Kabanata 173
“Ayoko… ayoko sakanya… Hindi ko siya kilala… ayoko saknaya..”

“Dinala ka sa ospital noong nahimatay ka kaya ngayon mo lang siya nakita.” Paliwanag ni Elliot.

“Nahimatay?”

“Hindi! Hindi yan totoo!” Umiiyak na sagot ni Shea.

Tandang tanda niya ang mukha ni Avery.

Noong inaapoy siya ng lagnat, si Avery yung nagbabantay at kumakausap sakanya.

Hindi niya na maalala kung anong sinabi nito, pero sigurado siya! Sobrang lambing ng boses nito kaya hindi siya natakot.

Dahil dun, biglang humagulgol si Shea at dahil nabigla ang katawan niya, pakiramdam niya ay mabibiyak ang ulo niya.

“Shea, saan ang masakit? Pumikit ka muna at wag kang mag’isip ng kung ano-ano. Matulog ka muna, pagkagising mo, hindi na yan masakit.” Pinunasan ni Elliot ang luha sa pisngi ni Shea at hinimas ang likod nito hanggang sa makatulog ito.

Kakatapos lang ng brain surgery nito, at kailangan nitong magpahinga para makabawi kaagad ito ng lakas.

Nang masigurong nakatulog na si Shea, lumabas si E
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP