“Okay, ma. Pero hindi ba’t hindi kilala ang boss ng Royal Dragon Group? Narinig ko na mabilis siyang naging high-ranking personality sa Heavenly City! Siguro pambihira talaga ang boss na iyon! Isa pa, narinig ko rin na ayaw niyang lumahok sa maraming mga okasyon... Napaisip tuloy ako kung gusto niyang sumali sa event ng ating pamilya sa unang pagkakataon!" Sagot ni Tulip. "Nang bumalik ako sa bansa, marami rin akong nabalitaan tungkol sa Royal Dragon Group na yan. Sinasabi nila na ang Royal Dragon Group ay puno ng napakabangis at malalakas na mga kalalakihan. Sinasabi rin nila na ang boss ng grupo ay isang binata na hindi malinaw ang pinagmulan! May alam ka pa ba tungkol sa kanila, ma?" Tanong ni Juliet na kanina pa rin curious. Kung tutuusin, ang boss ng Royal Dragon Group ay kaedad niya! Interesado rin si Juliet na alamin kung ano talaga ang itsura ng lalaking ito at gayundin kung paano niya nakuha ang kanyang mahusay na skills hanggang sa puntong kusang-loob na sumuko sa kanya a
"Siguro mali ang narinig mo! Imposibleng na maging manugang ko siya!" Agad na sinabi ni Heidi habang sumilip sa anim na binatang Hapones na tahimik na nakatayo sa likod ni Meiko. Makikita sa kanilang mga mukha na wala silang pakialam sa mga nangyayari. Kahit si Gerald ay nakatingin na sa anim na subordinates na dinala ni Meiko. Nararamdaman ang kanilang makapangyarihang aura at masasabi niya na silang anim ay mga master sa kanilang mga sariling kakayahan. Ang babaeng Hapones na ito ay tiyak na hindi isang ordinaryong tao para magkaroon ng napakalakas na mga guwardiya sa kanyang tabi! Samantala, nagsimulang umakyat ang isang malaking grupo ng mga tao sa mountain villa. Habang ang ilan pang makapangyarihang personalidad ay tinatahak din ang daan sa bundok, sila naman ay agad na tumayo sa magkabilang gilid ng kalsada upang bigyan ng daan ang mga taong ito. “Madam! Nandito na ang mga mula sa Royal Dragon Group!" sabi ng butler ni Heidi na nakatayo sa tabi niya. Nang marinig iyon, a
“Kung pwede, gusto kong ipasa mo ang message na ito, kasama ang aking business card, sa Royal Dragon Group... 'Umaasa ang pamilyang Takena na magkaroon ng pagkakataong makipagkita at makasamang kumain si Mr. Crawford-san mula sa Royal Dragon Group. Tinatanggap mo ba ang aking offer?’ Umaasa ako na ipaparating mo sa kanila ang message na ito para sa akin!” paliwanag ni Meiko nang yumuko siya ulit habang iniaabot ang kanyang business card. Matapos kunin ito sa kanya, tiningnan ni Gerald ang kanyang card habang iniisip ang nakakahanga at katalinuhan ng mahinhin na babaeng ito. Gayunpaman, alam ni Gerald na malamang ay may kinalaman ito sa kung gaano kahigpit ang kultura ng Hapon. Gayunpaman, naniniwala pa rin siya na si Meiko ay hindi isang simpleng tao. Lalong nadagdagan ang kanyang hinala dahil hindi niya alam kung ano ang pinagkakaabalahan ng pamilyang Takena. Matapos mag-isip ng sandali, tumango si Gerald at sumagot, “Sige, ipapasa ko sa kanila ang message na ito para sayo, Mi
Sobrang na-excite si Gerald nang makita sila ngunit mabilis niyang pinakalma ang kanyang sarili. Alam ni Gerald na sa wakas ay nakapag pahinga ang kanyang pamilya matapos ang kanyang matagal na pagkawala, ngunit alam din niya na hindi siya pwedeng magmadaling bumalik sa pamilyang Crawford. Naisip niya na masasayang ang lahat ng efforts niya kapag lumabas ang balita sa publiko tungkol sa bagay na ito. Ang pundasyong napakahirap niyang itinatag ay madaling sisirain ng pamilyang Moldell kapag nangyari iyon! Naintindihan niya ito at alam niyang hindi pa niya kayang makipagkasundo sa kanyang pamilya sa ngayon! Matapos makita sa huling pagkakataon sina Bea at Lyra, tumalikod siya at agad na umalis sa eksena. "Dumating ka na sa wakas, Lyra! Hinihintay kitang dumating!" excited na sinabi ni Heidi. "Mukhang matagal kang naghintay!" sagot ni Lyra na may banayad na ngiti sa kanyang mukha. Nang tumayo si Lyra sa kanilang harapan, naramdaman ni Juliet na parang natatapalan siya ng dal
