Kabanata 977
Sa ilalim ng liwanag ng buwan, nakikita ni Gerald ang tao na iyon na pabilis ng pabilis na tumatakbo sa lupa na nababalutan ng dahon at maririnig ang ingay nito mula sa likuran niya.

Ang banayad na kaluskos ay nagpapahiwatig na magaan ang mga hakbang ng lalaki, parang dumausdos siya sa damuhan sa halip na tumakbo sa ibabaw nito.

Napansin ni Gerald na ang taong naka-itim ay isang top-notch dahil malaki pa rin ang agwat sa pagitan nilang dalawa.

‘Sinusubukan mo pa rin tumakas...?’ naisip ni Gerald sa kanyang sarili habang nakangisi.

Pagkatapos ay sinipa ni Gerald ang isang sanga sa lupa gamit ang dulo ng kanyang sapatos at pinitik niya ito gamit ang kanyang daliri, pinalipad ito patungo sa tumatakbong tao na parang tumira ng arrow si Gerald!

Hindi nagtagal ay humampas ang sanga sa likod ng tao at gumawa ito ng isang malakas na tunog na umalingawngaw sa buong lugar! Napakalakas ng impact ng sanga kung kaya't ang taong nakaitim ay sumubsob sa lupa nang ilang beses hanggang sa tul
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo