Pagkalabas ni Elliot, nagmamadaling pumasok si Mike sa office ni Avery.“Anong kailangan sayo ng ex-husband mo? Mukhang galit na galit siya ah. Inaway ka ba niya?” Tanong ni Mike habang pinapakalma si Avery. Inalalayan niya itong umupo at binigyan ng isnag baso ng tubig. Noong una, walang ibang maramdaman si Avery kundi matinding galit, pero nang makita niya kung paano siya asikasuhin ni Mike, medyo gumaan ang loob niya. “Akala niya boyfriend kita. Hindi ko naman tinanggi. Okay lang ba sayo?”“Boyfriend lang? Pwede kitang maging asawa kung gusto mo! Tara magpakasal na tayo ngayon!” “Wala na akong balak na magpakasal ulit. Hayaan mo.. darating din ang taong para sayo.”Hindi nagustuhan ni Mike ang naging sagot ni Avery kaya naka pout siyang sumagot, “Wala rin akong balak na magpakasal! Sobra akong nasaktan ng ex ko at hanggang ngayon, natatakot pa rin ako.”Matagal na panahon na ang nakakalipas nang magkaroon ng tumor sa utak si Mike. Si Avery ang nagopera sakanya. Su
“Uncle, wag kang gumalaw” Malakas na sigaw ni Layla.Tumayo lang naman si Cole para tulungan sana si layla pero dahil sa matining nitong boses, bigla siyang natigilan. “Uncle, ang dami mo ng puting buhok. Tatanggalin ko! Baka isipin ng mga tao, matanda ka na.” Ginamit ni Layla ang pagkakataon na yun, at kumuha siya ng medyo maraming hibla ng buhok ni Cole at inilagay ang mga ito sa loob ng plastic na hawak niya. Pagkatapos, tinapik niya nag balikat ni Cole, “Okay, natanggaal ko na lahat.”Tumayo ng maayos si Cole at hinawakan ang anit niya, “Asan? Wala naman akong puting buhok eh.”Tinuro ni Layla ang hangin at sinabi, “Wala na. Tinapon ko na. Bakit gusto mong makita? Hindi ka pa nakakakita ng puting buhok no?” Hindi alam ni Cole kung anong isasagot niya. “Grabe, ang lagkit ng buhok mo! Teka nga, maghuhugas ako ng kamay kasi ang baho.” Pagpapatuloy ni Layla, na para bang walang pakielam kahit masaktan si Cole. Pagkatapos, tumakbo si Layla papalayo, na para ban
Ayaw sanang tanggihan ni Mrs. Cooper, pero kailangan, “Ah.. Shea, ang sabi kasi ng doktor, kailangan mo daw magpahinga ng kalahating buwan. Wala pa ngang isang linggo kang naooperahan eh. Kpaag naglaro tayo sa labas, magagalit si Master Elliot sa akin.” Nagtatakang tinignan ni Shea si Mrs. Cooper. “Sinong Master Elliot.”“Elliot Foster,” Natigilan ng ilang segundo si Mrs. Cooper bago siya nagpatuloy, “Ano bang tawag mo sakanya?” Hindi sumagot si Shea at pagkalipas ng ilang sandali, tinuro niya ang bintaya. “Gusto kong maglaro”Hindi na alam ni Mrs. Cooper kung anong isasagot niya kay Shea kaya tinawag niya si Zoe. HIndi nagtagal, dumating si Zoe. “Shea, gusto mo bang maglaro sa labas?” Nakangiting bati ni Zoe. “Pwede kitang ilabas, okay lang ba na naka wheelchair ka? Baka kasi mahilo ka kapag pinilit mong maglakad.” Gusto lang naman talagang lumabas ni Shea para magpahangin. Tumungo si Shea kaya dali-daling kinuha ni Mrs. Cooper ang wheelchair na ginamit noon n
Nahulog ang sepilyo na nasa kamay ni Avery sa sahig. Kahit si Tammy aynagulat at nabitawan ang dalang bag ng almusal nang nakita niya si Mike.Buti na lang, mabilis na umakto si Mike at sinalo ang bag ng almusal."Avery, ito ba ang matalik na kaibigan mo?" Tanong ni Mike nang magulo angbuhok.Pagkatapos 'non, binuksan niya ang bag ng almusal, kinuha ang pancake, atdinala ito sa kanyang bibig. Maya-maya, kumuha pa siya ng isa pang pancakeat gustong ipakain ito kay Avery, "Hindi na masama, nagustuhan mo ba?"Nakita ni Avery ang gulat na ekspresyon ni Tammy at dali dali niyangtinulak si Mike sa kanyang kwarto."Tammy, sandali lang. Umupo ka muna," sabi ni Avery kay Tammy.Maya maya, nanumbalik si Tammy sa kanyang ulirat. Humugot siya ng malalimna hininga at kinuha ang kanyang phone at nagpadala ng mensahe kay Jun.Tinext ni Tammy si Jun, "Diyos ko! Alam talaga ni Avery kung paano magsaya.May kasama siyang gwapong lalaki at magkasama silang naninirahan!"Sumagot si Jun, "Sin
Hindi na niya kailangang sayangin ang lakas niya para turuan ng leksyon siCole. Pero, ibang istorya ito kung si Elliot naman ang pagdidiskitahan niHayden.Simula nang matagumpay na pinanghimasok ni Hayden ang cyber security ngkompanya ni Elliot, gumastos ng malaking halaga ng pera si Elliot paramaglagay ng isang malaking firewall. Ngayon ay hindi na kayang pasukin niHayden ang firewall.Abala ang Tito Mike niya sa Tate Industries at wala siyang oras paratulungan si Hayden. Sa huli, tiningnan na lang ni Hayden ang larawan niElliot at mabagal na tinatanggal ang panghihinayang niya.Iisa na lang ang estudyante sa silid-aralan, si Hayden. Kung saan, maydalawang guro ang tinitingnan siya sa silid-aralan, ang isang guro aynagbabantay sa kanya at ang isa naman ay responsable sa pagtuturo.Nagtuturo ang guro sa harapan habang si Hayden naman ay suot ang kanyangheadphones at naglalaro sa kanyang computer. Bagay na bagay.Biglang isang anino ang nagpakita sa labas ng silid. Nakita
Nang makarating si Elliot sa eskwelahan, dali-dali niyang hinawakan ang mgabraso ni Shea at maingat na tinapik ang likod niya habang nakikita angnamamagang mga mata ni Shea."Huwag ka nang umiyak, Shea," alu ni Elliot.Sumakit ang ulo ni Shea dahil sa sobrang pag-iyak. Pagkatapos niyangmarinig ang boses ni Elliot, nakaramdam siya ng ginhawa at sumandal sadibdib ni Elliot habang nagsisimulang bumalik sa dati ang mga emosyon niya.Pagkatapos ng ilang sandali, nakatulog siya.Kinarga siya ni Elliot sa kama at hiniga siya rito. Pagkatapos ay lumabassiya ng kwarto. Kailangan niyang hanapin si Hayden para malaman kung anoang nangyari. Maya-maya, nakarating siya sa silid-aralan ni Hayden.Nakita ng mga guro si Elliot na paparating at umalis sa silid. Sa gayon,sina Elliot at Hayden na lang ang natira sa silid-aralan.Tumungo si Elliot at tumayo sa harap ni Hayden. Nakita ni Hayden napaparating siya at nagsimulang ligpitin ang kanyang mga libro sa backpackniya."Hayden Tate, kila
Hindi tinigilan ni Hayden ang pagkagat hanggang sa malasahan na siyang dugosa kanyang bibig....Alas kwatro ng hapon. Sinabihan ng paaralan si Avery na may kinagat siHayden at kailangan niyang pumunta sa paaralan.Hindi maintindihan ni Avery. Si Hayden lang ang tanging estudyante sakanyang klase. Dahil wala siyang kahit na sinong kaklase, sino angkakagatin niya? Ang mga guro ba ang nakagat niya? Dahil sa posibilidad nanasa isip niya, agad na sinara ni Avery ang computer at kinuha ang kanyangmga susi.'Bakit kakagatin ni Hayden ang guro niya? Kahit na may hindi silapagkakaunawaan ng guro, hindi dapat siya gumawa ng karahasan.' Patuloy nainiisip ni Avery.Naalala niya na mabait na bata si Hayden. Kailan pa siya nagbago?Puro trabaho na lang ang inaatupag ni Avery at kahit papaano ay hindi naniya napapansin ang dalawang anak niya. Nagdesisyon siya kausapin ngmasinsinan ang dalawa mamayang gabi.Matapos makarating sa paaralan, humingi ng tawad ang guro kay Avery, "MissTa
"Huwag mo akong hawakan!" Sigaw ni Hayden.Agad binalik ang pagkakasuot ng kanyang sumbrero.Nagulat si Mrs. Cooper nang sumigaw si Hayden sa kanya.Nakatitig sina Elliot at Shea kay Hayden habang si Shea ay natatakot dahilsa pagsigaw ni Hayden. Si Elliot naman ay napahinto dahil ito ang unangpagkakataon niyang makita ang buong mukha ni Hayden. Nakita na rin angpagkakatulad niya sa mukha ni Hayden."Kaya mo bang punasan mag-isa?" Tanong ni Mrs. Cooper pagkatapos pigain angtuwalya at binigay ito kay Hayden, "May pawis sa mukha mo. Mas komportablepagkatapos mo punasan 'yan."Kinuha ni Hayden ang tuwalya at binato ito pabalik sa palanggana.Dahil mainitin ang ulo ni Hayden, kinuha ni Mrs. Cooper ang palanggana atumalis."Kung hindi mo sasabihin sa akin kung paano mo nakilala si Shea at kungbakit kayo nag-away, huwag mo nang isipin na makakauwi ka ngayon sa inyongayong gabi," bumalik ang ulirat ni Elliot at binantaan si Hayden.Nagbingi-bingian si Hayden at tumungo sa pintu