May buhat-buhat ito na dalawang bata sa magkabila nitong braso - isang babae, isang lalaki..Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Medyo malabo ang kopya… Bigla siyang nag’alangan kung si Avery ba talaga ang nakikita niya!‘Bakit may dalawang bata siyang karga?!‘Wala namang anak si Avery, diba?!’’Inulit-inulit niya ang parte ng surveillance video kung saan niya nakita ang babae. At dahil dun, biglang nawala ang antok niya!Iniscreen record niya ang parte ng surveillance video na yun at tinupi ang kanyang notebook. ‘Kailangan kong malaman kung sino ‘tong babaeng ‘to at ang mga batang kasama niya!’‘Pagsikat ng araw, tatawagan ko kaagad si Avery!’Bandang alas sais, nagising si Shea. Pagkadilat niya, bumangon siya kaagad. Naglakad siya papunta sa maliit na kama, kung saan natutulog si Elliot, at biglang hinawakan ang kamay nito.“Kuya…kuya..”Biglang naalimpungatan si Elliot.“Kuya, uwi na tayo!” Natatakot si Shea sa ospital, ayaw niya na doon! G
Hindi inaasahan ni Avery ang naging tanong ni Elliot. Pakiramdam niya ay para bang may naka bara sa lalamunan niya. Hindi naman kasi niya alam na pupuntahan siya ng kambal sa ospital… At higit sa lahat, hindi niya rin naisip na ilalabas ng Elizabeth Hospital ang security footage dahil yun ang pangako ng mga ito sakanya!Alam niya kung gaano kagaling mag suspetya si Elliot kaya naisip niyang hindi ito matatahimik hanggat hindi nito nalalaman kung sino ang nagdala kay Shea sa ospital. Pero may isang detalye itong hindi alam…Kulang ang footage na nakuha nito. Hindi kahapon, kundi noong isang araw niya dinala si Shea sa Elizabeth Hospital kaya imposibleng malaman ni Elliot na siya nga ang nagdala kay Shea. “Elliot, divorced na tayo kaya wala kang pakielam kung nasa Elizabeth Hospital ako kahapon o wala. Isa pa, alam mo namang mahilig ako sa mga bata diba? Kaya kung sino-sino talaga ang mga binubuhat ko,” Sa kabila ng kaba, pinilit pa rin ni Avery na maging kalmado.“Wag kang mag’a
Para sakanya, ito na ang pinaka magandang kabayaran kaysa hayaan niya si Zoe na maningil sa ibang paraan. Halos malaglag ang panga ni Zoe sa sobrang gulat, “Mr. Foster, wag po. Maraming surgery pa po ang kailangan nating gawin kau Shea at kahit po nakakita tayo ng magandang improvement, hindi pa po yun sapat. Pagkatapos niyang magrecover mula sa surgery na ‘to, magkakaroon pa tayo ng pangalawa, pangatlo, o higit pang mga surgery. Nakikinig lang si Elliot sa paliwanag ni Zoe. Kasalukuyan itong naka annual leave kaya alam niya na baka pagkabalik nito sa ibang bansa, posibleng maging sobrang busy na nito. “Doctor Sanford, ano palang future plan mo sa career mo?” Tanong ni Elliot. Siyempre, hindi na kailangan pang itanong kay Elliot kung gusto niyang ipagpatuloy ang treatment ni Shea dahil ‘oo’ lang naman ang nag’iisa niyang sagot. Ang gusto niya lang naman ay kahit magkaroon lang si Shea ng IQ na kahit papaano ay maalagaan nito ang sarili nito. Alam ni Zoe kung bakit gan
Napapikit nalang si Avery. Akala niya kapag nag divorce sila ay hindi na siya masasaktan kapag nagkaroon ng ibang karelasyon si Elliot, pero… bakit nasasaktan siya? Siguro hindi niya lang maintindihan kung anong plano ni Elliot. ‘Akala ko ba mahal na mahal niya si Shea? Eh bakit hindi nalang siya kay Shea mag focus?’Huminga siya ng malalim at naisip niya na siguro ganung klase talaga ng lalaki si Elliot. Walang pakielam sa nararamdaman ng mga karelasyon nito at kung siya ang tatanungin, hinding hindi niya matatanggap ang ganung ka’ga*g*ng tao! Masakit mang aminin pero oo… nainlove siya ng sobra sa isang g*g* kaya nga ngayon sobrang nagsisisi siya sa lahat ng oras na sinayang niya para rito!“Avery, okay ka lang ba?” Nag’aalalang tanong ni Tammy. “Sorry… Dapat hindi ko nalang pala sinabi sayo. Pero… kung hindi ko man sabihin sayo ngayon, sigurado naman ako na malalaman at malalaman mo rin…”“Okay lang ako.” Sagot ni Avery habang kinukuha ang baso niya para uminom. “Choice niya
