghiwalay na ang dalawa noon pero nakipag balikan si Richard matapos ibenta ni Wanda ang lahat ng property nito sa ibang basa sa halagang four hundred fifty million. “Sanford, nabalitaan ko na binigyan ni Elliot ang anak mo ng one hundred fifty five million dollars. Tama ba ang ang narinig ko?” Sinadya ni Wanda na lakasan ang boses niya para marnig ni Avery.Nang makita ni Richard si Avery, sumagot din ito ng malakas na halatang proud na proud, “Oo! Kahapon.”“Bakit kaya hindi mo sabihin sa anak mo na mag’invest sa akin? Kayang kaya kong triplehin ang one hundred fifty million dollars niya!” Abot-tenga ang ngiti ni Wanda. “Magandang ideya yan! Sige, itatanong ko saknaya mamaya pag uwi ko! Alam mo naman yung anak ko na yun, mahal na mahal at sobrang hinahangaan ka. Sobrang suportado niya nga sa atin eh.”Tinignan ni Wanda si Avery mula ulo hanggang paa. “Nagbalik na ako, Avery.”Huminto si Avery at tinigan din si Wanda ng diretso sa mga mata. “Edi maganda. Ipapahanap pa rin na
Nakakapanibago itong tignan dahil nakasuot ito ng kulay light brown na coat, malayong malayo sa nakasanayan na palagi itong naka kulay itim.Nanggigigil si Tammy sa kanyang kinauupuan at nanlilisik ang mga mata niya habang nakatitig kay Elliot na naglalakad papalapit sakanila. Gustong gusto niya itong suntukin sa mukha. Hindi na kailangang itanong dahil sigurado siya na si Jun ang nagyaya dito.Nang makita ni Avery si Elliot, agad-agad siyang umiwas ng tingin. Malinaw pa sa isip niya ang ginawa nito sakanya kagabi. Natatakot pa rin siya rito pero alam niyang hindi siya magagalaw nito ngayon dahil may mga ibang tao silang kasama. Ang iniisip ni Elliot noon ay siya ang may utang kay Avery kaya nahihiya siyang magpakita rito, pero ngayong malinaw na si Avery ang may utang sakanya, wala ng hiya-hiya.Pagkarating ni Jun kay Tammy, kinurot niya kaagad ang kanyang boyfriend. Dinilatan ni Jun si Tammy, sabay iling na para bang sinasabi niya na ‘Wala akong kasalanan! Hindi ko siya niya
Kinuha ni Chad ang pangsipit para kumuha ng barbeque at binusalsal sa bibig ni Mike nang hindi ito makapagsalita. Pagkatapos ay lumapit siya kina Tammy at Jun para tulungan ang mga ito na buhatin ang mga bote. “Uy, mamahalin ‘tong mga ‘to ah! Wag mong sabihin na ninakaw mo ‘to sa tatay mo?”“Anong sinasabi mong ninakaw? Paano naman naging pagnanakaw yun kung doon naman ako nakatira?” Isa-isang binuksan ni Jun ang mga bote.Nagdala si Chad ng isang bote para kay Mike at nilagyan niya rin ang baso ni Elliot. Kahit si Wesley na hindi umiinom ay napakuha na rin ng wine glass.“Masaya tayo ngayon kaya iinom ako kahit papaano.”“Good mood ka ba ngayon, Mr. Brook?” Nilagyan ni Tammy ng wine ng baso ni Wesley at tumingin kay Avery, “Avery, gusto mo?” Umiling si Avery. “Aasikasuhin ko pa ang mga bata. Sige na, mag enjoy lang kayo.”“Sige! Ako ng bahala dito sa unwelcomed guess mo!” Pasaring ni Tammy bago siya umupo sa tabi ni Elliot. “Mr. Foster, bakit nga pala hindi mo sinasamahan an
Tinignan ni Hyden si Elliot, sakto nakatingin din ito sakanila.Parehong nanlilisik ang mga mata habang magkatitigan ang mag ama. Inirapan ni Hayden si Elliot at sumagot,, “Layla, hindi niya kakainin kahit anong ibigay natin sakanya.”“Haaay… Hayden, bakit kaya siya nandito?” Malalim ang galit ni Layla kay Elliot pero hindi niya mapigilan ang sarili niya na maya’t-maya itong tignan.“Hindi ko alam. Tapos ka na bang kumain?”Umiling si Layla. “Hinintay ko pa yung tomato sauce na kinuha ni Mommy.”Sakto, lumabas din si Avery noong oras na yun na may dalang isang bote ng ketchup.Lumapit si Tammy kay Avery at bumulong, “Avery, may laxative ka ba jan?”Umiling si Avery. “Bakit?”Kwinento ni Tammy ang lahat ng nangyari noong wala ito. “Tawang tawa ako kanina. Kung nakita mo lang yung itsura ni Elliot. Hahahaha! Parang gusto na niyang sumabog pero hindi niya magawa… Sobrang cute talaga ng Layla natin! Sino ba namang kayang magalit sakanya?”Hindi nakapagsalita si Avery. Kaya nam