Alam ni Gerald kung bakit naghost ng open auction si Heidi. Sa madaling salita, siniguro niyang imbitahan ang maraming malalaki at makapangyarihang pwersa sa abot ng makakaya niya sa pag-asang maglalaban sila sa bawat isa hanggang sa kamatayan. Sa ganoong paraan, ang pamilyang Yowell na lang ang matitirang nakatayo kapag nagpatayan na sila sa isa't isa. Hindi lamang sila makakakuha ng maraming pera, ngunit mailalagay din sila sa isang napakahusay na posisyon! Malamang ay walang alam sina Lyra at si Bea tungkol sa lahat ng ito, naisip lamang nila na ito ay isang over the top auction. Nakapagtataka dahil naging madali para kay Heidi na maisama sila sa gulo na ito dahil sa misteryosong background nilang dalawa. "Bakit kayo pumasok sa isang bagay na napaka komplikado...?" Reklamo ni Gerald. Natural lang para sa kanya na mag-spy sa kanila sa kaganapan na ito. Habang pinagmamasdan ni Gerald ang dalawang sariwang bangkay sa kanyang paanan, hindi niya maiwasang mag-alala lalo na p
"...Hindi ka nananaginip... Nandito talaga ako!" nakangiting sumagot si Gerald habang pinupunasan ang mga luha sa mukha ni Bea. “Nasaan ka noong nakalipas na anim na buwan, pinsan...? Mukhang mas malakas at mas umitim ka ngayon... Kung hindi talaga ito panaginip, ano, ano pala... Ewan ko na lang, basta masaya lang ako na sa wakas ay makikita na rin kita!" humihikbi si Bea nang sabihin niya ito. “Masyadong mahabang kuwento ito... sasabihin ko sayo ang lahat sa susunod. Sa ngayon, kailangan mo lang malaman na okay lang ako!" Sabi ni Gerald habang maramdaman niyang namumula na ang kanyang mga mata. "Oo nga pala, kumusta ang mga magulang ko...?" dagdag ni Gerald. "Madalas na umiiyak sila tito at tita simula noong nawala ka... Si Tito ay mukhang mas matanda kaysa dati... Parati silang nag-aalala para sa kaligtasan mo...!" "…Hmm. At kamusta naman ang kapatid ko?" "Ang kapatid mo... madali na siyang magalit ngayon... Dati ay napakabait niya sa kanyang mga tauhan, pero mula noong a
Sa ilalim ng liwanag ng buwan, nakikita ni Gerald ang tao na iyon na pabilis ng pabilis na tumatakbo sa lupa na nababalutan ng dahon at maririnig ang ingay nito mula sa likuran niya. Ang banayad na kaluskos ay nagpapahiwatig na magaan ang mga hakbang ng lalaki, parang dumausdos siya sa damuhan sa halip na tumakbo sa ibabaw nito. Napansin ni Gerald na ang taong naka-itim ay isang top-notch dahil malaki pa rin ang agwat sa pagitan nilang dalawa. ‘Sinusubukan mo pa rin tumakas...?’ naisip ni Gerald sa kanyang sarili habang nakangisi. Pagkatapos ay sinipa ni Gerald ang isang sanga sa lupa gamit ang dulo ng kanyang sapatos at pinitik niya ito gamit ang kanyang daliri, pinalipad ito patungo sa tumatakbong tao na parang tumira ng arrow si Gerald! Hindi nagtagal ay humampas ang sanga sa likod ng tao at gumawa ito ng isang malakas na tunog na umalingawngaw sa buong lugar! Napakalakas ng impact ng sanga kung kaya't ang taong nakaitim ay sumubsob sa lupa nang ilang beses hanggang sa tul
Ang mga babae ay nakaupo sa tabi ni Juliet habang patuloy silang nakatitig kay Gerald na hindi gumagalaw sa isang sulok. "Oo nga! Nakipaghiwalay ka sa lalaki na iyon at wala namang problema iyon! Pero hindi mo talaga kailangang pahirapan ang sarili mo na sapilitang sumama sa lalaking ito! Ibig kong sabihin, tingnan mo naman ang lahat ng makapangyarihan at kagalang-galang na mga personalidad na nandito ngayon! Napansin ko rin na marami na sa mga gwapong lalaki dito ang interesado sayo!" “Oo! Kaya bakit hindi mo samantalahin ang pagkakataon na ito iwanan siya para simulan mong hanapin muli ang iyong totoong kaligayahan!” Napaisip si Juliet habang nakikinig sa kanyang mga kaibigan na sinusubukang hikayatin siya. Kahit pa hikayatun siya ng kanyang mga kaibigan noon, alam ni Juliet na hindi mabibigo ang kanyang plano na ipagpatuloy ang pekeng kasal. Kung tutuusin, ang kasal ay isang palabas lamang at alam iyon ni Juliet. Gayunpaman, iba na ang nararamdaman niya sa pagkakataon na i