“Ready na ang dinner. Maghugas na kayo ng mga kamay niyo.” Yaya ni Laura habang naglalakad palabas ng kusina. Agad namang tumayo si Avery para alalayan ang dalawang bata na maghugas ng kamay. Pag sapit ng alas nuebe impunto, nasa kwarto na ang kambal. Hindi makatulog si Hayden kakaisip sa sinabi ni Avery kanina.“Layla,” Tawag ni Hayden sa kapatid. “Hayden, gising ka pa rin? Natatakot ako. Sobrang gwapo ni Elliot pero masamang vtao pala siya. Hu hu hu. Bakit gusto niya tayong sakalin?” Lumapit si Layla kay Hayden at niyakap ang kapatid. “Palagay ko siya ang tatay natin.” Medyo nag’aalangan si Hayden habang sinasabi ang hinala niya. “Ano?” Napasigaw si Layla sa sobrang gulat.“Layla, ipangako mo sa akin na sikreto lang natin ‘to! Kailangan nating malaman ang katotohanan.” Pabulong na sabi ni Hayden. “Paano natin yun gagawin, Hayden?” Kitang-kita sa mga mata ni Layla ang sobrang pag-aalala. “Sa ngayon, matulog ka muna.”…Kinabukasan, biglang nag down ang serv
Dumiretso si Elliot sa administrative department ng Angela Special Needs Academy pagkarating niya rito at hindi siya naghintay pa dahil nakahanda na ang impormasyon na hiningi niya. Name: Hayden TateMother: Avery TateAge: Four years and three months oldNang makita ni Elliot ang pangalan ni Avery, pakiramdam niya ay parang biglang tumigil sa pagtibok ang puso niya. ‘Ibig sabihin… ang batang umapak ng paa ko ay anak ni Avery?! At…sandali apat na taong gulang na siya? Apat na taon kaming naghiwalay ni Avery… ibig sabihin, buntis siya noong umalis siya?’Halos hindi makahinga si Elliot, nanginginig ang kamay niya habang hawak ang impormasyon ni Hayden. Medyo naguluhan ang administrative manager nang makita ang reaksyon ni Elliot. Medyo nag’alangan pa siya noong una, pero bandang huli ay napilit niya pa rin ang sarili niya na magtanong, “Mr. Foster, ano pong mayroon sa batang ‘to? May nagawa po ba siyang dapat kaming mabahala?”Napalunok si Elliot at halatang hirap na h
Ang pinaka mahalaga sakanya ngayon ay mapagaling si Shea dahil yun lang ang paraan para makasama niya si Elliot ng matagal. Galit na galit si Chelsea, at nang marinig niya ang salitang ‘boyfirend’ mula kay Zoe, mangiyak-ngiyak na siya pero pinilit niyang pigilan. Pero ano pa bang magagawa niya? Bandang huli, umalis nalang siya.Habang naglalakad palayo, tinatawanan nio Zoe si Chelsea, “Ha! What a loser! Partida, wala pa akong effort niyan ah!”Sa Tate Industries, abalang-abala si Avery na mag recruit ng mga empleyado para punan ang iba’t-ibang department. Halos lahat ng mga original na empleyado ay nakabalik na pero dahil marami silang babaguhin, kailangan niyang mag hire ng mas marami pa. Ngayon ang flight ni Mike at siguro pagkarating nito ay doon lang makakahinga ng medyo maluwag papano si Avery.“President Tate, maghanap kaya tayo ng celebrity na magiging ambassador natin?” Suggestion ng marketing manager. “Hindi. Wag.” Pagtanggi ni Avery. “Pero… yun po ang u
Parehong nagulat sina Avery at Mike sa malakas na kalabog. Pagkalingon nila, nakita nila si Elliot - galit na galit na para bang gusto ng manuntok anumang oras…“Hello, ex-husband ni Avery!” Tumalon si Mike mula sa lamesa at naglakad papalapit kay Elliot para batiin ito. Samantalang si Avery naman ay parang mahihimatay sa kinatatayuan niya. Walang ka ide-ideya si Mike kung anong klaseng tao si Elliot. Kung hindi niya ito aawatin, hindi niya sigurado kung anong pwedeng mangyari kaya nagmamadali siyang naglakad para hilain si Mike.Pero nang dahil sa ginawa ni Avery, lalo lang nagalit si Elliot. ‘Ano bang relasyon ng dalawnag to? Bakit ba sobrang protective ni Avery sa mukhang baliw na lalaking ‘to?’“Bakit ka nandito?” Tumayo si Avery sa harapan ni Elliot at tinignan ito ng diretso sa mga mata. “May dahilan ba para magkita tayo?”Napakuyumos ng matindi si Elliot sa papel na nasa kamay niya, at sa sobrang lakas, halos magpunit-punit na ito. Naglakad siya palapit kay Avery na ha