“Mas maganda siguro kung wag ka na munang pumunta. Sa pagkakaalam ko nandoon din si Shea, baka magkagulo lang.” Nag’aalalang sabi ni Tammy. “Ano bang nangyari kay Elliot? Sabi ni Jun, hindi naman daw tungkol sa trabaho. Hindi ba tungkol sa inyo yun?” Umupo si Avery at huminga ng malalim, “Masyado mo naman ata akong na overestimate, Tammy. Ni hindi nga siya umiyak noong nag divorce kami kaya sa tingin ko hindi naman ako ganun ka importante sakanya.” “Eh anong nangyari? Mas lalo naman sigurong hindi yun dahil kay Zoe diba?” Hindi maisip ni Tammy kung ano ang posibleng dahilan. “Balita ko pa napapadalas daw ang pagpunta niya sa mansyon ng mommy niya. Nako… yung matandang yun, sobrang galinv mag imbento ng kwento.”Parang nasasanay na si Avery sa tuwing naririnig niya ang pangalan ni Zoe na nakafugtong sa pangalan ni Elliot. Kung noon, nasasaktan siya, ngayon parang wala nalang… Siguro tanggap niya ng hindi talaga sila para sa isa’t-isa, at kung darating man ang araw na ikakasal ang
“Ano Chad? Ang ganda ng drone namin no?” Tanong ni Mike sabay kagat sa mansanas na hawak niya. Tinignan ni Chad si Mike. Noong una, may halong inis pero habang tinititigan niya ito, narealize niya na hindi naman pala ito sobrang sama kagaya ng iniisip niya. ‘Infairness… gwapo siya ah.’“Sakto lang. Kung ako sayo, wag ka masyadong mayabang kasi sa tingin ko kailangan pa ng improvement ng mga drone niyo.”“Ohhh pero Sterling Group mismo ang nagsasabi na ito ang best drone na nagamit niyo. Wag ka mag’alala, mas gagalingan pa namin.”“Good luck nalang sainyo!”“Grabe ang ganda ng moon!” Nakangiting sabi ni Mike habang nakatingala sa kalangitan. Tumingin din si Chad sa buwan at tumungo bilang pagsang’ayon. “Wag na tayong mag’away.” Tumingin si Mike kay Chad. “Malay mo maging magkatrabaho tayo ulit balang araw.”Pinilit ni Chad na pagaanin ang usapan, “Mukhang nag enjoy ka sa pera ng boss ko ah.”“Meh! Mas marami kaming galanteng kliyente sa abroad no!” “Talaga ba? Baka naka
‘Sabay talaga sila ng birthday? Grabe namang coincidence yun.’Hinawakan ni avery ang kamay ni Hayden at sabay silang naglakad palabas ng classroom. Pero pagkarating nila sa may pintuan, biglang may isang matangkad na lalaki ang humarang sa daanan nila. Nakasuot si Elliot ng itim na coat. Hindi sigurado ni Avery kung siya lang ba pero parang pumayat ito sa paningin niya. Medyo nag’alangan siya noong una pero bandang huli ay nagdesisyon siyang batiin ito, pero noong magsasalita na siya, biglang tumakbo si Shea papalapit kay Elliot at yumakap. “Kuya, ito ang cake mo!” Nang marinig ni Avery ang sinabi ni Shea, gulat na gulat siya. ‘Kuya? Bakit tinawag ni Shea na kuya si Elliot?’Halatang halata sa mukha ni Avery na naguguluhan siya sa nangyayari. Naramdaman ni Shea na nakatitig sakanya si Avery kaya tinignan niya rin ito pabalik. Nang makita niyang nakakunot ang noo nito, natakot siya. Gusto niya sanang alukin si Avery ng cake pero hindi niya alam kung paano niya sasabihin
Hindi man nagpasabi ang mga ito na pupunta ngayong araw. Dahil kung sakali, hindi rin naman papayag si Elliot. Hindi sanay si Shea na makakita ng ibang tao at alam niyang matatakot lang ang kapatid niya.Nagmamadaling tumayo si Rosalie para salubungin si Shea. Abot-tenga ang ngiti niya at gusto niya sanang yakapin si Shea. Pero humarang si Elliot, “Mommy, bakit hindi man lang kayo nagpasabing pupunta kayo?”“Ngayon ang–Nagdala ako ng cake.” Pautal-utal na sagot ni Rosalie. “Alam ko dapat nagsabi muna ako sayo, pasensya na kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko…Gusto niyang makita si Shea.Nang marinig ni Shea ang boses ni Rosalie, magkahalong kaba at pagtataka ang naramdaman niya. Nakita ni Rosalie na sumisilip si Shea habang nakatago sa likuran ni Elliot. “Shea, hindi ka naman natatakot sa akin diba?” Sobrang hinahon na tanong ni Rosalie. Biglang yumuko si Shea at napahawak ng mahigpit sa damit ni Elliot. Nang maramdaman yun ni Elliot, hinawakan niya ang kamay ni Shea pa
Abot-tenga ang ngiti ni Avery.Five years ago, ang kanyang stepmother at ang nakababatang kapatid nito na si James, ay nagnakaw ng tumataginting na Three Hundred million ng Tate Industries. Sa sobrang luho nito, nawala ng parang bula ang mga ninakaw nito at ngayon sinusubukan nanaman nito ang swerte nito sa Tate Industries… ‘Yun ang akala niya dahil hindi na three hundred million ang makukuha niya, kundi ang hagupit ng batas.’Si Officer Boyd, ang pulis na naka assign sa kaso na ‘to, ang tumawag sakanya para ibalita na pabalik na ng bansa si James. Sa kasalukuyan, may grupo na ng mga pulis na nag’aabang sakanya sa airport at sa oras na mag land siya, aarestuhin siya kaagad. Ilang taon ‘tong hinintay ni Avery kaya sobrang saya niya. Kahit nang matapos na ang tawag, hindi pa rin mawala ang ngiti sa mukha niya at gusto niya sanang tawagan ang mga kaibigan niya para ibalita ito pero alas tres palang ng umaga kaya kailangan niyang kumalma. Lumabas siya sa kwarto niya para bumaba sa
Nang marinig ni Avery ang tanong ni Elliot, medyo nahimasmasan siya. ‘Akala niya ba aamin ako porket lasing ako?’ ‘Aha! Nagkakamali ka Elliot Foster!’ Oo nakainom siya pero beer lang yun at hindi wine. Malinaw pa rin ang isip niya. Hindi sumagot at natulog. Imbes na sagot, paghinga ni Avery ang narinig ni Elliot. Napangiti nalang siya habang nakatitig sa screen ng kanyang phone. Wala siyang balak na ibaba dahil ngayon nalang ulit ito tumawag sakanya at hindi niya alam kung mauulit pa ‘to. Pagsapit ng alas otso ng umaga, nagmamadaling bumangon si Avery. Sobrang sama ng panaginip niya… panaginip na nagpaalala sakanya noong araw na namatay ang kanyang daddy.Dahil dun at sa naging pagkalugi noon ng Tate Industries, nagpalaboy sila ng mommy niya. Tandang tanda niya na may isang beses na halos mamatay na siya sa uhaw pero wala silang kahit sincong duling.Pawis na pawis at hinihingal siya nang magising. Huminga siya ng malalim at sinabi sakanyang sarili,, “Tapos na yun, Avery
Habang pinapakinggan kung paano magalit si Wanda, sobrang saya ni Avery.“Sa tingin mo, paano mo naman gagawin yun?” Pang’asar niyang sagot. “Dalawa lang naman yan eh. Kasabwat ka niya o kinunsinti mo siya. Kahit ano dun, damay ka. Isa pa, hindi ka na ba talaga nahihiya? Sobrang laki ng ninakaw niyo sa amin tapos may gana ka poang tumawag sakin?” “Dahil sayo, namatay si Cassandra! Hindi pa kita nasisingil dun!”“Oh… Sino pa? Sino pang mga namatay sa pamilya niyo? Isisi mo na sa akin kaya lahat? Sa tingin mo ba ako pa rin yung dating Avery na pwede mong apak apakan? Wanda, matagal ka ng talo. Noong hindi mo ako napatay five years ago!”Walang emosyon pero sobrang nakakapanindig balahibo ng tono ng boses ni Avery. Tama… ibang iba na talaga siya sa Avery five years ago. Galit na galit na pinutol si Wanda ang tawag. Hindi niya palalampasin ang ginawa ni Avery at hindi siya papayag na matalo dito kaya agad-agad, nag book siya ng flight pabalik sa Aryadelle.Ang headline noong hapon
Kung tooo na may mga taong pinanganak na performer, isa na si Eric dun. Sa tuwing nasa entablado ito, kuhang kuha nito ang puso ng lahat. Noong gabing yun, sabay ng pumunta sina Avery at Wesley sa venue na nireserve ni mike.“Wesley, wag kang mag’alala. Puro kaibigan lang namin ni Mike ang mga invited kaya wag kang mahihiya ah.” Nakangiting sabi ni Avery habang naglalakad sila papasok ng hotel. “Gusto lang talaga naming icelebrate ang pagkakahuli kay James kasi ang tagal ng sumasakit ng ulo ko dahil dun.”“Oo, nabanggit mo nga yan noon.” Nakangiting sagot ni Wesley. “Halatang halata na iba ang saya mo ngayon.”Nagpatuloy silang maglakad hanggang sa makarating sila sa event hall at hindi pa man din sila nakakapasok sa loob nang biglang matigilan si Avery. ‘Ha? Sino ‘tong mga to? Tama ba ‘tong pinuntahan namin? Pero–si Mike yun. Oo, sigurado ako na buhok niya yun!’ Isip ni Avery. Nang makita ni Mike si Avery, masaya itong lumapit. “Avery! Buti naman at nandito ka na! Welcome, We